Entry 6

71 7 0
                                    

Cursed of Summer

Mataman kong tinatanaw ang malawak na lupain sa aking harapan. Sumimoy ang may kalamigang hangin at agad kong sinikop ang takas na buhok sa aking kanang balikat.

Mahigit limang taon na din ang nakalilipas nang huling nakapunta ako sa lugar na ito. Sa loob ng nagdaang taon ay kahanga hangang maganda ang ipinagbago dito. Mula sa nadagdag na malalaking punong kahoy ng mangga ay may isang bahay kubo na din na itinayo upang pagpahingahan.

It felt a little melancholy about how I used to be excited whenever I'm going here for a vacation. This place is used to be loud back then.

Why tranquillity does is all I feel now?

Why does it feel like the blanket of solitude is tightly wrapping me?

Makatutulong ba talaga ang lugar na 'to para makalimot ako?

I slowly doubted my decision, it's been a week since I got here at hanggang ngayon ay wala pa din namang nagbabago sa nararamdaman ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa isip ko kung bakit ako narito ngayon.

"Gab, please hear me out," I cried holding my sobs back.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung paanong ipaiintindi sa kaniya ang lahat.

"Vene! Ayoko na," he cursed, "How many times do I have to tell you! Pagod na ako!" Narinig ko pa ang magkakasunod niyang mura bago tuluyang pinutol ang tawag.

Napapailing akong nagpunas ng luhang wala pa ding tigil sa pag agos.

No, love. Natatakpan ka lang ng pride, okay? I just can't give up, right now. I shouldn't give up. We, shouldn't give up, right? Pag aalo ko sa sarili na tila naririnig niya ang aking mga hinaing.

Sinubukan ko ulit tawagan ang numero niya ngunit ngayon ay wala ng sumasagot. Napapahilamos akong napaupo sa sulok ng kama ko.

Gano'n nalang iyon? Sa loob ng ilang taon, magigising nalang siyang walang nararamdaman para sa akin? How would I believe that?

It's been freaking two days na pilit ko siyang kinakausap ngunit sarado pa din talaga ang isip niya. Sinubukan ko ng puntahan siya sa bahay nila pero para lang akong pulubing nanlilimos na ipinagtabuyan niya paalis.

Gano'n niya na ba talaga ka-gustong mawala ako sa kaniya?

Niyakap ko ang aking magkatabing tuhod at doon isiniksik ang mukha. Wala na ba talaga?

Bandang alas sais ng umaga nang magising ay agad akong sinalubong ni Mama. Alam niya ang mga nangyayari. Legal ang relationship namin ni Gab both sides at maski sila ay nagulantang sa biglaang pakikipaghiwalay nito sa akin.

"Anak, I think you should take a break," she slowly stroked the strands of my hair, "Why don't you visit your cousins instead?"

Napagdesisyunan kong sundin ang payo ni Mama. Nang matapos ang agahan ay agad akong nag impake para tumulak na patungo sa home town ng aking ama.

"Batangas." Bulong ko nang muling pasadahan ng tingin ang paligid sa harap.

Maybe it'll not be a bad idea having a rest here at all.

"Nakakatuwa at muli kang nakabalik dito, hija." Wika ni Nay Delia na hindi ko namalayang nasa aking tabi na.

Nakangiti ko siyang binalingan, "Masaya po akong muling bumalik dito, Nay." I hope so.

Dumating ang oras ng tanghalian at habang kumakain ay dumating ang mga pinsan kong galing sa isang linggong pamamasyal sa Norte.

"Ay hala!" Nagugulat na napatigil sa paglalakad ang pinsan kong si Gelay, "Kailan ka pa dito?!"

It Started Last Summer: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now