Entry 13

48 3 0
                                    

Like Stars on the Universe

Every summer has its own story...

Ang simoy ng mainit na hamog ng hangin ay maalinsangan. Sumisidhi ang pagtatanglaw ng ilaw ng haring-araw. Nagsimula na namang kumita ang mga bahay-bakasyunan, resort, at iba pang puwedeng mapuntahan upang mapawi ang init.

Nariyan pa ang pagdalo ng buong miyembro ng pamilya sa probinsya upang bisitahin ang natira nilang kamag-anak doon. Kasama na roon ang pamilya namin upang dalawin ang lola namin at maki-piyesta. Ito rin ang buwan nang pagkamatay ng lolo namin na siyang naging tradisyon naming dalawin.

"Nak, minimize your gadgets right after we went there, okay? Nandon tayo para bisitahin si lola hindi para mag-cellphone," litanya ni mama.

"But mom!" singhal ko.

Pinanlakihan ako ng mga mata ni mama. "Stop it, Nouvel. Rumespeto ka naman! Matagal ka nang gustong makita ni nanay tapos 'yan lang ang aatupagin mo? What's the sense of our vacation...."

At patuloy na naglitanya ng homiliya si mama. Labas sa kabilang tainga ko ang bawat katagang binibitawan niya. Samantala, nanahimik na lang sa isang tabi si Mj at humilig sa bintana ng eroplano. Ayaw na niyang magsalita sa isiping babaliin na naman iyon ng mama nila at isang panibagong sermon na naman ang kakalbaryuhin nila.

Naka-upo ako sa gitnang seat ng eroplano. Bawat row kasi ay tatlo lang ang mayroon kaya naman katabi ko si mama at walang tigil sa pagdadada. Mj is lucky after all. Pinasakan ko ng earphone ang dalawang tainga ko at minax volume 'yon. Hindi ko na narinig ang pagsabat ni mama dahilan para kumalma ako.

Ilang sandali pa lang ay hindi ko na narinig ang mga kanta sa pagkakatantong hinugot na pala ni mama ang wire at tinago sa bag niya.

Kasama na roon ang cellphone ko!

"You're really testing me, Nouvel," napalakas ng bahagya ang boses niya. "No gadgets for the whole month!"

"Hon, not here. Mamaya mo na lang sila pagsabihan," suhestiyon ni papa. Naka-upo siya sa katabing upuan ni mama ngunit nababahaginan ng daan ang agwat nila. Tatlong seat lang kasi ang mayroon sa isang eroplano bawat row kaya naman nagpalagay na lang siya ng puwesto malapit sa amin.

"MJ! Give it to me!" pagpapatuloy ni mama. Nakuha na niya ang cellphone ko at sinikap ni Mj na manahimik upang hindi mapagbuntunan ng mama niya ngunit sa huli ay hindi rin siya nakaligtas. Labag sa loob na binigay niya ang Oppo A57 kay mama.

"We're spoiling you two, too much,"

Nang makababa kami sa eroplano ay busangot ang mukha kong sinalubong ang nayon. Humalik ng marahan ang sikat ng araw at mainit na hamog ng hangin bagay na nakapag-pakalma sa'kin kahit papaano.

I miss this place. I miss lola. I feel like I'm at my home. Siguro hindi lang sa lugar masusukat kung paano mo matawag ang isang bagay na 'home'. I guess the home I'm referring about is my lola.

Tumungo kami sa bus terminal upang maghintay nang masasakyan going to our lola's home. Limang oras na biyahe mula rito kaya naman nang maka-sakay kami ay wala na kaming sinayang na oras. Nag-cr lang sandali si papa at naghanap na kami ng puwesto. Bakas din ang pagmamadali ni mama na parang sabik nang makita si lola. Kahit hindi naman niya sabihin, she's still the daughter of our lola. She also misses her.

"Ako naman sa bintana," angil ko kay Mj nang makahanap kami ng pwesto. Dahil two-seater lang ito ay kami na ang nagtabi ni Mj samantalang si papa at mama ang magkatabi sa may gawing likuran namin. "Kanina ikaw na sa tabi ng bintana ng eroplano e."

Mabilis ang naging takbo ng sasakyan. Parang namatayan ang nararamdaman ko dahil sa sama ng loob kay mama. Wala tuloy akong mapag-kaabalahan sa mahabang biyahe. Hinilig ni Mj ang ulo niya sa balikat ko na mababakasan din ng pagka-bugot habang ako nama'y nakatitig lang sa mga tanawin sa labas na nilalagpasan ng aming lulan. Dahil hindi air-conditioned ang bus, bukas ang bintana at pumapasok ang hangin at sinasalubong ang bawat hibla ng buhok kong nililipad.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now