Berde At Asul

592 7 12
                                    

AUTHORS'S NOTE: Thought of trying a different pair. AlyDen will be our next one shot!

Ara Galang & Dennise Lazaro

•••

"Congratulations! Here is our new UAAP Season 76, Women's Volleyball Champion... The Ateneo Lady Eagles!"

Totoo ba 'to? Paulit-ulit na bumubulong sa kanyang isipan matapos marinig ang huling bagsak ng bola at confetti matapos ang laban. Ang noo'y pangarap lang ay naabot na ngayon. Pwede pala. Posible pala. Nangingiyak niyang sinabi sa kanyang isipan habang sinusulit ang kasiyahan. Tumingin siya sa kanyang mga kasama at natutuwa siyang makita ang bunga ng kanilang paghihirap. Mula sa patayan na pag-ensayo hanggang sa nakamit ang kampeon.

Dumako ang tingin niya sa kabila at nakita ang pinagkaiba ng nararamdaman. Halos hindi na makilala sa sobrang lungkot. Ang kuponan na inakalang makakahigit parin sa huli ay siyang uuwing biguan. Mas pinasakit pa ito dahil ang kanyang kaibigan doon ay ga-gradweyt na hindi kampeon. Alam niya kung gaano nila gustong maipaglaban 'yon.

Sa kabilang banda, ang paalis na Kapitana ay tinawag silang lahat upang magpasalamat sa laban na ibinigay. Hindi man naipanatili ang trono ay masaya siya sa laban na ipinakita nila. Sa puntong iyon ay napagtanto na nilang umiba na ang ihip ng hangin. Kung dati ay sila ang mas lamang sa kabila, ngayon ay tinapatan ito sa 'di inaasahang pagkakataon. Sa pagkatalong iyon ay marami silang napulot na aral at unti-unting tinanggap ang katotohanang hindi sila ang laging makakauna sa laro na ito.

May isa naman doon na hindi sinadyang mapalipat ang tingin sa isang babaeng papalapit sa kanila. Sa una ay hindi pa maiklaro ang paningin sa labis na pag-iyak pero nung luminaw ay parang umurong at huminto ang kanyang luha. Dahan-dahan na lumapit ang Libero papunta sa kanila para kausapin at magpasalamat lalo na sa kabigan na si Aby.

Kasabay nun ang kusang pagsunod ng tingin sa Libero. Nakaramdam siya ng panlalamig at hindi na maialis ang titig sa kanya. Mabuti at hindi siya gaanong kita doon. At ang pakiramdam na iyon ay nadagdagan ng kaba nang magkasalubong kanilang mga mata. Nag-init ang kanyang pisngi habang nakapako ang mata sa kanya. Ang isa naman ay ngumiti ng malapad. Sa ngiti ng isang Dennise Lazaro ay hindi na siya mapalagay. Mababaliw na siya sa kanyang isipan at sinusubukan na ibaling ang atensyon sa mga kasama, nang humakbang ito papunta sa kinaroroonan niya.

"Ara!" Tawag nito na nagpagising sa isa. Nanlaki ang mata niya dahil magkaharap na sila ni Den. Binigyan siya ni Den ng malaking yakap at sinukli niya ito ng yakap din, "Ang galing mo." Dagdag ni Den habang nakayakap bago kumawala.

"Ang layo ko pero nakita mo parin ako dito." Sagot ni Ara habang nakangiti at tinuturo kung san si Den nakatayo kanina. Nanginginig si Ara at pilit niyang binabalewala ito. "Ikaw din, ang linis ng laro mo. Idol na talaga kita. Congratulations!" Pagpuri nito.

Ngumiti si Den sa kanya bago lumakad palayo. Kung kanina ay nasasaktan si Ara dahil sa pagkatalo, ngayon ay napalitan agad ito ng matinding kasiyahan. At parang may nag-uudyok sa kanyang sumunod para makausap si Den ng mas matagal ngunit naputulan ito ng hiya. Ngayon lang siya nabighani ng sobra sa Libero na iyon, at ito ang unang beses na mabighani siya sa isang manlalaro. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa nararamdaman niyang hindi normal pero masaya siyang maramdaman iyon.

Pagkabalik ni Den sa kabila ay napansin niya agad ang ngiti ni Ella at Alyssa. Natawa siya dahil doon, at nakikita niyang may ibig sabihin ito pati ang tinginan nila sa kanya. "What are you guys smiling for?" Nagtatakang tanong niya sa dalawa. Umiling siya dahil napunta sa malayo ang tingin nila kaya lumingon din siya.

UAAP One Shot StoriesWhere stories live. Discover now