Entry 17

53 4 0
                                    

MY FLING

Kada-summer, nagbabakasyon ako sa probinsya kung saan nakatira ang tatay ko. Hiwalay na ang tatay at nanay ko kaya't nagpagkasunduan nila na sa schooldays kay mama ako at 'pag bakasyon naman kay tatay ako.

At ngayon naman ay bakasyon na kaya't ito ako ngayon tumatakbo't nagmamadali para makaabot pa sa bus, hindi ko kasi ugaling bumyahe na tanghaling tapat, ang init. Naiinis pa naman ako 'pag sobrang init ng panahon.

"Sabrina, lagi kang mag-iingat doon. Huwag kang magliliwaliw nang hindi nagpapaalam sa tatay mo, ah?" sabi ni mama habang tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ko.

"Opo, mama!" sigaw ko habang naghahanap ng sapatos at medyas sa kabinet ko. At pupunta na naman sa isang silid upang hanapin ko ang pitaka at toothbrush ko.

'Ang burara ko talaga kahit kalian!' galit kong wika sa sarili ko.

"At isa pa may pera ka na ba patungo doon? 'Yung pera mo pangbili ng mga kaprutsi mo?" Pagpapatuloy na salita ng mama ko habang hinahabol ako.

"Opo!" pasagot kong sigaw ko kay mama.

Palabas na sana ako ng bahay nang tinawag ako ni mama ulit kaya tumigil ako at hinarap siya.

"Sabrina!" sigaw niya habang nakahawak naman sa doorknob ang kaniyang kaliwang kamay. "Ikumusta mo na rin ako sa papa mo. Mag-iingat ka lagi!"

"Opo, mama. I love you!"

---

"Anak! 'Di ka nagpasabi na ngayon ka dadating sana sinundo na lang kita," sabi ni tatay nang makita ako habang naglalakad palapit sa 'kin na nakangiti, niyakap niya naman agad ako. "Na-miss kita, anak."

"Waa! Tatay na-miss rin kita. Sabi rin ni nanay na-miss ka niya kaya magbalikan na kayo," wika ko na nakangiti ng nakakaloko.
"Ikaw na bata ka. Loko ka talaga!" binatukan niya naman ako kasabay naman noon ang pagtawa namin ng sabay. "Sinabi ba 'yon ng nanay mo? Nako!"

"Ay nga pala tay, alis muna ako."

"O, siya, alam ko naman na bibisitahin mo ulit siya." Ginulo naman nito ang aking buhok.

Niyakap niya naman ako ulit ng mahigpit sabay bulong sa 'king tenga. "Anak, sana naman maging maayos na ang lahat. Nandito pa naman ako."

Ngiti na lamang ang aking sagot sabay lakad ko patungo sa lugar kung saan makikita ko siya. Malayo-layo ang aking lalakarin, may masasakyan naman ngunit mas gusto ko ang maglakad 'pag pumupunta ako sa kaniya kaya't sa paglalakad ko nagbalik-tanaw sa aking isipan ang aming masasaya at magagandang ala-ala.

Nakaupo ako noon sa buhangin ng dagat malapit sa 'min habang nakatanaw sa magandang araw na papalubog. Hindi ko kasi hilig na tumingin ng araw 'pag sunrise o tanghaling tapat na araw kasi sumasakit ang ulo ko kaya palagi nalang akong nakatingin sa araw na papalubog.

"Hoy bata, anong ginagawa mo d'yan? Ba't ka mag-isa?" tanong nito habang papalapit sa 'kin ngunit hindi ko iyon nagawang sagutin. Nilingon ko na lamang siya at ginawaran ng tingin ang buong katawan niya.

Maliit ang kulay tsokolateng mga mata niya, matangos ang ilong, mataas rin ang kaniyang height, mapuputi ang kaniyang mga ngipin, may dimple rin siya sa magkabilang labi niya nagpapadagdag sa magandang mukha niya at feeling ko sobrang lambot ng kaniyang mga mapupulang labi.

Napatigil at napailing ako sa aking naiisip. Hindi ako makapaniwala sa mga naiisip kong masasama.

'My God! Naisip ko talaga iyon sa isang estranghero? Dios ko! Masama na ito! Disesiete ka pa palang Sabrina, malandi ka na!' baliw kong wika sa sarili ko.

It Started Last Summer: A One-Shot Contestحيث تعيش القصص. اكتشف الآن