kabanata 46

795 17 0
                                    

Ellaine's POV





Mahigpit akong niyayakap ni Steve hanggang ngayon. And we stay like this for few more minutes. Habang patuloy niya itong ginagawa, mas namimiss ko lang siya.

Mas ayaw ko siyang iwan ako. But, he have to go today.

Ngayong araw na ang flight niya papuntang Korea. And all his things were ready. Ang kailangan na lang niyang gawin ay ang tumayo at maglakad papalabas ng boarding house na ito. Pero, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ginagawa.

Because, he's still busy in hugging me.

"Mala-late ka na sa flight mo." sabi ko sa kanya. But, he acted like he didnt hear it.

"Steve..." isang beses ko pa siyang tinawag. And finally, nahsalita na rin siya.

"Just few more second, my Ellaine, please." he said.

"Pero--" bago pa man ako makapagsalita ay hinalikan na niya ako.

"Please..."

"Sige." I said. I did what he wants. I just let him hug me. Dahil alam ko rin namang kakalas na siya kapag kailangangan na niyang umalis.

At tama nga ako. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, dahil siguro ay kailangan na niyang umalis.

Kinuha niya ang maleta niya, and he look back on me. "Sandali lang akong mawawala. Babalik rin ako kaagad." he said, and he kissed my forehead.

I nod, "Ihahatid na kita sa airport--"

"Don't. Dahil baka magbago lang ang isip ko. Hindi ako tutuloy sa Korea kapag inihatid mo ako. And you know why."

Yes, I know why. Dahil hindi niya gustong makita akong nag-iisa, habang tinatahak niya ang daan papalayo sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon.

"Nami-miss na kita ngayon pa lang." rinig kong sabi niya, at hinalikan akong muli sa aking labi.

And I just let him do that again.

"Ako rin naman e."

"Basta, babalik ako kaagad. And when I came back," niyakap niya akong muli. And then he whispered something.

"I'll impregnate you." bulong niya.

Dahil doon ay pinitik ko ang kanyang tenga. And I just laugh on his reaction.

"That hurts." then he pouted.

"Ewan ko sayo."

"Its the truth. It hurts. At kailangan itong gamutin." he said. Talaga lang.

"Anong namang igagamot mo diyan?"

"Your kiss, of course." nakangiti niyang sabi, "Kiss me."

As what he said, I kissed him. And he smiled at me. Napailing na lang ako.

"Loko ka." sabi ko, pero ngumiti lang siya.

He hugged me tighter, and we just stayed like this. Hanggang sa siya na muli ang kumalas sa pagkakayakapan naming dalawa.

And he kissed my forehead again. "Mag-iingat ka rito."

Tumango lang ako.

"I love you."

"I love you too."

He kissed my lips agin, for the las time. At pagkatapos, tuluyan na niyang kinuha ang mga gamit niya, at naglakad papalayo.

Pero, habang naglalakad siya ay paulit ulit siyang lumilingon at sumisigaw ng 'I love you', dahilan upang magsilabasan ang mga ka-boardmates ko sa kani-kanilang kwarto at tingnan si Steve.

Pero, napangiti na lang ako dahil doon.

"Aalis siya, ate?" rinig kong tanong ni Pamela kaya ako napatingin sa kanya. I nod, and she nods too.

"Saan siya pupunta?" sunod namang tanong ni Cess.

"Sa Korea."

"Ha? Korea?" nag chorus pa sila sa pagsasabi no'n.

Kaya natawa na lang ako. Ngunit maya maya pa ay sumigaw rin silang apat, dahilan kung bakit mas lalo lang akong natawa.

"Kuya! Pasalubong namin ha!"

"Sure! No problem! Basta, alagaan niyo ang ate niyo." he shouted.

"Okay! Ba-bye!"

Mas napangiti na lamang ako dahil doon. Pero, nang makasakay siya sa taxi ni mader Della ay nakaramdam ako ng lungkot. But, I just sighed.

Hindi ko na naman siya mkakasama.

Bumalik na lamang kami sa loob ng boarding house at ngsipasok sa kani-kaniya naming mga kwarto.

Napahiga na lang ako sa kama, at niyakap ang stuff toy na binigay niya sa akin. Mag-isa na naman ako ngayon.

Kinuha ko ang phone ko. Pero nang tingnan ko ito, nakita ko na lamang ang recorder application na nasa screen ko. Recorder? Hindi ko naman ginagamit to.

And then I saw one file, and it has my name. Nagtaka ako kaya ko pinindot. But I just smiled when I heard his voice.

"I love you, Ellaine. I love you, my Ellaine. Love na love kita. I love you, Ellaine Marie, I love you. I love you. Ikaw lang ang nandito sa puso ko, ikaw lang. Love na love na love talaga kita. I love you."

Paulit ulit na lang niyang sinasabi ang salitang iyon. At dahil doon, mas napapangiti ako.

I just closed my eyes, at paulit ulit ko lang itong pinakinggan habang nakayakap ako sa panda stuff toy ko.

HINDI KO namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako dahil narinig kong tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko ito, napabuntong hininga na lang ako.

Low battery lang pala.

Bumangon na ako, and I charged my phone. Pero, napansin kong napakatahimik naman yata ng buong paligid ngayon. Dati kasi, napakaingay nila kapag nandito silang apat.

Maingay sila at nagsisigawan pa kapag nanonood ng korean drama. Ewan ko. Baka, nag aaral lang sila ngayon. Hinayaan ko na lamang iyon.

Muli akong napabuntong hininga, saka na ako lumabas ng kwarto. Bigla na lang akong napaluha nang bumungad sa paningin ko ang mga ka-boardmates kong tinututukan ng baril sa kanilang mga ulo.

And then, I just saw my dad and grandfather. Naglalakad silang pareho papasok sa boarding house.

No... Paano nila ako nahanap?!

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon