Entry 14

51 2 0
                                    

Limerence

Through the woods, all I can hear are the birds singing, the breeze of the air. Napatingin ako sa itaas at tinignan ang langit. The sky is blue with a minimal clouds. What a wonderful day indeed.

Tinignan ko ang gawa 'kong canvass at napangiti sa nakita. A little girl holding a daisy flower with her cute smile while looking straight at the little boy's face. It's really cute.

Tumayo ako at inayos ang aking buhok, lumilingon ako sa paligid at ang tahimik talaga dito sa gubat. Tinignan ko ang pwesto 'kong saan ako nakaharap at pilit inaalala ang nangyari noon.

Isang batang babae ang nahiwalay sa magulang niya dahil hinahabol ang isang puting kuneho. Nakita niya ang kuneho na huminto at agad niya iyon kinuha at yinakap. Napakasaya ng batang babae dahil hindi pa siya nakakakita at nakakahawak ng kuneho. Babalik na sana ang batang babae sa magulang niya para ibalita na nakakuha siya ng kuneho pero hindi na niya natatandaan ang daang pauwi.

Umiiyak ang batang babae at iniikot ang gubat, biglang kumalas ang kuneho at ito'y nakatakas. Pilit hinahabol ng batang babae ang kuneho pero nadapa ito sa isang bato. Tinignan nito ang kaniyang kulay asul na damit at ang dumi dumi niya. Pilit niya tumayo pero dumudugo ang tuhod niya. Sumisigaw ito ng tulong at may isang batang lalaki ang nakita niya sa gubat at tinatawag niya 'yon.

Napalingon ang batang lalaki sakaniya at agad siyang linapitan at itinayo. Tinatanong ito kung taga saan siya pero iyak lang ang tanging maririnig sa batang babae. Napansin ng batang lalaki ang sugat ng batang babae at itinayo niya ito at lumuhod, kumuha ito ng isang panyo at itinali doon sa tuhod. Tumayo ang batang lalaki at kinuha ang isang bulaklak na nasa bag niya at ibinigay doon sa batang babae. "Tahan na, sa'yo na ito," anito at ngumiti. Tumigil sa paghikbi ang batang babae at napatingin sa mukha ng batang lalaki at hindi niya mapigilang ngumiti dahil nagagandahan ito sa bulaklak. Magpapasalamat pa sana ito pero narinig nilang dalawa ang sigaw ng magulang ng batang babae at tinatawag ang pangalan.

Ngumiti ang batang lalaki at hinaplos ang kaniyang buhok "Huwag kanang iiyak, ha?" Bago ito umalis.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa alaala ko. Saan na kaya ang batang 'yon? Kung hindi dahil saka'nya baka nababaliw na ako noon dahil ako lang mag-isa sa gubat.

"Ma'am Callie, pinapatawag na po kayo sa loob."

Napalingon ako sa aking likuran at nakita 'kong naroon na ang boy sa tinutuluyan namin, nakangiti ito saakin at may hawak na isang balde puno ng isda. Napanguso ako sa aking nakita, ang dami naman.

"Opo." Tugon ko sakan'ya lalapitan ko na sana ang canvass ko pero nanlaki ang mata ko na may isang lalaki ang lumapit 'don at titignan niya sana ang gawa ko pero agad ko iyon kinuha.

Seryoso itong tumingin sa akin kaya napalunok ako sa kaba. Ayoko kasing may tumitinging iba sa gawa ko. Tinignan ko ang boy sa tinutuluyan namin at ngumiti ito at kinakamot ang batok.

"Sorry, Ma'am. Siya pala si Axel, anak ni bossing." Aniya at tinawag ang nagngangalang Axel.

Napanguso ako at tinignan ang lalaki na nakatingin sa'kin ng seryoso at tinignan uli ang gawa ko pero agad ko iyon itinalikod. "Babalik na 'ko."

Kinuha ko ang stand at iniligay na ang mga art materials ko sa isang bag. Tumingin uli ako 'don sa Axel pero nakatingin parin ito at maya maya'y ngumisi. What the? Ano ba iniisip nitong lalaking 'to? How rude.

Umirap ako sa kawalan. Ang rude niya, pinipilit niya kanina tignan ang gawa ko at 'ni hindi ako binati. I don't care if anak siya ng may-ari sa tinutuluyan namin.

Bumalik na ako doon sa loob ng bahay, napakalaki nitong bahay na 'to at halatang luma na pero ang rinig ko raw hindi na nila ito i-renovate dahil ipreserve nila ang history sa bahay na 'to. Kahoy kasi, pero hindi naman siya sira. Inaalagaan talaga ito ng mabuti.

It Started Last Summer: A One-Shot Contestजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें