kabanata 53

818 18 0
                                    

Desa's POV



Nang unti unti nang gumaling ang hita ko, nanatili muna ako ng ilang linggo, and I took care of Ellaine. And there I had a word with Revierre, ang anak ng pinagkakautangan nina Benjamin.

He helped me in taking care of my daughter, and at the same time ay nakausap ko rin siya. He seems gentleman and he has class. Pero, I dont like him for Ellaine.

Ngunit wala akong magawa para mapgilan ang balak nilang ipakasal siya sa lalaking ito.

At nang tuluyang na akong gumaling, I decided to stay longer at the hospital para sana bantayan si Ellaine. But Benjamin wants me to go home. Kaya, wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya.

At ngayon, narito lamang ako sa mansyon, nakaupo sa sofa at tulala. Pilit kong inaalala ang lahat ng mga nangyari bago magkaganyan si Ellaine. At habang tumatagal, narealized kong isa ako sa mga may kasalanan kung bakit nagkaganito ang anak ko.

Napagtanto kong napakabilis ng oras. Its been three months, at hindi pa rin nagigising si Ellaine. Akala ko, after ng ilang linggo, magigising na ang anak ko. But, no. She's still lying on the hospital bed, and suffering in comma.

At dahil iyon sa akin.

Kung hindi ko na lang sana siya tinulungang makatakas, hindi na sana siya mapapahamak. Pero, ginawa ko pa rin. Ngayon, I am one of those who delivered her in such situation.

Nagmatigas ako. Nagpadala ako sa kagustuhan kong mailayo siya sa kasamaan ng pamilya niya at magkaroon siya ng masayang buhay.

And I was wrong for thinking all of that. Hindi ko man lang inisip na maaari siyang mapahamak dahil lang sa pagtakas na iyon.

Napakatanga ko.

Naluha na lamang ako habang inaalala ang lahat ng nangyari. And then, pictures of Ellaine who's smiling suddenly enters on my mind, dahilan upang mas mapaluha ako.

Nami-miss ko na siya. Kailan kaya siya magigising? Hindi ko alam. Pero, alam kong lumalaban siya para sa buhay niya.

Sa ngayon, wala na akong magagawa kundi ang maghintay na lamang ng balita tungkol sa kalagayan niya. Napabuntong hininga na lamang ako, at nagdesisyong pumunta sa kwarto na nasa ikalawang palapag din ng mansyon na ito.  

Napadaan ako sa study room, at nasulyapan kong hindi naisara ng maayos ang pinto. Hindi ko alam kung bakit. May mga katulong lang siguro na naglilinis, at nakalimutan nilang isara ito.

Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko papunta ng kwarto. Ngunit sa aking paglalakad, may narinig naman akong nag uusap. Hindi ko naman iyon sinasadya.
Narinig ko lamang iyon dahil may kalakasan ng boses ang mga taong ito.

Akala ko kung sino ang mga iyon. And I just realized that their voices are very familiar. Mama, papa, Cora and Randy.

Kitang kita ko silang apat mula rito sa kinatatayuan ko ngayon. Pero, ano naman kaya ang pinag uusapan nila? I dont know, and I guess I dont have to know it but I just heard Ellaine's name. Kaya hindi ako umalis. Kahit mali, nakinig ako sa pag uusap nila.

"Hindi pa rin nagigising si Ellaine. Baka umatras sina Lord Daucer at sa halip ay kunin na lang ang buhay natin bilang bayad sa utang natin sa  kanila." that is...papa's voice. They are talking about Ellaine's condition.

"She's still in the hospital, papa. Pero, wala tayong dapat na ipag-alala. Magigising din ang babaeng iyon, at tuluyan na tayong makakalaya sa utang natin mula sa mga Daucers." that's Cora's voice.

"Cora is right, Ben. Napakatagal na nating hinintay ang araw na ito, so as they. Kaya hindi na sila aatras. Cant you see? Even Revierre is taking care of Ellaine. Kaya sigurado akong hindi nila tayo uubusin."  sabi naman ni mama.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon