Entry 8

59 3 0
                                    

Fleeting Summer Fond

Nasa kalagitnaan na ng Mayo pero ramdam pa rin ang matinding init ng panahon kaya marami pa ring mga turistang dumarating dito sa beach resort na pinagtatrabahuhan ko.

"Dami pa ring tao 'no? Ilang weeks na akong walang day off," daing ng katrabaho at kaibigan kong si Carla.

"Wala ka lang kamong oras sa jowa mo," nakangising sagot ko sa kanya bago tumingin sa dagat.

Papalubog na ang araw pero marami pa ring lumalangoy at nagtatampisaw sa tubig na tila wala nang darating na bukas.

"Wala ka lang kasing jowa kaya hindi ka maka-relate!" aniya sabay ngiwi. "Wala ka bang planong mag-jowa? You're turning twenty-five this year, 'di ba?"

"Hindi jowa ang kailangan ko!" giit ko.

"Sus! Sa panahon ngayon, jowa na ang hanap ng marami. Kailangan natin ng kalandian para hindi maging boring ang buhay."

Napailing lang ako at nagpaalam na sa kanya para mag-assist ng mga bagong dating na bakasyunista na tila maghahabol sa huling hirit ng tag-init.

Katulad ng nakasanayan, naging abala ang araw ko bilang concierge ng beach resort. I assist the guests by doing their special requests like running errands, making arrangements and suggesting activities to do. Habang abala ako sa trabaho, bigla akong pinatawag ng manager kaya nagmamadali akong pumunta sa opisina nito.

"Mia, pinatawag kita kasi..."

Nagsimulang magsalita si Ma'am Olivia pero nawala sa kanya ang atensiyon ko at na-divert ito sa matangkad at matipunong lalaking biglang pumasok sa opisina. Nakasuot ito ng puting short, Hawaiian button-down polo at simpleng flip-flop.

"Sir, good morning po." Tumayo pa si Ma'am Olivia sa pagkakaupo para lang bumati rito.

"Good morning po," bati ko naman.

"Where's the assistant I asked?" tanong nito.

"Eto pong si Mia, Sir." Binalingan ako ni Ma'am Olivia. "Mia, si Sir Kalix, VIP guest natin siya kaya inaatasan kitang maging personal assistant niya habang nandito siya sa resort."

Magiging personal assistant ako? Gaano kaya ka-VIP ang taong ito at may ganitong special treatment sa kanya?

"So, Mia, ikaw na ang bahala kay Sir Kalix, ah?"

"Opo," sagot ko.

Sumunod agad ako kay Sir Kalix paglabas nito sa opisina ni Ma'am Olivia. Nakabuntot lang ako sa likod nito habang nakapamulsa itong naglalakad. Nauntog ang ulo ko sa dibdib nito nang bigla itong tumigil at humarap sa akin.

"Sorry po, Sir!" nakayukong sambit ko.

Hindi ito nagsalita kaya unti-unti kong inangat ang ulo ko para tingnan ito. Poker face ang mukha niya habang nakatingin sa akin nang deretso.

"May alam ka bang malapit na antique shop?"

Wow. Madalas sa mga guests, paglangoy agad sa dagat ang ginagawa pero iba ang isang ito. Antique shop ang hanap.

"Opo, kalahating kilometro lang po mula dito sa resort," sagot ko.

Sakay sa mamahaling kotse na marahil pag-aari nito, pumunta kami sa malapit na antique shop. Tahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat at mayamaya ang pagnakaw ng tingin dito habang abala sa pagmamaneho.

Naglakbay ang paningin ko sa mukha nitong walang bahid ng kapintasan. Mula sa maitim na mga kilay, mapupungay na pares ng mga mata, matangos na ilong hanggang sa makapal at mapula nitong mga labi. I've seen a lot of good-looking male guests in the resort but this man has something special.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon