Chapter 10 - Hoping For Her Forgiveness

155 14 3
                                    

Jaehyeon's POV

Ang sarap pala ng feeling na may nagyaya sayo na makipag date! Ang maganda pa doon, yung gusto mo pa yung nagyaya sa'yo!

By the way, nag da-drive ako ngayon gamit ang red car ko papunta sa Cafe, sabi kasi ni Yoon-mi, doon daw kami mag kita. Sabi niya may sasabihin daw siyang importante. Medyo war pa kami ngayon, siguro hihingi siya ng sorry. Alam ko na humingi na siya ng sorry kahapon, sadyang mainit lang talaga yung ulo ko nung mga panahong yun dahil sa mga pinagsasabi niya, kaya di ko siya napatawad agad. Pero ngayon.. Ok na Ok na'ko, kaya kahit di na siya humingi ng sorry keri na yun. ^_^

Siguro mga ilang minuto na lang makakarating na'ko doon.

Lumipas ang 15 minuto at nakarating na'ko sa Cafe na lagi naming pinagtatambayan kapag trip namin.

Pumasok na'ko at lumapit kay Yoon-mi.

Yoon-mi's POV

"Hi Jaehyeon..
Nasaan ka ba ngayon?..
Kung pwede sana mag-usap tayo sa personal. Nandito ako ngayon sa Cafe..
Sige, bye.." sabi ko kay Jaehyeon na kausap ko sa phone.

Kagaya nga nung sinabi ko kay Jaehyeon, nandito ako ngayon sa Cafe. Gusto ko sanang humingi ulit ng sorry, kasi di niya 'ko pinansin ng buong klase kanina. Sana ngayon mapatawad na niya ako.

Naghintay lang ako ng mga ilang minuto hanggang sa natanaw ko na si Jaehyeon at pumasok na siya dito sa Cafe at umupo sa may tapat ko.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" sabi ni Jaehyeon na abot tenga ang ngiti ngayon.

Anong problema nito? Kaninang umaga lang parang pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa bad mood siya. Ngayon parang sinagot siya ng lalaking sampung dekada na niyang nililigawan. Ano kayang magandang nangyari sa kanya kanina?

"Bakit parang masaya ka?" tanong ko na sobrang nagtataka sa kilos niya ngayon.

"Bago ko sagutin yan, bakit mo muna ako pinapunta rito?" sabi ni Jaehyeon na sobrang saya pa rin.

"Ah.. Kasi gusto ko sanang humingi ng So-"

"Ano ka ba! Wala na yun! Di mo na kailangang humingi ng sorry. Ok na'ko." sabi ni Jaehyeon.

"Talaga?" sabi ko.

"Promise." sabi ni Jaehyeon.

"Dahil nasagot ko na yung tanong mo, yung tanong ko naman yung sagutin mo. Bakit parang ang saya saya mo?" sabi ko.

"Kasi si Mr. Red Polo Shirt with JH initial." sabi ni Jaehyeon.

"Anong meron doon?" tanong ko.

"Kilala ko na siya!" sabi ko.

"Pa-papaano?" gulat na tanong ko.

"I'll tell you the summary na lang. Kailangan may edit kasi may secret part pa doon na di pwedeng sabihin sayo." sabi ni Jaehyeon.

"Duga naman." sabi ko.

"Sorry. Di talaga pwede eh." sabi ni Jaehyeon.

"Sige na i-kwento mo na lang!" sabi ko.

"Kasi pumunta ako ng Raven's Arcade, and then, I saw him! Kinausap niya 'ko. Tapos tinuruan niya pa nga ako mag basketball eh. Tapos nung paalis na'ko kasi TINAWAGAN mo 'ko, niyaya niya lang naman akong makipag date. Tapos nung pumayag ako, alam mo ang sunod na nangyari?" sabi ni Jaehyeon.

"Ano?" sabi ko.

"NIYAKAP NIYA AKO!!" kinikilig na sabi ni Jaehyeon.

"OH-EM-GEE!!" kinikilig kong sabi.

He's A Cross Dresser (On going)Where stories live. Discover now