Entry 4

87 12 2
                                    

BUHANGIN

BILANG matalik na kaibigan ay nag-open si Jane ng problema kay Ester. Kitang-kita niya ang pagkabigla nito sa ipinagtapat niya.

"I'm secretly in-love with Eric noon pang high school tayo, Ester. Kaya ganoon na lang ang ikinikilos ko kapag lumalapit siya. Mahabang panahon ang lumipas at akala ko ay wala na 'yong feelings ko pero mali pala..."

"What do you mean?"

"May secret communications kami ni Eric ngayon. Ten months na rin sigurong friends kami sa FB at 'di iyon alam ni Mark."

"Jane, pareho na kayong may asawa't mga anak ni Eric. Bakit nakipag-ugnayan ka pa sa kanya? Malalim na ang ugnayan ninyo ni Eric? Sa tono ng pananalita mo ay parang more than friends na kayo."

"I don't even understand my own feelings, Ester. Mahal ko ang asawa ko pero iba na 'yong nararamdaman ko kay Eric. Sobrang saya ko kapag kausap ko siya sa cellphone at grabe ang enjoyment kapag nagta-chat kami. Kaya nga kinausap kita para matulungan mo ako."

"But how can I help you? Hindi simple 'yang sitwasyon mo, Jane. Oo, bestfriend kita pero puwede ko bang panghimasukan ang damdamin mo?"

"I need someone to talk to. I need some advice at baka magliwanag ang isip ko."

Humugot ng malalim na hininga si Ester. Maging ito ay biglang nahirapan sa sitwasyon niya. Hindi ito biro. It's really complicated. Ano ba naman kasi at sumabak siya sa ganitong sitwasyon?

"Ano bang nangyari, Jane? Paano kayo nagkaroon ng communications ni Eric?"

Ikiniwento niya rito ang muling pagku-krus ng landas nila ni Eric noong summer last year.

KANINA pa napansin ni Eric ang babaing nasa ikatlong cottage, na malapit lang sa kanilang inuokupahan sa beach resort na kinaroroonan nilang mag-anak, kasama ang mga magulang niya at pamilya ng mga kapatid. Mula sa Manila ay nagbakasyon sila sa Zambales at nag-outing. Hindi niya inaasahan na makikita roon ang dating classmate, na lihim niyang minahal.

"Jane..." Bulong niya habang pa-simpleng tinititigan ang babaing naka-shorts at spaghetti blouse. Hindi siya puwedeng mahalata ng misis niya kaya nagnanakaw lang siya ng sulyap kapag may pagkakataon. "Ang ganda mo pa rin. And still sexy although you have kids now."

Tiyak niya na asawa nito ang laging kasama o katabi at anak ng mga ito ang dalawang batang naroon din.

"Bakit attracted pa rin ako sa 'yo?" Tanong niya sa sarili. "Shit! Hindi ako mapakali. Gusto kitang makausap, Jane."

"Hoy!"

Napaigtad siya ng hampasin ng asawa sa braso. Napatingin siya rito.

"Parang may tinitingnan ka ro'n?"

"Ha? Nagagandahan lang ako sa view. Hindi kasi ganito kaganda dati ang resort na ito. Pero ngayon ang laki ng improvement."

"Baka naman may chicks kang tinititigan, ha."

"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Alam mo namang good boy itong asawa mo. I'm a faithful husband, you know."

"Siguraduhin mo lang, Eric."

Niyakap niya ito. "Magduda ba?"

"Hindi naman sa gano'n. Kaya lang, bayan n'yo ito. Dito ka lumaki kaya marami kang kakilala. At malay ko ba kung narito lang sa tabi-tabi 'yong dati mong girlfriend o special someone."

Bigla siyang nakadama ng sundot ng kunsensiya. Kanina pa kasi siya nagpa-plano kung paano malalapitan si Jane, ang dati niyang secret love noong high school, na twenty years niyang hindi nakita.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now