Entry 15

58 3 0
                                    

Luckily Unlucky

Simula taong 2020 ay nakasanayan ko nang pumunta sa mga beaches. Every year, iba't-ibang lugar kaya naman ngayong taong 2025 ay napagpasiyahan kong gugulin ang isang buong buwan ko sa napili kong beach.

Naayos ko na ang ticket ko. Nakapagpa-book na rin ako sa tutuluyan kong kwarto sa hotel. Wala naman akong kasama kaya pang-isahang tao lamang ang kinuha ko. Wala akong boyfriend, wala akong pamilya dahil iniwan na ako nina mama at papa. Nag-iisa rin akong anak kaya ako ang nagmana ng kumpanyang pinalago nila.

Nakaayos na lahat at maayos din akong nakarating sa patutunguhan ko. Ang mga gamit ko na nasa maleta ay inayos ko pagkarating saka ko ginawa ang mga kailangan kong gawin.

Naglinis ako ng katawan at saka nagpatuyo ng buhok bago tuluyang nahiga sa malambot na kama. Hindi ko na nagawang kumain dahil hindi naman ako nakaramdam ng gutom.

Nasanay akong matulog nang patay ang mga ilaw. Wala lang, simula maiwan akong mag-isa ay tinuruan ko ang sarili kong maging matapang at harapin ang bawat araw nang mag-isa. Wala naman akong choice kasi wala rin namang magmahal sa akin kasi masama raw ang ugali ko. 'Yon ang sabi nila pero hindi talaga. I just want to isolate myself from them.

Kinatulugan ko na ang pag-iisip. Maaga akong nagising kinabukasan. Ginawa ko ang morning routine ko. Nagtungo ako sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Pagkatapos gawin ay saka ko inilabas ang kalendaryong dala ko. Nilagyan ko ng tsek ang april 1, tanda na nandito ako sa unang araw ng abril at araw-araw ko iyong gagawin hanggang sa umabot ang huling araw ng buwan.

Bumaba ako pagkatapos upang mag-umagahan. Pagkatapos ay saka ako bumalik sa taas upang maligo.

Plano kong panoorin ang sunset mamaya. Gusto kong sa unang araw ko rito ay mapanood ko iyon. First and last sunset of the month will help me destroy the chain that's stopping me from moving on from the past.

Nanatili ako sa loob ng kwarto at nanood ng balita. Maganda raw ang panahon ngayong araw dahil hindi masiyadong mainit. Saktong-sakto lamang para sa mga taong gustong mag-beach katulad ko.

Nang dumating ang alas singko ng hapon ay napagpasiyahan ko nang lumabas ng kwarto. Isinuot ko ang kulay itim kong balabal upang harangan ang nakalantad kong likuran dahil sa suot kong backless na kulay dilaw na floral na sando.

Nakasuot lamang ako ng maikling maong shorts. Wala naman akong balak maligo, ang agenda ko lang talaga ngayong araw ay panoorin ang sunset.

Marami ang tao paglabas ko kasi hapon na. Hindi masakit sa balat dahil papalubog na ang araw.

Naupo ako sa kulay puting purong mga buhangin malapit sa mismong karagatan.

Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Gusto kong damhin hindi gamit ng mga mata kung hindi ng aking kaluluwa ang lugar.

I can hear the waves hitting each other, the birds seeking for foods, the crabs going to their home and the birds flying freely in the air.

Napamulat ako nang tumama sa paa ko ang malamig na agos ng tubig.

The sky was spread in front of my eyes. I couldn't help but rest and stare. Hindi ko na maramdaman ang init na ibinigay ng araw pero nagsusumigaw iyon ng pag-asa. Kasama ng mga puting ulap na naniniwalang makaaahon din ako sa mapait kong nakaraan.

Sobrang ganda ng sunset ngayon, parang ipininta iyon ng Panginoon para sa akin.

Kasalukuyan kong ninanamnam ang magandang tanawin nang may magsalita sa tabi ko.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon