Entry 27

44 2 0
                                    


The Antagonist's Point of View



Sayang-saya si Orshey habang nilalagyan ng icing ang mga cupcakes na siya mismo ang nag-bake. It's summertime, meaning she can have more time with Ronan gain. Maaga siyang nagising dahil nabanggit ng Mommy Alva niya kahapon na pupunta sila ngayong araw kina Ronan. Hindi pa siya naliligo, naka-bun ang dark red n'yang buhok na 'di pa nasusuklay and she's still on her pajamas. Sumuot lang siya ng apron. Pero kahit gano'n, she's still Orshey Lardizabal, the pretty who's physicality shouts classiness.

Aliw na aliw siya sa ginagawa kaya 'di niya man lang namalayan ang pagpasok ni Mommy Alva sa kusina. "What's that honey?" tanong nito.

"Oh, nandito ka pala Mom. I baked cupcakes for Ronan," she said giggling.

"How sweet..." anito at lumapit sa kanya at tiningnan ang ginagawa niya. "Hmm...it looks good. I'm sure Ronan will love it." Napangiti si Orshey sa sinabi ni Mommy Alva. "Thanks, mom."

Pagkatapos maihanda ni Orshey ay ang sarili niya na naman ang pinagkaabalahan niya. Nang matapos, bitbit ang box ng cupcakes ay umalis na sila. Mga tatlumpong minuto lang papunta sa sunflower farm nina Ronan at sa lahat ng oras na iyon ay hindi man lang natanggal ang ngiti ni Orshey.

"Alva, Orshey..." salubong ni Rosa sa kanila, ang mama ni Ronan sa balkonahe ng bahay nila.

"Hi Tita," bati ni Orshey sabay beso. "Pretty as always, Shey," anito pagkatapos bumeso. Napangiti't nagpasalamat na lamang si Orshey habang umiikot na ang mata sa farm aa paghahanap kay Ronan.

"Tita, where's Ronan?" singit niya sa chikahan ng dalawa.

"Oh, nasa farm. Puntahan mo roon, Shey. Alam mo namang mas mahal no'n ang sunflowers niya kaysa sa'kin," natatawang wika ni Rosa. Napangiti na lang din si Orshey at tumungo sa malawak na sunflower farm nina Ronan na siyang sa tabi lang ng bahay nila.

Habang naglalakad sa gitna ng naglalakihang sunflowers ay nadaanan niya ang isa mga nagtatrabaho rin doon. "Where's Ronan?" maarte niyang tanong. Napatigil ang lalaking tantiya niya'y mid 30's sa pagbungkal ng lupa. "Bakit po maam?" tanong nito.

Hindi niya napigilang paikutin ang mata. "Uh, you don't have to know," aniya habang minamata ang trabahador. "Pasensya na po maam, ayaw niya kasi iniistorbo siya rito."

Nagpanting ang tainga niya sa salitang istorbo. "Do I look like a disturbance?"

"Eh maam—"

"Orshey." Sabay silang napalingon ng lalaki sa tumawag sa pangalan niya.

"Sir."

"Ronan." Sabay rin nilang sambit.

"Anong problema, manong?" tanong ni Ronan at naglalakad palapit sa kanila. Nakaputing v-neck shirt, cargo short at botas ang binata. May suot itong gloves na may dumi na ng lupa at pawis na pawis. Gayunpama'y hindi iyon nakabawas sa kagwapuhang taglay nito. Mas lalo nga itong nagningning sa mga mata ni Orshey.

"Wala po sir—"

"There is, Ronan. He's not telling me where you are," sumbong niya. "Pumalag ba sa'yo manong? Patumba ko na?" natatawang biro ni Ronan kaya napakamot na lang sa ulo ang trabahador. "Pasensya na, manong. Sige, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo." Nanliit naman ang mata ni Orshey sa inasta ng binata.

"Ronan! What are you saying—"

"Halika na," putol nito sa litanya niya sana. Natunaw ang inis niya nang inakbayan siya ni Ronan at sabay silang naglakad pabalik sa bahay nila.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon