Entry 21

40 2 0
                                    


"Paalam, Mary"


Mary Luana, Mary Luana. Mary. Mary. Mary... labis na 'kong nananabik kay Mary—labis-labis na 'yung pananabik ko kay Mary. Nananabik na 'ko sa matamis n'yang halik, sa mainit n'yang yakap, pati na sa malambing n'yang boses kapag binabanggit 'yung pangalan ko. Nananabik na rin akong makita 'yung ganda n'yang walang makakapantay.

Girlfriend ko si Mary—ex-girlfriend. Six years na kaming nagsasama, na magpipito na sana ngayong Mayo. May balak na nga 'ko sa anniversary naming 'yon. Nakabili na 'ko ng singsing na gawa sa totoong silver na may totoo ring diyamante. Kahit na maliit lang, mahal pa rin 'yung bili ko. Okay lang naman sa 'kin kasi mahal ko naman s'ya—mahal na mahal. Gagawin ko na nga sana 'yung proposal sa araw ng anniversary namin, ang kaso nga lang, may aksidenteng nangyari. Aksidenteng nagpabago sa buhay ko, na magpapatigil naman sa kan'ya.

Dalawang linggo bago 'yung araw ng seventh anniversary namin, kasama n'ya 'yung kapatid n'yang nagmamaneho sa sinasakyan nilang kotse, galing sila sa bahay ng magulang nilang binisita nila dahil bakasyon—isang buwan lang sila do'n kasi kailangan na n'yang umuwi, kasi nga darating na 'yung anniversary namin—kaso sa pag-uwi n'ya, nasa loob na s'ya ng kabaong. Sa laki nga ng sugat n'ya sa noo, nakakamangha pang kinaya 'yung itago ng mortician; sugat na sanhi ng car accident na dahilan ng pagkamatay nilang magkapatid. Sana nga... sana—niyaya n'ya kasi akong sumama raw ako sa kanila, kaso naging busy ako sa pagtatrabaho. Sana talaga sumama na lang ako nang hindi ko na sinelebreyt 'yung anniversary namin sa sementeryo.

Maraming nagsabing makaka-move on din daw ako. At karamihan pa sa mga nagsabi, e, 'yung mga wala pang nagiging karelasyon, mga nagkaroon na nga pero hindi naman nagtagal 'yung relasyon, pati 'yung mga matatandang namatayan na ng asawa—na tuwang-tuwa pa na namatay na 'yung mga asawa nila. Mahirap maniwala sa kanila e. Pinipilit kong kalimutan si Mary pero lagi s'yang sumusulpot sa isip ko—walang oras na nawala s'ya sa isip ko. Sa trabaho man, sa loob ng bahay, pati na sa pagtulog ko dinadalaw n'ya pa rin ako sa panaginip. Gumigising na lang ako na basa na 'yung unan; nanlalagkit pa 'yung mga mata.

May kaibigan din akong nagsabi sa 'kin na makaka-move on din daw ako—si Bernie. Inaya n'ya 'kong pumunta sa birthday party n'ya para raw may makilala naman akong babaeng makakapagpalimot kay Mary. At... at hindi naman sa gusto ko ngang kalimutan si Mary. Pumunta 'ko kasi gusto ko lang lumaya sa sakit ng pangungulila na nagpapahirap sa 'kin.

Hindi nga s'ya nagbibiro nu'ng sinabi n'yang, "Para may makilala kang babaeng makakapagpalimot sa kan'ya." Sa dami kasi ng tao, para 'kong nasa isang mini concert. Ang dami n'ya palang kaibigan, na hindi na nakakapagtaka kasi palakaibigan naman talaga s'ya. Sa dami nga ng tao—sa dami ng boses na umaalingawngaw, hindi ko na naririnig 'yung sinasabi ng utak ko. Nilulunod na nila sa malalakas nilang tawanan, sigawan, na sinasabayan pa ng nakakabinging tugtog.

Hindi ako naging kumportable sa loob. Hindi ko kayang sabayan 'yung pagkakasiyahan nila kaya lumabas na lang ako. Du'n muna 'ko tumambay sa labas para makapag-isip-isip habang tinitignan 'yung mapayapang madilim na langit. At sa pag-iisip-isip kong 'yon, para bang—para bang may nakita 'kong multo. Sa 'di kalayuan, nakita ko si Mary—SI MARY. Nakatayo s'ya, katulad ko, nakatingala rin sa langit. Tinitigan ko s'ya kasi—kasi kamukhang-kamukha n'ya talaga si Mary. Magkasing-haba sila ng itim na hanggang-balikat na buhok. Parehas din silang maputi, pareho sila ng pagkakatangos ng ilong, ng porma ng labi, ng mga mata. Pareho silang maganda. Akala ko nga minumulto na n'ya 'ko, o nagha-hallucinate na kasi nababaliw na 'ko sa kakaisip sa kan'ya—pero hindi. Sa dahan-dahan kong paglapit sa kan'ya, napagtatanto kong totoo nga s'ya.

"Mary?" pabulong na tawag ko sa kan'ya, na hindi n'ya narinig kaya mas nilakasan ko pa 'yung pagtawag ko. "Mahal?"

Naalerto naman 'yung babaeng kamukha ni Mary. Tumingin s'ya sa 'kin na may pagkabahala, pagtataka, at pananabik. Pero nang makita n'ya kung sino 'yung tumawag sa kan'ya—nang makita n'ya 'ko, napalitan 'yon ng pagkadismaya. Tumingin pa s'ya sa magkabila n'yang gilid at hinanap kung sino nga 'yung tinatawag ko, pero wala s'yang nakitang ibang tao kun'di s'ya lang. "A-ako po ba 'yung tinatawag mo, Kuya?" tanong n'ya.

It Started Last Summer: A One-Shot ContestDove le storie prendono vita. Scoprilo ora