Kabanata 59

967 48 0
                                    

Jai's POV






Labis na sakit ang nararamdaman ko nang napakinggan ko kay Ama ang lahat na nangyari sa kanila ni Ina.

Nakita ko sa mga mata ni Ama ang labis rin na sakit sa pinagdaan nila.

Sana na lang hindi na niya ako pinaanod sa ilog nang sa gayon ay makasama ko sila ni Ina.




Muli kong niyakap si Ama.




Ang sakit-sakit pa lang malaman ang lahat. Sobrang sakit.




"Mahal na mahal kita, Ama," sambit ko habang niyayakap ko siya nang mahigpit.

"Mahal na mahal na mahal rin kita, Jai," sabi rin niya.

Di nagtagal ay may naramdaman akong pwersa na lumabas sa katawan ni Ama.

Nagbalik sa dating anyo si Guro Markus habang tuluyan nang humiwalay si Ama sa kanyang katawan.

"Masyadong nang lumalalim ang gabi. Kailangan na ninyong bumalik sa Hilagang Serentos upang makahanda kayo sa darating na digmaan.

Mag-iingat kayo," huling sabi ni Ama bago tuluyan nagbago ang kanyang anyo bilang isang ibon at naglaho na lang na parang bula.

"Alam ko na rin ang lahat, Jai. 'Di bale, ako na ang tatayong Ama mo, tutal magiging manugang na naman kita," nakangiting sabi ni Guro sa akin.

"Maraming salamat po talaga, Guro," sabi ko.



Agad na kaming bumalik sa palasyo ni Haring Harold matapos ang muling pagkikita namin ni Ama. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nadatnan ko naman si Xandrus na nakatulog sa kama.

Nagbihis muna ako saka tumabi sa kanya sa kama.

Magkaharap kaming nakahiga ni Xandrus kaya napatitig na lamang ako sa kanyang mukha.

Napakagwapo naman ng minamahal ko.



"Baka matunaw ako niyan sa kakatitig mo sa akin," biglang sabi niya saka dumilat.

Shemay, gising pa pala 'to.

"Psh, ewan ko sa'yo," sabi ko sabay irap sa kanya at tumalikod.

"Uy, uy, eto naman oh. Harap ka na, hahayaan na kita ulit titigan ako," pangangalabit pa niya sa akin.

"Uy, namamaga yung mga mata mo. Umiyak ka ba? Anong ginawa ni Dad sa'yo?"

Hinarap ko ulit siya.

"Nakausap ko kasi si Ama kanina."

Sinabi ko sa kanya ang lahat na nangyari kanina habang dinala ako ni Guro sa Isla Paradeis, kung gaano ito kaganda pati ang pagkikita namin ni Ama.

Sinabi ko rin sa kanya na ang pagkikita ni Guro Markus at ng mga magulang ko noon.

"Kung gano'n, itinadhana talaga tayo na magkasalubong yung mga landas natin. Napakaliit talaga ng mundo, no," sabi niya.

"Siguro nga."

"Handa ka na ba sa panibagong misyon natin?" tanong niya na itinutukoy yung pagbawi namin sa eskwelahan.

"Medyo."

"Bakit medyo lang? Dapat handang-handa ka na dahil matindi yung mga magiging kalaban natin, at mga kamag-anak mo pa."

"Eh kasi kinakabahan ako. Maraming buhay ang nakakasalalay rito, at hanggang sa makakaya, wala sanang malalagas ni kahit isa.

Lalo na't ako ang puno't dulo ng lahat na ito."

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now