kabanata 12

1.4K 25 1
                                    

Steve's POV

Two weeks later...

"Isa pa, Dave." And, yes. Nandito ako sa harapan ng bartender naming kaibigan na si Dave.

Hindi na niya ako binigyan kaya tinawag ko yung assistant bartender niya, and forced him to give me any alcoholic drink.

"Hoy, German. Ang bata bata mo pa, lasinggero ka na. Itigil mo na yan. Tatawagan ko talaga si Maureen--" naputol ang pagsasalita niya nang binigay ko ang phone ko sa kanya.

"Sorry, Steve. I gave up. I cant handle it anymore. Let's break up."

Maya maya pa ay nakita ko na lang siyang may dalang alak at baso. Napatingin na lang ako sa kanya nang tumabi siya sa akin.

At nang mabuksan na ang alaka ay agad siyang nagsalin sa baso niya. Sinalinan pa niya ako ng alak.

"Heto, sige pa." nakipag cheers pa ang loko, at ininom ang alak na nasa baso niya. Sinasaway lang ako nito kanina. Now, why is he joining me here?

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.

Inakbayan niya lang ako. "Anong 'anong nangyari'? Wala rito ang mokong na si Dragon. Si Ford naman, alam kong busy yung bugnutin na yon. Hindi na sila fan ng alak e, maliban na nga lang sa Dalmore. Si Kiel naman, ewan ko kung nasaan. Hay nako naman Steve, moral support to, man."

Sira.

"Thank you ha." I just rolled my eyes. Dave is really really crazy. Napailing na lang ako nang parang na appreciate niya talaga ang sinabi ko.

But seriously, I need this 'moral support'.

Maureen and I, almost a month na kami. Almost. Pero hindi niya pinaabot. So, three weeks lang kami for exact.

Bakit kami nagkarelasyon? Simple. Business, and mere attraction.

Pero kahit ganon, I tried to love her. Not same as how I loved Marie. Because Marie is my first love. Pero sinubukan kong mahalin siya. But it didnt work.

Isa pa, I know... We know that she's the only one who worked for our relationship. Dad likes her, but not mom. Ewan.

At sa ngayon, she's the 10th girl na hindi tumagal sa akin. Hindi ko alam, pero tutlmatak sa utak ko na parang wala na yata akong pag asang magka asawa nito.

"You know, ganyan rin ang istorya nina Dragon at Ford e. Pero nakahanap rin naman sila ng mga katapat nila." then he tapped my shoulder. "You'll find yours, in the right time."

"Dave, is that you? Akala ko professional bartender ka lang. Love enthusiast ka na rin pala?" 

Natawa na lang siya dahil sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo, Steve. Mag inuman na lang tayo."

Right. I think I have to be drowned on drinks tonight.

"BUTI NA LANG TALAGA at may business trip dad. Si mama naman, natutulog na." narinig ko na lang si Ava na nagsalita. Pero, hinayaan ko lang siya.

"Hoy Dabid, alagaan mo talaga yan ha. Pinainom mo sa club mo e. May tinatapos pa akong lesson log at klase pa ako bukas kaya ikaw ang mag alaga dyan."

Maya maya ay narinig ko na lang na may nagsarado ng pinto.

"Buti na lang talaga at wala pang boyfriend yung step sister mo, ano? Savage e." rinig kong sabi ni Dave.

Natawa lang ako. "Sira ka talaga. May asawa na yun."

"Talaga? Buti nakatagal yung asawa niya."

Nang magsama na kasi sina mama at dad, kasal na si Av. She's married with a pilot. Naalala kong hindi ko nasabi sa kanya na kasal na ang step sister ko.

At dahil sa sinabi niyang iyon, napailing na lang ako.

"Sige, magsalita ka pa. Kapag narinig ka non, baka pasagasaan ka niya sa asawa niyang piloto. Siguradong double kill ka."

Savage pa naman talaga yung si Av, minsan. At dahil doon, natahimik siya. Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya.

"I can handle myself. Balikan mo ya yung club mo."

"Sure ka?" tanong niya, at napatango naman ako.

"Oo."

Napahiga na lang ako sa kama. Nang marinig kong may sumaradong pintuan, napapikit na lang ako. And I saw her face once again.

Marie.

Yeogi seo doraolgeoya ? Eonje dasi bol su isseulkka yo ? Na neun jeongmalro dangsin eul geuriwo , Marie .

Will you come back here? When will I see you again? I really miss you, Marie.













Ellaine's POV

NAPAWI ANG MGA NGITI NA KO nang makita ang mga kapatid ng aking ama. Until now, I know that they dont like me.

Panay ang tingin nila sa akin. Mula noong makabalik kami ni mama rito sa bahay noong nakaraan, hanggang ngayon.

Two weeks passed already, pero hindi pa rin sila nagbabago. No, many years already past. Six years, if I'm right. Pero ganyan na ganyan pa rin ang mga titig nila sa akin, as if I'm not their family.

I just sighed.

We are currently eating dinner. At pansin kong sa bawat subo ko sa pagkaing nasa harap ko, nakamasid lang sila sa akin.

Si tita Cora, tito Randy, at ang mga anak nila.

Napansin kong kumpleto ang mga kapatid ni papa ngayon. Tito Rey and Simon are here, pati na si tita Sally at Judith.

"Kababalik mo lang dito sa Philippines, diba Ellaine?" nadako ang atensiyon ko kay tita Judtih. She smiled, and its the first time I saw her smiling to me.

Tipid akong ngumiti, at napatango.

"She changed, Benjamin. And she's more better." dagdag naman ni tita Sally. Napatingin ako kay dad, and he seems happy. Kabaliktaran ng nararamdaman ko.

"Kailan ka naman babalik sa London?"

Nang narinig ko iyon ay napatingin ako kay Georgia, isa sa tatlong anak nina tita Cora, and month older than me.

Pansin kong napatingin din sila sa kanya, maliban lang sa mga magulang at kapatid niya.

Pamilya sila e.

Ngumiti ako, at tumingin sa kanya. "Wala pa akong balak na bumalik ng London. I want to stay here for now."

"I like your accent." rinig kong sabi ni tito Rey. I just smiled.

Plastic talks.

Nagpatuloy na lang ako sa pag kain. Maya maya pa ay natuon naman ang atensiyon ko sa wine na nasa wine glass ko.

1787 Chateau Lafite. My favorite.

"I know you like that wine, papa told me. Kaya nagpahanap kaagad ako." napatingin na lang ako kay papa.

He smiled, so am I.

"Your dad really missed you, sweetie."  mas lalo akong napangiti dahil sa binulong ni mama Desa sa akin.

Talagang na miss ako ni papa? Akala ko kasi, ni minsan hindi niya ako inalala, lalo na noong nasa London ako. But, I think I'm wrong.

My dad missed me, as how I missed him.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon