A/N

1.7K 45 35
                                    





Maraming salamat sa inyong pagsubaybay sa unang serye ng Ave Fenix, mga mambabasa! Dahil sa inyong suporta, patuloy na namamayagpag ang Ave Fenix sa iba't ibang categories. Hindi ko maaabot ang kapalaran ng story na 'to kung wala kayo.

Bagama't ito ang unang kwentong napublish ko, ito ang nagbigay-daan sa akin upang makilala ng lahat bilang Author. Dito ako nagsimulang maglaro sa sarili kong imahinasyon. Dito ako natuto sa mga pagkukulang ko at nagsimulang yumabong sa pagsusulat.

Pagkatapos ng dalawang buwan na hiatus, nagpasya akong baguhin ang pamagat ng serye. Ang Pecularia Series ay tatawagin nang Ave Fenix Series na siyang angkop sa istorya habang tinatapos ko ang ikalawang libro nito.

Muli kong ibubunyag ang mga detalye sa likod ng story na ito:

1. Unang-una sa lahat, ito ang pinakaunang napublish ko na story dito sa Wattpad. Kakasimula ko pa lang bilang Author kaya medyo hindi pa solid ang pagkakasalaysay ko.

2. Actually may napublish ako before which is a teenfic romance story not until I finished reading the first three books of The School for Good and Evil series by Soman Chainani. Kaya I decided to switch to Fantasy genre. (It's a good series. I highly recommend it.)

3. Nasulat ko na ang original plot way back in 2019, supposed to be 16 chapters. Sinimulan ko siya after reading my fave stories: Julian's Gift, Jian: The Book Bearer and Andress. Those stories inspired me to do a BL Fantasy story. (The first one is written by Absurd0018, while the latter two are works of Smiling_Ace. Check out their stories!) Actually, inspired si Ryubi kay Nelmi na alagang pusa ni Andress.

4. Originally, namatay si Jai. First three chapters na nasulat ko ay tungkol sana sa pagbabalik-alala ni Xandrus kung paano niya nakuha ang kapangyarihan niya ngunit nagsimula muli ako at ni-revise ko ang plot.

5. Lima (5) yung main characters until I finally decided na si Xandrus at si Jai ang protagonists, tapos side characters na sina Raphael, Ella, Leia, at Miya. Later on, ginawa ko ring antagonist si Miya.

6. 'Pecularia' is the first title of the series which originated from the word 'peculiar'. Basically, it's a place for 'peculiars'.

7. Both 17 sina Xandrus at Jai, the youngests sa barkada. Mas matanda lang ng 3 months si Jai kay Xandrus.

8. Sa dorm, kada palapag ay ibang year level. Sa unang palapag ay mga first year, sa ikalawang palapag ay mga second year, so on and so forth.

Sana nag-enjoy kayo sa paglalakbay ni Jai at Xandrus. Basahin nyo Book II para malaman nyo ang kasunod na nangyari nito.

Muli, maraming salamat!

- jekeiski -

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now