Kabanata 61

1K 51 2
                                    

Xandrus' POV








Nagising ako na may malaking ngiti sa aking labi. Naging masaya kasi ang pagpapakilala ko kay Jai sa pamilya ko at ngayon ang legal na kaming magkasintahan.

Ang sarap ulit-ulitin na legal na kami ng katabi ko na mahimbing pa rin ang tulog.

Hindi ako makapaniwala na mahuhulog ang loob ko sa isang katulad ni Jai-- I mean, wala siyang katulad kaya nahulog ang loob ko sa kanya.

Si Jai na una kong nakilala sa eskwelahan.

Si Jai na naging kaibigan ko.

Si Jai na naging kabarkada ko.

Si Jai na mahal na mahal ko.

Siya ang tipong hindi ko pagsasawaan na mahalin. Siya lang ang tanging bumihag sa akin.

Siya lang.




Ngunit labis naman ang pangangamba ko dahil ngayon na araw na pinaghahandaan namin.

Pagkatapos ng aming munting salo-salo kagabi ay nagtipon-tipon muna kaming lahat sa palasyo sa huling pagkakataon. Nakahanda na ang lahat sa sisiklab na labanan.

Isa lang ang problema namin.

Hindi pa nakakabalik si Leia.

Nag-alala kami na baka hindi maayon ang lahat sa naging plano, kahit na humingi na rin si Haring Harold sa mga kakampi niya sa mga karatig-lupain kung sakaling ayaw nga ng mga taga-Faran na tulungan kami.


"May tiwala ako kay Leia. Darating siya, kasama ang mga taga-Faran. Tiwala lang," sabi ni Jai upang mapanatag ang loob ng lahat.

Kung noon ay lagi siyang pinanghihinaan ng loob, ngayon naman ay sinusubukan niyang pakalmahin ang lahat. Iyan ang Jai na nakilala ko.

"Wag tayong mawalan ng pag-asa," sabi rin ni Haring Harold.


Nagising na rin ang mga kasama ko ng madaling araw na naaayon sa plano namin. Pagsasamantalahin namin ang pagkakataon na binabalot pa ng kadiliman ngayon sa lupain ng Pecularia.

Kung gayon, hindi kami agad mapapansin ng mga kalaban.

Narito na kaming lahat sa malaking field at unti-unti nang pinadala ang mga kawal sa palibot ng eskwelahan sa tulong ni Dad na gumawa ng lagusan patungo roon.

Inaasahan na mangunguna si Leandro at Leonardo sa amin habang si Haring Harold ay maiiwan pa rin sa palasyo kasama ang mga natitirang kawal dahil babantayan rin niya ang kaharian na baka salakayin ng mga taga-Silangan.

Sasamahan naman ni Jai ang Hari sa palasyo pansamantala at kung matapos na dito ang kaguluhan ay susunod siya sa amin sa Pecularia.

Susunod na papasok sa lagusan ay si Dad, ang magkapatid na Llanzaderas at ako ngunit bago pa man ako makapasok ay niyakap muna ako ni Jai.

"Mag-iingat ka," sabi niya.

"Ikaw rin," sabi ko sabay halik sa kanyang noo bago ako tuluyang makapasok sa lagusan.




Bumungad sa akin ang madilim na kagubatan ng Pecularia. Kita ko rin kung paano na nagsipagkalat ang mga kawal na kasama namin.

"Alam niyo na ang mga gagawin niyo. Kami ng kapatid ko ang sasalakay sa mga nakabantay sa tarangkahan upang makapasok ang mga kawal. Tito, Xandrus, kayo ang hahanap sa mga bihag sa loob," mahinang sabi sa amin ni Leandro.

Tumango naman kami bilang tugon.

Ilang metro pa ang layo bago marating ang school pero natatanaw namin rito sa kinatatayuan namin ang mga nakabantay sa gate. Batay sa kanilang suot, masasabing galing sila sa Silangang Serentos.

Sumenyas na si Leandro na lumapit na sa gate ngunit sa hindi inaasahan ay may bumungad sa amin na dalawang nakabalabal na sumulpot mula sa itaas ng mga punong dinaanan namin.

Naging alerto na naman kami dahil baka mga kalaban sila na naglilibot dito sa gubat.

"Ibaba niyo na ang mga sandata niyo dahil napapaligiran na namin kayo!" sabi ni Leandro sa kanila.

Bigla namang umilaw ang mga kamay at naglabas ng orbs sa magkabilang kamay. Pamilyar naman sa akin yung ginagawa nila.

"Raphael? Rafaela?" tanong ko.

Napatingin naman sa amin ang isa saka binaba ang hood niya. Si Raphael nga. Binaba naman ang hood ng kanyang katabi at kinumpirma kong si Rafaela pala yun.

"Xandrus? Guro Markus? Kayo nga ba po 'yan?" tanong ni Rafaela.

"Oo kami nga," sagot ko.

"Nasaan si Jai?" tanong ni Raphael.

"Mahabang kwento," sagot ko.

"Sino naman kayo?" tanong ni Raphael sa mga kasama namin.

"Taga-Hilagang Serentos kami at naparito upang tulungan silang bawiin ang eskwelahan. Kung hindi ako nagkakamali, mga estudyante rin kayo doon," sabi ni Leo.





Dahil na nakasalubong namin ang kambal, nagbago ang plano namin.

Gagamit ang kambal ng sleeping spell para mapatumba nang tahimik ang mga nagbabantay sa gate, saka kami makakapasok sa school.

"Kailangan lang namin na makalapit sa gate. Masyadong malayo kung gagamitan namin sila ng majika," sabi ni Raphael.

"May paraan para makalapit tayo," sabi naman ni Rafaela.

Nagtipon kami ni Dad, ako, Leo, Leandro at ang kambal. Nag-cast ng isang spell ang dalawa at may lumabas na kulay asul na usok mula sa mga kamay ni Raphael at kulay pink naman galing kay Rafaela.

Kumalat ang usok at pumalibot sa amin saka may naramdaman akong kakaiba sa katawan namin.

Napapikit ako nang biglang sumabog ang usok at nang dumilat ako, nagulat ako dahil nasa harap ko ang mga kawal ng mga kalaban.

"Teka, teka, 'wag kayong mataranta. Nasa anyo lang kayo ng mga kawal ng mga kalaban. Kaso nga lang, hindi magtatagal ay babalik ang mga suot natin sa dati. Kaya lumapit na tayo agad sa tarangkahan," paliwanag ni Rafaela.

"Unti-unti na ring lumiliwanag ang paligid. Magmadali na tayo," sabi ni Leandro.

Lumapit na kami agad anim nang walang takot patungo sa gate kung saan may nagbabantay rin na katulad rin sa mga anyo namin.

Nang nakalapit na kami, nagsalita ang isa sa mga tagabantay. "Kamusta ang paglilibot--"

Naputol na ang kanyang sasabihin nang agad nagpakawala ng mga suntok at sipa ang mga Llanzaderas saka pinatulog ng kambal ang mga pinatumba. Gumawa naman ng portal ni Dad patungo sa isang malayong lugar at doon ipinasok ang mga guwardiya upang di na sila makabalik pa.

Nakapasok na kami ng tahimik sa gate saka sumunod ang mga kawal na kasama namin.

Sana mabawi na namin ang eskwelahan mula sa mga kamay ng mga kalaban at mahanap ang mga estudyante't guro na binihag nila.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now