Entry 30

46 4 0
                                    

WHAT HAPPENED TO SUMMER



Isang tahimik na hapon ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa aking hotel room. Isa ito sa pinakasikat na hotel sa bansa, dinadayo ng karamihan. Ngunit sa isang iglap, nabago ang lahat.

"Mommy, galit po ba si Papa God sa atin?" I was caught off guard when I overheard the little child's question.

Naglalakad sila sa lobby, patungo yata sa kanilang kwarto, mukhang na-stranded din at nagpalipas ng araw rito. They're both wearing face mask. Well, halos lahat naman ng tao nakasuot ng face mask.

Ika nga nila, hindi na baleng mainitan, 'wag lang mahawaan ng sakit.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" her mother answered.

"Tingnan mo po ang nangyayari sa mundo. Fire, earthquake, war, volcanic eruption, and this virus. Hindi lang po iisang bansa ang apektado, but the whole world. Siguro, pinaparusahan tayo ni Papa God. But, we deserved it anyway."

I sighed heavily. I think, she's just 8 years old pero pati siya nadadamay na sa kaguluhan ng mundo.

"Anak, hindi tayo pinaparusahan ni Papa God. Maybe he wants us to repent. Para magbalik-loob tayo sa kaniya. Ang pangit na ng mundo, hindi na kaaya-aya ang mga ginagawa natin. At ayaw lang niya tayong malubog pa sa kasalanan. We need to pray, ask for forgiveness."

Napangiti ako sa sagot ng kaniyang ina. This pandemic is really affecting everyone. Mas nakakaawa ang mga walang kamuwang-muwang na bata.

This is not the typical summer like we used to be. Summer is supposedly fun and amazing. Ngunit nabago ang lahat nang dumating ang Covid Virus na ito. Everyone was forced to stay at home. Walang travel around the world, walang makakagala sa beach, walang pool party... wala lahat.

Ang problema ko ngayon ay hindi pa ako nakakauwi sa amin. I went here to attend seminar. Ngunit naabutan ako ng lock down. Mag-iisang linggo na ako rito ngunit hanggang ngayo'y hindi pa nakakagawa ng paraan ang pinagta-trabahuan ko kung paano ako masusundo rito.

Pabalik na sana ako sa aking kwarto dahil wala lang din naman akong mapapala sa labas ngunit napahinto ako nang mamataan ang speaker namin noong seminar.

"Ugh! So hot." Bulong ko sa sarili habang nakangisi.

Kasalukuyan niyang binubuksan ang kaniyang kwarto na kaharap lang pala ng akin. Napakarami nitong bitbit na grocery items. Kitang-kita ko tuloy kung gaano katakam ang muscles niya. Shet!

"Omg!" windang na saad ko nang nahulog ang isang supot. Pwede naman kasi niyang ibaba muna ang hawak para makagalaw siya ng maayos e!

Hayy! Kung hindi ka lang gwapo...

"Here," kinuha ko ang nahulog niyang supot, puno ito ng noodles at canned goods. Wow! Nag-panic buying ang lolo mo!

"Thanks. Ibaba mo na lang diyan. Balikan ko na lang mamaya." Napakurap pa ako nang ngumiti siya sa akin bago pumasok sa loob.

What a perfect creature!

Kaya lutang din ako noong siya ang speaker namin e. Wala na akong naintindihan sa sinasabi niya dahil nakatitig lang ako sa maamo nitong mukha. At alam kong hindi lang ako ang ganoon. Marami kaya akong kasamang malalandi roon!

"No, magaan lang naman. Saan ko ba ilalagay 'to?" sunod ko sa kaniya. Ginawa kong mahinhin ang aking boses. Kunwaring dalagang pilipina.

"Oh! Akin na. Thank you." Hindi na siya makatingin sa akin ngayon. Agad niya akong tinalikuran.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now