Entry 24

42 2 0
                                    

Summer in His Eyes


SAME TRAIL, DIFFERENT FEELING. Same goal, different path. Same growth, different process. Same calling, different journey.

"Take a risk on me again."

It kept playing in my mind. Walang araw siguro na hindi ako gumising at nahimlay sa kama ko nang hindi iyon pumapasok sa isip ko. Halos tatlong taon na ang nakalilipas nang huli ko siyang marinig subalit tila buhay na buhay pa rin siya sa alaala ko. Sariwang-sariwa pa rin ang lahat sa isip ko. Parehong daan naman ang tinatahak ko noong huli kong punta rito subalit tila iba na ang pakiramdam. Patungo naman ito sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ngunit parang nagbago na ang lahat.

Siya at ang nakabibihagni niyang tingin ang nakalupig sa aking atensyon, isang buwan sa tag-araw.

Naupo ako sa buhanginan at pinagmasdan ang pag-alon sa dagat. The relaxation and calmness that it brings, this is very different from the city. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang mainit na hanging dumadampi sa aking balat. Dahan-dahan kong inilulubog ang aking mga palad sa buhangin ng dalampasigan. Tama nga si Nanay at ang mga kaibigan ko, kailangan ko nga ito. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko.

"Maybe you need more vacation, eh?" Bigla akong napadilat nang marinig ang pamilyar niyang boses. Napalunok na lang ako nang maramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Naupo rin siya gaya ko.

"Hello, Ms. Rosie."

He knows me, eh? Alam niya ang penname ko sa publishing. It has been half a decade since the last time that we met but he still cannot neglect.

"I would never forget the most gorgeous lady, five years ago, in her cocktail dress, saying, 'I really, really love you, Bryan.'"

I sighed. He clearly remembers it.

"What's with it, Bry?" I asked. "Hindi mo matanggap na hindi totoo ang mga sinabi ko noon?"

He chuckled. "Hindi nga ba?" Napatanga na lang ako nang marinig ang sinabi niya. "I doubt that, Jen. It was a talk in the town that a Gonzaga admires a De Villenas, means you love me."

"Take note, 'I loved you.' Past tense na, Bry. Flirt lang 'yon."

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.

"But of course, if you haven't moved on, I can adjust," I said jokingly.

"Huwag," agad niyang pag-alma. "Ako na ang mag-a-adjust ng feelings."

I felt the awkwardness the moment he spilled that joke, if it was a joke. Minutes have passed and we remained quiet while the sun slowly sets. Bryan and I are more than what friends are supposed to be. We definitely had a colorful history. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng mga nangyari noon sa pagitan namin at wala kaming balak na ipaalam sa ibang mga tao.

Rivals. That is the exact word that fit the relationship between our families. I admit, umasa ako noon na kami ang magiging daan upang magbago ang turingan ng mga pamilya namin subalit dumating kami sa puntong sumuko na rin kami sa isa't isa.

"Nagkita na kayo ni Uncle?" Roel Gonzaga. "Have you conversed?"

Lumingon ako kay Bryan na siya ring nakatingin sa akin. His arctic blue eyes pinned a strange calm look on me. It was the same iris whom I fell for years ago.

"Uncle Roel is the main reason of your tragedian style," he stated.

I kept myself quiet and chose to watch the sun that almost set. I felt that certain lump on my throat as I realized his piercing statements earlier. I reflected awhile and there I felt my eyes became watery.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now