Entry 7

72 5 0
                                    

ARTHUR

"Kailan ka ba mag-aasawa?"

"Ilan na ang naging Boyfriend mo pero ni isa roon wala ka man lang napusuan na maging kabiyak mo sa buhay."

"Hindi ka na bata hija. Panahon na para magkapamilya ka."

"Kailan mo ako bibigyan ng mga apo?"

"Anak, kaligayahan mo naman ang isipin mo. Sapat na ang lahat ng ginawa mo para sa amin."

Ilan lamang iyon sa mga katanungan o mga payo na akin naririnig mula sa akin pamilya, mga kaibigan o mga taong nakakakilala sa akin.

Mga tanong na kadalasan tinatanong sa mga katulad kong nananatiling Single lalo na at ang edad ko ay wala na sa kalendaryo para manatiling Single.

Hindi pa ako handang magkapamilya. Iyon ang madalas kong isagot sa kanila. Hindi naman ako takot magmahal o masaktan sapagkat naniniwala akong bahagi na ito ng buhay nang tao. Ngunit nasanay akong puro trabaho ang mas priyoridad ko.

Hindi naman ako masisisi sapagkat bata pa lamang, ako na ang tumayong ama ng tahanan. Siyam kaming magkakapatid. Patatlo ako sa magkakapatid. Ang ama ko ay isang minero subalit nagkaroon ng aksidente sa lugar na pinagtatrabahuhan ng ama ko at kasama siya sa mga nasawi. Ang panganay namin na ate ko ay nakapag-asawa kaagad at hindi na nagpakita sa amin. Iyon pangalawa kong kapatid na lalaki, isa siyang Special Child. May sakit siyang Autisim.

At dahil ako na lang ang puwedeng asahan sapagkat bata pa ang iba kong mga kapatid kaya ako ang sumalo ng ibang obligasyon na dapat sana ay ama ko ang gagawa.

Nagkaroon din naman ako ng Boyfriend. Tatlong beses din iyon. Iyon isa noon teen pa ako at iyon dalawa ay may tig-tatlong taon ang itinagal bago nag-end ang relationship ko sa kanila. Actually ako ang reason bakit sila umalis sa buhay ko. Ang reason kung bakit ay dahil mas priority ko ang trabaho ko at tulungan umasenso ang pamilya ko.

Ngunit may isa akong karanasan na hanggang ngayon ay hindi pa alam ng pamilya ko na mayroon ganoon nangyari. Isang karanasan na hindi ko rin inaasahan na mangyayari sa akin.

"Ano na, Angelica? Sasama ka ba mag-hiking sa Mount Macolod?" tanong sa akin ni Mary. Nakatayo siya malapit sa puwesto kung saan ako nakaupo habang inaayos ang mga papeles na nasa ibabaw ng study table ko.

Isa siya sa mga kasamahan ko sa trabaho. Nagtatrabaho kami sa isang Insurance Company. Isa akong Financial Analyst. Katatapos lang namin kumain kaya heto ulit kami sa loob ng opisina para ituloy ang mga naudlot namin gawain.

"Oo. Alam ko naman kahit tumanggi ako, kukulitin mo pa rin ako," sagot ko sa kanya. Tumawa lang si Mary at nagdiretso na sa kanyang puwesto para ituloy ang kanyang ginagawa.

"Hoy, Angge! Baka kung kailan araw na ng pag-alis saka ka naman mag-m.i.a," taas-kilay na sabi ni Mary. Nailing na lang ako at napangiti. Pauwi na kami. Sa isang boarding house ako nanunuluyan sapagkat mas matipid sa pamasahe. Malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko ang boarding house.

"Nandito na ba lahat?" Pahiyaw na sabi ni Junjun. Siya ang Team Leader namin.

"Teka lang Junjun, wala pa si Angge." Ang narinig kong sabi ni Mary. Hindi kasi niya napansin papalapit na ako sa kinaroroonan nila.

"Nandito na ako. Pasensiya na at naabutan nang bahagyang traffic," sagot ko na lamang sa kanila.

"Akala ko talaga mang-iindiyan ka na naman. Sasabunutan talaga kita kung ginawa mo iyon," saad sa akin ni Mary at akmang kukutusan ako.

"Siya nga pala, tumingin ka sa kaliwa. Doon sa kumpol ng mga Boys," saad ni Mary sa akin. Kulang na lang umirit ito sapagkat para itong kinikilig. Tumingin ako sa direksiyon na sinasabi niya.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now