Kabanata 65

825 13 0
                                    

Third Person's POV


isang taon at mahigit tatlong buwan na rin ang lumipas mula nang mangyari ang lahat sa kani-kanilang buhay. Malaki at marami na ang mga pagbabago sa mundong dati nilang ginagalawan.

Ang pamilya ni Ellaine ay mas umangat pa sa larangan ng business, dahil na rin sa tulong ni Lord Daucer. Ngayon, mas lumalawak na ang kanilang business, at mas nakilala ang pangalan nila.

Gayunpaman, hindi pa rin nais ng mga Kapatid ni Benjamin ang iharap si Ellaine sa media, dahil baka masangkot lamang itong muli sa gulo. At wala siyang magagawa, dahil ayaw din niyang madungisan ang pangalan nila. They are living the life that they used to be with before, noong wala pa si Ellaine. And for them, it's a victory.

However, Desa is still not awake. Dahil wala na nga ang anak sa kanyang tabi, hindi pa rin nagigising ang asawa niya. And it makes Benjamin feel incomplete.

Meanwhile, Germans are now in the rank. Nagsisimula nang lumago ang kompanya nila, at sila'y patungo na sa kinalalagyan ng mga naglalakihang pangalan sa industriyang kanilang kinabibilangan.

And show business? They're still waiting for Steve's comeback, simula pa noong na-coma siya.

But today, the wait is over. Dahil magbabalik na ang bituing bumihag sa puso ng lahat ng kanilang mga taga-hanga. Yes, Steve Reo German is going back to the Philippines.

Today is a nice day for everyone, especially for Cassy, who's going back to the Philippines after nine years. Sa wakas ay muli na niyang masisilayan ang bansang kanyang pinagmulan.

Si Steve ay kasalukuyang nakatingin lamang sa kanya. Hindi ito nakaramdam ng kahit na anong takot o pangamba sa kabila ng aksidenteng nangyari sa kanya noon. Of course, he still didn't remember that thing.

Nasa eroplano lamang sila. Ilang segundo pa ang kanilang hinintay, at lumapag na rin ang sasakyang panghimpapawid na ito. Sila ay nakatapak nang muli sa Pilipinas.

Magkahawak kamay sila mula sa pagbaba ng eroplano hanggang sa paglalakad paalis rito sa airport. At habang naglalakad, palingon lingon si Steve. Tila ba may hinahanap siya.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Cassy.

"Sina Drag. Sabi nila, susunduin nila tayo ngayon," he said.

Napatango na lamang siya sa sinabi ng nobyo. Nasa loob pa rin sila ng gusaling ito, at nakarinig sila ng ingay sa likuran. And what a surprise! It's the media!

Imbis na ang mga ka-grupo ang sumalubong sa kanila, itoang ang nasilayan.

Media, reporters, cameras, I and so on.

"Steve! Steve!" rinig nilang sigaw ng mga reporters. Pero, hindi niya ito pinansin.

"Don't look back, okay?" sabi niya sa nobya, at tumango na lamang ito.

"Si Ell--" hindi na nila pinansin ang mga pinagsasabi ng reporters nang makita na ni Steve sina Dragon.

He saw the three, na lakad-takbo ang ginawa upang mas lalo mapadali ang paglapit sa dalawa.

"Drag, who is she?" bulong ni Kiel. Buti na lamang at hindi ito narinig ni Cassy. Walang reaksyon si Drag.

"Let's go," tipid na sabi ni Ford. Napatango na lamang si Steve. Si Cassy naman, hindi na nagtanong pa kung ano ang nangyayari. Dahil alam niya na artista ang nobyo.

Naikwento nito sa kanya ang trabaho noong nasa Korea pa sila.

Silang tatlo ay naunang naglakad papalabas ng airport. Nagpaiwan sina Drag at Kiel upang hindi masundan ng kahit na sinong reporter o paparazzi sina Steve.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon