Chapter 4 - Flashback Part 2

230 18 7
                                    

Yoseob's POV

"Sir, kasi nagsasalita ka mag-isa eh, kaya kinausap kita kasi mukhang loner ka eh, kaya pati sarili mo kinakausap mo" pabirong sabi nung babae.

Isa na lang ang kaylangan kong pasagutin, 'tong babae na lang na 'to yung liligawan ko. Magpapanggap ako na may problema para damayan niya ko, at pagkatapos nun, makukuha ko na ang loob niya.. Hahahaha, ang gwapo ko na nga ang talino ko pa!

Gagamitin ko na ang pinakamatindi kong Acting Skills! Sisimulan ko na ang pagpapanggap.. Sana gumana

"Miss, buti na lang kinausap mo ko, kasi parang mababaliw na ko sa problema ko, kaylangan ko lang talaga ng makakausap, pwede mo ba kong damayan sa problema ko?" malungkot kong sabi.

"Ah.. sige, ano ba yung problema mo, sabihin mo lang, makikinig ako." pag-aalalang sabi niya.

"Kasi yung Girlfriends-ay este yung Girlfriend ko, nalaman ko na may boyfriend siyang iba kahit na kami pa, sobrang nasasaktan lang ako kasi nagawa niya sa'kin yung mga ganung bagay, wala naman akong ginawang mali sa kanya para saktan niya ako ng ganito." sabi ko habang na-iyak.

"Hayaan mo na lang siya. Baka hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Siguro meron pang ibang babae na mas nararapat sa isang katulad mo. Maghanap ka na lang ng iba. Hindi lang naman siya ang babae dito sa Earth eh." Pagpapagaan niya sa loob ko.

"Saan naman ako makakahanap ng babaeng mas nararapat sa'kin?" tanong ko.

"Tumingin ka lang sa tabi-tabi at mahahanap mo rin ang hinahanap mo." sabi niya.

Tumingin ako sa tabi-tabi gaya ng sinabi niya.

"Ha? Wala namang ibang tao kung hindi ako at.. ikaw? Ibig sabihin sarili mo yung tinutikoy mo?" pagtataka kong sabi.

"Ganun na nga, ako nga ang mas nararapat sa'yo." sabi niya.

"Papaanong naging ikaw ang mas nararapat sa'kin!?" tanong ko.

"Kasi.. kaya kitang mahalin ng higit pa sa sarili ko?" sabi niya.

"Ganun ba? So ibig mong sabihin gusto mong ligawan kita?" tanong ko.

"Kahit di mo na nga ako ligawan eh, basta sabihin mo lang na mahal mo ako, tayo na!" sabi niya.

Desperada yata 'tong babae na 'to na magkaroon ng Boyfriend ah.. Hayaan mo na ako rin naman e. Magpapakipot muna ako ng kaunti para di mahalata na nagpapanggap lang ako.

"E, hindi mo pa nga ako kilala masyado tapos sabihin ko lang na mahal kita, tayo na agad?" sabi ko.

"Kasi ayokong magsayang ng oras, tsaka may kasabihan na dapat mas pinapatagal ang relasyon kaysa ligawan." sabi niya.

"Teka, teka, hindi ko pa nga alam ang pangalan mo at hindi mo rin alam ang pangalan ko eh." sabi ko.

"Eh di magpapakilala. Hello! I'm Megan, I'm 18 years old , at nag tatrabaho ako bilang waitress sa Cafe na'to. Ikaw? Anong pangalan mo?" sabi niya.

"Ah.. I'm Yang Yoseob. Yoseob for short. I'm 18 years old, and I'm 2rd year College." sabi ko.

"Ayan na, magkakilala na tayo, I'm Megan and you're Yoseob. May reklamo pa ba?" sabi niya.

"Wa..wala na." sabi ko.

"Gaya nga nung pinag-usapan natin kanina, kapag sinabi mong mahal mo ako, tayo na. So.. may balak ka bang sabihin?" sabi niya.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon