Entry 16

52 3 0
                                    

STILL YOU

NAKAKUNOT noo akong lumabas ng conference room, tinungo ko agad ang elevator para makaalis sa lugar na ito, kung alam ko lang na siya rin ang representative ng company nila para sa 3 days seminar dito sa bicol, e. di sana sumama na lang ako sa bakasyon ng mga kaibigan ko sa boracay, kaysa makasama ang walang kwentang lalaking ito!

"Grecey, saan ka kakain? sama kana lang sa amin.?" tanong ni Eline pagkaabot ko sa ground floor. Isa rin siyang representative ng G-Glow company sa manila, at close friend ko rin. Kasama niya ang dalawang babaeng store head ng mall na kasama namin sa seminar kanina.

"Ano guiz? tara na." sabay kaming napatingin sa likod ni Eline. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko ang mukha ng lalaking manloloko, si Phonex, my ex-boyfriend na malandi. Nagtama ang aming mata kaya umiwas ako agad.

"Huwag na lang, sa fastfood na lang ako kakain." pagtangi ko sa kanila, iniliko ko ang tingin kay Eline na nagpapasalin-salin ang mata sa amin ni Phonex.

"Ah, ganoon ba, cge, sa susunod na lang." ani ni Eline.

"Huwag ng pilitin, ang ayaw magpapilit." pagpaparinig ni Phonex pagkaharap sa amin tatlo.

Humingi na lang ako ng pasensiya kay Eline at agaran na akong naglakad papunta sa carpark. Gusto ko sana sumama dahil wala akong kasama mag-dinner mamaya, kaya lang kasama pala nila si Phonex. Padabog kong inilagay ang bag sa pasenger seat at pinatakbo ko agad ang sasakyan. Nakakainis talaga ang pagmumukha ng lalaking iyon, kahit kailan napaka-walang kwenta niyang tao sa paningin ko.

Tatlong buwan ng nakalipas pero, ganoon pa rin ang kanyang postura pwera lang sa pakikitungo niya sa akin kanina. Talagang wala na siyang pakialam sa relasyon namin, ang dali niyang maka-move on, sana ganoon din ako. Akala ko siya na ang lalaking papakasalan ko sa loob ng simbahan, pero siya pala ang sisira ng pinangarap kong kaligayahan pagdating sa pag-ibig. Hindi ko na naman napigilan hindi mapaiyak kapag naiisip ko ang panglolokong ginawa niya sa akin.

'I hate him! I really hate him!'

Kinabukasan, nasa conference room ulit kami, mas maraming tagapagsalita ngayon kumpara kahapon. Naupo ako sa bandang hulihan dahil puno na ang upuan sa unahan. Malapit ng magsimula ang seminar kaya inilapag ko ang laptop sa mesa. Nagscrolled din ako sa facebook at tumambad ang sandamakmak na post ni Lorie. Ang saya nilang tingnan na magkakasama, habang ako sugapa sa trabaho kasama ang lalaking dahilan kung bakit hindi ako sumama sakanila. Alam ko naman kasi na kapag andoon ako, hindi sila titigil sa kakatanong tungkol sa paghihiwalayan namin ni Phonex.

"Can i seat here?"

"oh sure, sorr-- "

Napatigil ako ng makita ko si Phonex sa harap ko, wala na akong naging tugon bagkus mabilis kong hinawi ang bag sa upuan para makaupo ito katabi ng upuan ko.

"Thank you." aniya.

Ngumiti ito pero hindi ko na lang pinansin, nang-aasar ba talaga siya? marami pang bakanteng upuan sa likod tapos dito siya uupo sa tabi ko. Umurong ako ng kaunti para maluwagan ang espasyo sa pagitan namin, naitabi ko ito kanina dahil nilagay ko ang laptop bag kanina. Nanatili kaming walang imik hanggang sa matapos ang seminar, nagkahiwalay lang kami ng sumapit ang lunch meal, nakakailang pala ang ganoong estado naming dalawa, parang bumalik kami sa dati na hindi namin kilala ang isa't isa.

Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa elevator, mabuti nalang nakahabol ako dahil kung hindi makakasama ko ulit siya maging sa elevator, tumingin ako sa phone ng maramdaman ko ang pagvibrate nito. Napangiwi ako ng makita ko ang picture na sinend ni Lorie. Nasa isang bar sila kasama sina Carol at Kris, siguradong madidiligan na naman ang tuyong halaman nila ngayong gabi.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now