Chapter 13 - Stalker

194 16 7
                                    

Yoseob's POV

Ang damot naman ni Junhyung. Okay lang. May plano naman ako eh. Kung ayaw niya kaming isama ni Dujun, pupunta na lang kami sa lugar kung saan sila magde-date.

"Nga pala pre, kung di mo ako isasama sa date niyo, sabihin mo nalang sa'kin kung saan kayo magde-date." sabi ko.

"Ano ka? Sinuswerte? Alam ko na yang style mo! Kapag sinabi ko sayo kung saan kami magde-date, alam kong pupunta kayo." sabi ni Junhyung.

"Hoy! Hindi ako magsasayang ng oras para sundan kayo 'no." sabi ko.

"Oh? Talaga? Bakit ka nagsasayang ng laway mo para tanungin lang kung saan kami magde-date? Hoy bulok na yang mga palusot mo!" sabi ni Junhyung.

"Bakit, masama bang magtanong?" sabi ko.

"Hindi masamang magtanong. Pero masamang makialam." sabi ni Junhyung.

Ang daming satsat nito ni Junhyung. Ayaw nalang sabihin para tapos na eh.

"Kung ayaw mong sabihin, pahingi nalang ako ng number ni Jaehyeon." sabi ko.

"Para saan? Para sa kanya mo naman itanong kung saan kami magde-date?" sabi ni Junhyung.

Bwisit naman! Nakakabasa yata ng isip 'to si Junhyung. Lahat ng plano ko alam na niya agad. Kaylangan ko nanaman magpalusot.

"Hoy! Ano lahat nalang!? Hihingiin ko yung number ni Jaehyeon, para makamusta ko si Yoon-mi!" medyo napalakas kong sabi.

"Hoy! Wag ka ngang sumigaw! Baka marinig tayo ni Sir tanda!" bulong ni Junhyung.

"Ibigay mo na kasi sa'kin yung number ni Jaehyeon!" sabi ko.

"Hindi naman na yun magre-reply. Hindi na nga ako nireplyan eh." sabi ni Junhyung.

"Hindi yan! Ibigay mo na!" bulong ko na medyo nanggigigil.

"Ito na o ..." sabi ni Junhyung sabay binigay yung number ni Jaehyeon.

Yes! Nauto ko si Junhyung! Makikita ko na ang ka-cornyhan niya mamaya kapag nag date na sila!

"Salamat!" sabi ko.

Kinuha ko na ang cellphone ko para matext ko na si Jaehyeon.

To: Jaehyeon

Jaehyeon, si Yoseob 'to. Pwede ko bang malaman kung saan kayo magde-date ni Junhyung? Salamat!

Lumipas na nga ang ilang minuto pero hindi pa rin nagre-reply si Jaehyeon.

"Mukhang hindi na nga magre-reply si Jaehyeon." sabi ko.

"Sabi ko sayo eh." sabi ni Junhyung.

Ok lang. May Plan C pa naman ako. Susundan na lang namin ni Dujun si Junhyung mamaya papunta sa lugar kung saan sila magde-date! Ang talino ko talaga! Ang daming napasok sa isip ko!

"Ok lang, may pla-"

Ooops. Muntik na kong madulas.

"Anong pla?" tanong ni Junhyung.

"A-ah, may plato dun sa taas!" pagpapalusot ko sabay turo sa kung saan. 

"Wala naman eh! Niloloko mo ba 'ko!?" sabi ni Junhyung.

"Utu-uto ka naman!?" natatawa kong sabi.

Babatukan pa sana ako ni Junhyung kaso biglang dumating yung prof. Thank you Prof! You're my savior!! *^O^*

"Mr. Yang, Mr. Yong. You may now go back to your chairs." sabi ni Sir.

"Opo sir." sabi namin ni Junhyung.

He's A Cross Dresser (On going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin