Kabanata VI

4K 179 11
                                    

Jai

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong maisara ang pinto. Napalakas nga lang. Sana hindi sila nabulabog. Eto kasing bagong lipat, nakakaasar na. Kanina pa ko gustong manapak, pero bawal dito sa eskwelahan ang anumang karahasan. 'Pag nagkataon, 'di na talaga nila ako kukupkupin dito. Baka madismaya pa sila akin.

Ngayon pa lang kasi ako nabigyan ng pagkakataon ng mag-aral dito, kahit na ilang taon na akong naninirahan dito. Espesyal kase itong eskwelahan na ito, at eksklusibo lamang sa mga may kapangyarihan. 'Yon nga lang, wala akong anumang kapangyarihan, pero nagdesisyon si Master Yves na mag-aral na lang, kaysa manilbihan ako dito.

Nandito ako nakaupo sa aking kama. Pinagmamasdan ko ang aking kwintas na suot-suot ko na mula noong natagpuan ako sa labas nitong eskwelahan. Isinilang akong hindi kilala ang sariling mga magulang, at tanging itong kwintas lang ang suot ko na may pulang dyamante at nakaukit na buong pangalan ko.

Jairovski Oclamidos

Sabi ng mga taga-rito, wala silang kilalang angkan ng Oclamidos na naninirahan dito sa Pecularia kahit na sa ibang bayan. Ang nakadampot naman sa akin ay isa sa mga tauhan ni Master Yves dito. Mabuti na nga lang daw ay dito sa bayan ng Pecularia ako iniwan ng mga magulang ko, dahil isa ito sa mga protektadong lugar sa buong Titania.

Isang palaisipan pa rin sa akin itong diyamante sa kwintas ko. Pula ito at may parang umiikot na likido sa loob. Minsan ko na rin naisip na baka ito tutulong sa akin na magkaroon ng kapangyarihan pero kahit anong subok ko ay walang nangyayari.

Kahit na ulila ako ay hindi iyon pinaparamdam ng mga kaibigan ko. Nagsimula iyon nang matagpuan akong mag-isa ni Leia sa hardin. Siya talaga ang nakipagkaibigan sa akin kahit na hindi pa ako opisyal na estudyante dito. Sabi niya raw kasi, wala siyang naging kaibigan, kahit na maayos ang pakikitungo niya sa iba. Napag-alaman ko ring lumilipad siya at iyon ang kapangyarihan niya.

Pagkatapos noon, lumapit sa akin ang isa sa salamangkang kambal, si Raphael. Noong una, nakakapagtataka kasi na nakipagkaibigan ito sa akin at duda kong meron itong iba pang intensyon. Balita ko kasing maraming nahuhumaling sa kanyang kakisigan at katalinuhan dito kaya nakapagtataka na lumapit sa akin ang kagaya niya.

'Di nagtagal ay napag-alaman kong may gusto pala ito kay Leia at hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Leia ito. Gusto niya kasing makilala ito at ang kapal ng mukhang gamitin niya ako. Ipinakilala rin niya ang kanyang kakambal na si Rafaela.

Ito naman si Rafaela ay sobrang bait sa akin, 'di tulad ng kanyang kakambal na mapang-asar minsan. Kalaunan ay ipinakilala naman niya si Jasmiya na pinakamalapit niyang kaibigan. At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Lahat sila, alam na ang buhay ko at pati na rin ang kawalan ko ng kapangyarihan.

Ramdam kong nanglalagkit ako kaya naligo ako tapos nagbihis pantulog. Humiga ako kaagad sa kama ko at pinilit ko ang sarili na makatulog ngunit bigo ako.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina na labis kong ikinainis. Bagong lipat, pero nanggugulo na ng araw ng iba. Tsk. Hinila lang naman niya ang cloak ko kanina kaya ako nawalan ng balanse. Mabuti't nasalo niya ako, kung hindi siguradong bukol ang maabutan ko. 'Yon nga lang, ang lapit ng mga mukha namin, tapos tinitigan pa ako na parang bang tutunawin ako nang buhay! Sino bang hindi mamula sa ganoong sitwasyon? Pepektusan ko.

Ugh, ano ba 'tong iniisip ko? Tsk, may araw ka rin sa akin, Alexandrus! Isinusumpa ko!

At ako'y pumikit na at natulog.

Nandito ako sa isang madilim na silid, nakatayo sa ilalim ng puting ilaw. Wala akong makitang anumang bagay sa paligid. "May tao po ba rito?" aking tanong sa kawalan.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now