Chapter 7- I'll Do It Because I Love Her

214 17 5
                                    

Yoseob's POV

Kaylangan ko nang maging maingat. Pero ano kayang pwedeng gawin para mas makalapit kay Yoon-mi? Hihingi nga ako ng tulong dun kila Junhyung at Dujun.

Bumaba muna ako para nga kausapin sila Dujun at Junhyung para makahingi ng suggestion.

"Hoy! pre, bigyan niyo nga ako ng suggestion para mas lalo akong mapalapit kay Yoon-mi. NANG HINDI NAPAPAHAMAK." tanong ko.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong ni Dujun habang nakatutok pa rin sa nilalaro nilang Mario Kart Wii.

"Hindi nga eh." sabi ko.

"Nag-aaral rin ba siya?" tanong ni Junhyung habang naglalaro din kagaya ng nilalaro ni Dujun.

"Oo naman." sabi ko.

"Alam mo kung saan nag-aaral?" tanong ni Junhyung.

"Oo, alam ko." sabi ko.

Pi-nause muna nila yung nilalaro nila saka tumingin sa'kin at salita si Junhyung.

"Yun naman pala eh. Dahil alam mo na naman kung saan siya nag-aaral, pumunta ka doon. Pumasok ka, tapos puntahan mo siya." sabi ni Junhyung.

"Oo nga naman Yoseob, ang daming paraan, pero di mo man lang naisip." sabi ni Dujun.

"Oo nga maganda naman yung suggestion niyo, pero hindi ako pwede pumasok sa school nila kasi bawal ang lalaki doon." sabi ko.

"Saan ba siya nag-aaral?" sabi ni Dujun.

"Dun sa school na pagmamay-ari ng mga magulang ko." sabi ko

"Yun naman pala eh. Mga magulang mo naman pala ang may-ari. Pwede ka pumasok dun." sabi ni Dujun.

"Hindi nga pwede. Kahit na ako ang anak ng may-ari ng school na yun, hindi pa rin pwede. Ayaw kasi talaga nila magpapasok ng lalaki. Papa ko nga lang ang pwede pumasok eh." sabi ko

"Eh di Kidnap-in mo na lang!" sabi ni Dujun.

"Abnormal ka ba pre!? Kaya nga ako nabugbog kanina kasi napaka-raming stalker ni Yoon-mi! Paano pa kaya kapag kinidnap ko na siya, baka patayin na ako nung mga yun kapag nahuli nila ako." sabi ko.

"Sorry naman." sabi ni Dujun.

"Teka, teka, 'di ba sabi mo, hindi pwede ang mga lalaki doon sa school nila?" sabi ni Junhyung.

"Oo kakasabi ko lang." sabi ko.

"Eh di sakto pala yung naisip ko! Dahil hindi pwede pumasok ang mga lalaki sa school nila, magpapanggap kang BABAE!" sabi ni Junhyung.

"Oo nga! magandang idea yun Pre!" pagsang-ayon ni Dujun.

"Haha. Ang talino ko talaga!" Pagmamayabang ni Junhyung.

"Ayoko nga ng idea niyo! Magpapanggap akong BABAE!? SERYOSO BA KAYO!?" sabi ko.

"Mahal mo ba si Yoon-mi?" tanong ni Dujun.

"Oo naman kaya nga humihingi ako ng suggestion para makalapit sa kanya eh." sabi ko.

"Yun naman pala eh. Kung mahal mo siya, kahit ano gagawin mo para lang makalapit sa kanya." sabi ni Dujun.

"Pero.. ayoko talaga ng suggestion niyo. Wala na ba kayong ibang suggestion?" tanong ko.

"Yun na lang yung na iisip ko eh." sabi ni Junhyung.

"Ako.. wala na rin." sabi naman ni Dujun.

"Kung yun ba yung gagawin ko, tutulungan niyo ko?" sabi ko.

"Oo naman, kahit saan tutulungan ka namin." sabi ni Dujun.

"Pero ano namang gagawin ko para mag mukha akong babae?" sabi ko.

He's A Cross Dresser (On going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat