Merry Christmas?

4K 46 2
                                    

Merry Christmas?




Hmm... kailan nga ba ulit naging Merry ang Christmas ko? Hindi naman siya 3 years ago pero last year lang. Merry naman ang Pasko ngayong taon para sa akin, pero... alam mo 'yung feeling na, there's something missing? Oo nga, nandyan mga kaibigan ko and family to share Christmas with but then, may parte sa akin na naghahanap pa.




Pag-ibig? Nako, iniwan naman ako nung taong mahal ko few months ago. Hindi siya nang-iwan actually, nakipag-hiwalay talaga ako. Sawa na kasi ako sa mga panglolokong ginagawa niya. Apat na taong akong nagtiis at sobrang pagod na ako kaya tinapos ko na.




Malungkot parin ako. Hay... kaya siguro iniisip ko na hindi ako marunong makuntento, dahil lagi kong hinahanap ang isang bagay na imposibleng makita, o maramdaman.




So, paano magiging Merry ang Christmas ko? Ah! Alam ko na, tutal dalawang araw na lang at Pasko na, papasok ako sa mall tas bibili ng gift para sa sarili ko. Sarili mo lang? Oo, meron na akong naka-handa para sa iba kaya, ako naman.




"Bakit? Iiwanan mo ako? No! This can't happen! Huwag mo akong iiwan!"




Ano 'yon? Mula sa kinauupuan kong bench ay lumingon ako at nakita ang isang lalaki na tila natatakot at walang tigil sa paglalakad, meron siyang kausap na hindi ko kilala. Ayoko naman maki-chismis kaya hindi na pinansin at tumayo tapos naglakad papunta sa Mall. Hindi pa ako nakakalayo ay nakarinig ako ng hikbi kaya't napatingin ako sa aking gilid.




"I thought she loved me..."




Siya pala 'yung kanina. Nag-dalawang isip ako kung kakausapin ba siya o hindi at sa huli ay nilapitan ko na lang dahil rin sa awa. Huminga ako ng malalim bago nag-salita, "Excuse me, Sir?"




Tumingin siya sa akin ng may gulat, akala siguro walang ibang tao dito, "Ay, sorry, Miss." Naawa ako sa kanya, puro basa ng luha ang kanyang pisngi na agad niyang pinunasan, "Narinig niyo po ba?"




"Ah, wala naman maliban sa sinabi mong 'wag kang iiwan, something like that." Sabi ko at bumuntong hininga siya, "Bakit po kayo naka-ngiti?" Pagtataka ko.




"Nothing, nakakatuwa lang kasi I'm talking to a concerned stranger." He said and I shyly smiled, "Okay sana 'tong Pasko ko, kaso..." He gulped first before continuing, "Iniwan niya ako. I can't imagine, 4 years down the drain." He smirked but I can feel how ruined he is, ganyan din ako nung iniwan ng ex ko. After a few seconds natawa siya bigla, "Ba't ko nga pala kine-kwento sa'yo 'to? Haha! Sorry, Miss."




"Same situation naman tayo, okay lang sa akin. Haha! Difference is, few months ago nangyari but I wanted the break up kasi ilang beses na ako niloko." He nodded and I realized na hindi pa ako nagpapakilala sa kanya and we're already talking for almost 10 minutes na, "By the way, I'm Alyssa Valdez. Alyssa or Ly na lang." And I pulled out my hand.




He reached out for my hand, "Kiefer Ravena. Call me Kiefer or Kief." He said as we do the hand shake, "This is probably the worst and saddest Christmas." He chuckled.




"Haha! Grabe 'to, hindi naman. Nandyan naman ang friends at family mo, it's fine!" I said to cheer him up and he smiled in agreement. Honestly, ang weird sa pakiramdam 'yung makikipag-usap ka sa taong ngayon mo lang nakilala pero ayos rin pala kasi walang judgement na magaganap, parang, both of you will understand each other, "Ako nga malungkot pero thankful dahil nandyan 'yung family ko, dapat ganun ka din."




Then I noticed, he wasn't listening anymore at nakatitig lang sa akin. Masyado ata akong napadaldal at wala na sigurong sense ang sinasabi ko sa kanya. I was going to ask him but I saw his smile again.




UAAP One Shot StoriesWhere stories live. Discover now