kabanata 17

1.2K 24 1
                                    

Steve's POV



After I have talked with Maureen, naisip ko kaagad si Ellaine. But why would that beautiful woman easily managed to make my brain think of her?

Parang si Marie lang.

Ewan.

Matapos naming magkita ay kaagad akong dumiretso sa isang flowershop para bumili ng bulaklak. Hindi ko alam kung bakit dito ako unang pumunta. Basta, sinabi lang ng utak ko.

And then, kaagad na akong dumiretso sa bahay nina Yohan. And while I'm driving, I still think of her beautiful face.

Habang nasa sasakyan ako ay hindi ko talaga alam kung paano ko mahahanap kung ano ang tawag doon sa feeling na pinag usapan namin ni Av kanina.

At hanggang ngayon ay labis pa rin akong nag iisip kung saan ko mahahanap ang salitang iyon, o paano.

Nang makarating ay agad na akong bumaba ng kotse dala dala ang bulakalak na binili ko for Ellaine. Of course, I didnt forget tita Veronica's to.

I took a deep breath, saka ko pinindot yung door bell.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" salubong ni tita Veronica sa akin. Natawa na lang ako dahil doon.

"Wala naman po. Tsaka, I want to be with Yohan kasi."

"Beside Yohan, gusto mong makita si Elaaine no?" tanong niya.

"A--e... Flowers nga pala, for you tita."

"Ewan ko sayo, Steve. Come on, get in. Nandoon sila sa loob." sabi niya habang naiiling na pumasok.

I just smiled.

Nang makapasok na kami sa bahay ay nakita ko silang dalawa ni Yohan. Nakangiti si Yohan habang tinuturuan naman siya ni Ellaine.

"The answer is 25." Yohan said.

"Hello, baby Yohan." pagbati ko. Napatingin naman sila sa akin.

"Kuya, hindi na ako baby. I'm now a big boy." sabi niya.

Natawa lang ako dahil sa sinabi niya.

"Umm, h-hi, Ellaine." Shet. Bakit kinakabahan ako? "Flowers?" sabay bigay ang bulaklak sa kanya.

She smiled beautifully when she received the flowers. "Salamat."

"Kaya pala. He likes you--" naputol ang sanang sasabihin ni Yohan ng kinarga ko siya. "Kuya, ibaba mo ako..."

"No."

Natawa na lang sila sa ginawa ko kay Yohan. I used to carry this baby before. Ngayon, ayaw nang magpa karga sa akin.

Binaba ko si Yohan. "You're still a baby." kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Ang cute niya.

WALA SA PLANO KO ang bagay na ito pero hinintay ko talaga na matapos ang tutor session nila ni Yohan, niyaya ko siyang lumabas.

Ni hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin.

Saan nga ba? Mag isip ka Steve!

"I'm sure you are hungry. Saan mo gustong kumain? Libre ko." tanong ko sa kanya.

"Libre mo? Matakaw ako." sabi niya sa akin. Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Pero, nagbibiro lang siya diba?

I nod, and she smiled. Ang ganda.

We used my car. Sabi niya, she told tita Veronica to watch for her car. Kaya  may chance akong ihatid siya sa bahay nila. Ayos!

Habang nagmamaneho ako ng sasakyan, nagkaroon kami ng maiksing kwentuhan, tungkol sa mga sarili namin. Getting to know each other.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon