Entry 25

45 3 0
                                    

Sunrises with You

Ramdam ko ang malakas na ihip ng hangin habang nakatayo ako sa dalampasigan. Ilang minuto na akong hindi gumagalaw. Pinapanood ko lang ang mga alon at pinakikinggan ang tunog nito. Nakakaakit din ang ganda ng repleksyon ng buwan sa tubig. Para bang sinasadya ng dagat na maging ganito kaganda ngayong gabi. Siguro ay tanda iyon ng pagtanggap nila sa akin.

Unti-unti akong lumakad at lumusong sa tubig. Naramdaman ko ang lamig nito na sinabayan pa ng isang malakas na hangin. Nanginig ang buo kong katawan ngunit hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad. Nang umabot na sa dibdib ko ang tubig, lumakas na ang tibok ng puso ko. Mas lumakas na rin ang panginginig ng katawan ko na ngayon ay hindi na lamang dahil sa lamig kundi dahil na rin sa pilit kong pagpigil sa mga luha ko.

Nang sa wakas ay nasa ilalim na ako ng dagat, nakaramdam ako ng kapanatagan. Naging blangko ang isip ko at tila nawala lahat ng bagay na kanina lang ay pinoproblema ko pa. Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam, sana ay noon ko pa ginawa.

Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na ang pagka-ubos ng hininga ko. Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan ang katawan kong dalhin ng alon kung saan nito maisipan. Ito na nga ang dulo. Ilang segundo na lang ay matatapos na rin ito. Ilang segundo na lang, Leah. Magiging malaya ka na rin.

"Miss! Miss!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Pagmulat ng mga mata ko ay ang natatarantang mukha niya ang bumungad sa akin.

"Miss, okay ka lang ba? Nakikita mo ba 'ko?" tanong niya.

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin ngunit naramdaman ko bigla ang pagtulo ng mga luha ko. Nakayanan ko naming pigilan 'to noong magpapakamatay ako pero bakit hindi ko napigilan ngayon?

Umiiyak ako nang parang bata sa harap ng isang lalaking hindi ko naman kilala. Nakaramdam ako ng kaunting hiya kaya itinakip ko sa mga mata ko ang isa kong braso. Nakaramdam din yata siya kaya inilagay niya ang isang tuwalya sa mukha ko. Mahabang panahon din kaming ganoon. Umiiyak lang ako habang siya naman ay nakabantay lang sa tabi ko.

Nang mahimasmasan ako, binigyan niya ako ng isang bote ng tubig at niyaya akong umupo sa kubo na hindi kalayuan sa dalampasigan. Binalot niya rin ako ng pagkadami-daming tuwalya noong sinabi kong ayaw ko munang bumalik sa hotel.

"Okay ka na?" tanong niya. Hindi ako sumagot.

"Pwede ka namang magkwento para gumaan yung pakiramdam mo," tuloy niya.

Nanatiling tahimik ang paligid nang ilang minuto hanggang sa nagsalita ako.

"Bagsak ako sa Bar Exam."

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at tinitigan niya ako. Ako naman ay nakatanaw pa rin sa dagat.

Hindi na rin siya umiimik. Pero mas napasaya pa yata ako ng katahimikin niya dahil ramdam kong nakikinig siya sa akin ng mabuti. Iyon naman talaga ang kailangan ko. Isang taong makikinig sa akin.

"Pag-uwi ko, I saw the disappointment on my parents' faces. Hindi ko alam pero 'sorry' na lang ang lumabas sa bibig ko. Galing ako sa sikat na pamilya ng mga abogado at prosecutor eh. Dapat pasado ako do'n. Iyon yung inaasahan ng lahat sa 'kin. Valedictorian naman ako dati. Nakapagtapos naman ako ng college bilang Summa Cum Laude. Anong nangyari? Anong mali? Parang pakiramdam ko bigla akong naging talunan."

Gusto ko na naman umiyak pero wala nang luhang tumutulo. Naubos na yata kanina.

"Pero may sunod pa naman na exam ah," sambit niya.

Ngumiti ako at umiling.

"That is not an option for my family. Saka ayoko na rin."

Tumango-tango siya na para bang sinasabi niyang naiintindihan niya 'ko.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWo Geschichten leben. Entdecke jetzt