No Title [1/2]

4.5K 39 2
                                    

Alyssa Valdez & Kiefer Ravena

.

.

Gumising si Aly sa ingay ng kanyang alarm, akmang papatayin niya sana ito nang mahulog bigla mula sa kanyang bed table na agad naman niyang sinagip kaya nahulog din siya sa kanyang kama. Napa-kamot ulo nalang siya at binalik sa dating ayos ang orasan saka pinatong sa table.

"Aly! Baba ka na dyan, tanghali na! Ano ba!"

May balak pa sanang bumalik sa tulog ang dalaga kaso narinig na niya ang boses ng kanyang Ama at dali-dali siyang bumaba. Sa lahat kasi ng tao sa pamamahay ng Valdez, ang taong pinanghihinaan ni Alyssa ay ang Daddy nito. Siya lang kasi ang nagpapa-sunod sa matigasin na bata at nagpapa-amo dito. Pagdating ni Alyssa sa sala ay mabagal siyang lumakad papunta sa kusina kung saan naghihintay ang pagkain. At umaga palang, sermon na agad ang bumulantang sa kanya.

"You missed your first class again!" Bumuntong hininga ang kanyang Ama sa Anak na tila walang pakialam at nagagawa pang umiling, "Alyssa, matalino ka at hindi ka naman ganyan nung bata ka. Ano ba nangyayari sa'yo?" Desperadong tanong ng kanyang Daddy na sobrang concerned sa dalaga, "Kagabi, late ka din umuwi dahil nag-bar ka nanaman. Aba! Kung hindi lang ako tumawag sa mga kaibigan mong nag-alala din sa'yo, baka napahamak ka na!" Dahil hindi rin nakikinig si Alyssa na busy ngayon kumain, kumalma nalang siya at sumabay sa Anak.

Hiwalay ang magulang ni Alyssa at mula pagka-bata ay lagi niyang hinahanap ang kanyang Mommy. Huminto ang paghahanap niya nang malaman ang dahilan kung bakit sila naghiwalay, may ibang lalake ang kanyang Ina. Dahil narin sa labis na sakit na dinaramdam ay naapektuhan ang buong pagkatao niya bago magsimula ang Kolehiyo, nung Graduation niya lang kasi nalaman ang katotohanan kaya't hanggang ngayon kahit apat na taon na ang nakalilipas ay patuloy parin siyang binabangungot sa ala-alang iyon.

"Nak, alam kong mas--"

"Dad, let's not start over with that topic again." Pagputol ni Alyssa at sumubo ng Lasagna, "Nasasayang lang oras ko." Pagtatapos niya at kumain ulit.

"I'm sorry about what I said earlier. I can't see you like this." Sabi ng Daddy niya, "Ano bang tulong ang kailangan mo? Tutulungan kita, nandito lang kami ng mga Kuya mo."

"Kaya ko ang sarili ko." Alyssa retorted and drank a glass of water. She stood up from her chair and kissed her Dad's cheek and then went up stairs to prepare for School. While preparing, she saw a picture frame next to her bed that has the whole family including her Mom in it. Alyssa closed her eyes before putting it down, "Ayoko ng makita pa." She told herself and took her things before leaving the room.

.

.

"Kailan mo balak pasukin si Sir? Dalawa nalang at drop ka na." Mikee said, one of her best buddies in College, "Gagraduate na nga lang tayo tapos ganyan ka pa." She added and Alyssa looked at her then back to her readings again, "Aly, why can't you get over?" She asked but Alyssa remained quiet. Alyssa refuses to answer any questions relating to her Mom but somehow her friends can't avoid asking her although they've gotten used to it.

"But fixed your sleeping schedule at 'yang Bar Life mo baka pwede i-hinto mo muna, may balak ka pa atang mag-extend ng isang Semester 'e." Lian interrupted, kung minsan masakit din ang nasasabi niya kay Alyssa. Lian is known to be frank especially towards her but in the end, tama naman siya kaya hindi nalang kumikibo si Aly tuwing pagagalitan siya nito.

"Lian..."

"Hindi ako magsasalita kung hindi totoo, Mikee." Lian said, "Her m--"

"Stop." Alyssa suddenly said and the two looks at her, "Just let me do my thing, at hindi ako mag-eextend dito sa College."

UAAP One Shot StoriesWhere stories live. Discover now