Kabanata 24

1.3K 80 0
                                    

Jai's POV


"Meoww!"

Nagising ako sa ingay ng pusa ko na nakapatong sa akin.

"Meow!"

"Magandang araw din!" bati ko kay Ryubi.

Totoo nga ang lahat na ng nangyari kagabi.

Umalis si Ryubi sa harap ko at nagtungo sa kusina nang siyang sinundan ko. Biyernes na pala ngayon.

Medyo napaaga ang paggising ko nang nalaman kong alas 5 y media pa ng umaga. Nagtimpla na lang ako ng gatas para magising ang diwa ko.

Si Ryubi naman ay nasa may bintana at nakadungaw sa labas ng bintana.

Maglilinis na lang muna ako sa silid ko. Medyo matatagal na rin no'ng huling walis ko rito, kaya kinuha ko muna 'yong walis ko at nagsimulang maglinis.

Habang naglilinis ay may nakita akong litrato sa ilalim ng hanayan ng libro. Nasa litrato iyon kaming magkakaibigan.

Si Leia Alantas.
Ang magkambal na sina Raphael at Rafaela Salvacion.
Si Priyala Jasmiya Meradeis.
At ako, Jairovski Oclamidos.

Masayang nag-aakbayan habang kinukuhanan ng litrato. Isang taon na 'tong nakalipas, bago kami naging ganap na mga estudyante rito.

Puro laro, tawanan, at harutan lang ang natatangi kong naalala sa mga panahong iyon. Yung wala pang humahadlang sa pagkakaibigan namin.

Ngayon, ang tanging humahadlang sa amin ay ang pagdududa.

Si Xandrus.

No'ng dumating siya sa buhay namin, akala ko walang magbabago at madadagdagan ang aming masasayang alaala pero akala ko lang.

"Meow," hiyaw ni Ryubi na nasa tabi ko na pala at nakatingin sa litrato.

Kahit papaano, napapawi ang kalungkutan ko dahil sa munting pusa na ito.

Ibinalik ko ang litrato sa hanayan at inipit sa isa sa mga libro, tsaka bumalik sa paglilinis.

Pagkatapos kong maglinis ay naligo na ako at nagbihis. Naghain rin ako ng pagkain para kay Ryubi dahil tanghali pa ako makakabalik rito. At habang hinahanda ko ang mga gamit ko sa mochila ko, may biglang kumatok sa pintuan.

"Meow!" hinaplos ko muna ang ulo niya bago nagtungo sa pintuan.

"Magpakabait ka, Ryubi!" sabi ko sa kanya.

"Meow!"

Nang binuksan ko ang pinto ay nagulat ako. Si Kaiser, nag-aantay sa akin.

"Magandang umaga, Jai!" bati niya sa akin.

"Magandang umaga rin, Kaiser."

"Pwede bang sumabay sa'yo papuntang sa Agahan?" tanong niya.

Naku, paano ko ba ito sasabihin sa mga kaibigan k--

"Pasensya ka na, pre, sa amin siya sasabay," sabi ni Raphael nang marahan niyang tinapik si Kaiser mula sa likuran.

Nakita ko rin silang Leia at Rafaela na bininigyan ako ng mga kakaibang tingin. Yun bang nakakaasar na tingin.

"Ah kayo pala ang mga kaibigan niya! Magandang umaga, ako pala si Kaiser," bati niya sa tatlo.

"Oo, kilala ka na namin. Ikaw kasi ang natitipuhan ng Jai namin," sabi ni Raphael na labis kong ikinagulat.

Napasinghap naman ang dalawang dalagita.

WALANG HIYA!!! SINABI NIYA TALAGA SA HARAP NI KAISER!!! AHHHHHHHH!!! NAKAKAHIYA!!!

Dahil sa kahihiyan ko, hinablot ko ang kamay ni Raphael upang umalis na doon. KUNG PWEDE LANG SANA AKO KAININ NG KINATATAYUAN NAMING SAHIG NGAYON.

"Hehe, salamat nga pala sa pagdaan nito. Sa susunod na lang tayo sasabay dahil nagugutom na 'tong mga kaibigan ko. Mauna na kami hehe," sabi ko habang umaalis na roon.

Dali-dali kaming bumaba sa hagdanan kahit muntikan na akong natatapilok. Ang aga-aga naman nitong pangyayari!

Paglabas namin ng dormitoryo ay napatigil na ako sa paglakad at humarap sa kumag na kinakaladkad ko. Pinaghahampas ko siya ng kamay ko ng ilang beses bago magsalita.

"Hoy! Walang hiya ka! Ba't mo yun sinabi?!" singhal ko kasi.

"Bakit? Totoo naman 'di ba?" sabi pa niya.

"GRRRRRRR ang aga-aga naman oh! Iniinis mo na 'ko!" dagdag ko.

"Psh, pakipot ka pa."

Ang dalawa naman ay naghahagikhik sa likuran.

"Oy, kayo! Pati pa kayo, kinukonsente na 'tong kumag na 'to?!" sabi ko sa kanila.

"Malay ba namin kung sasabihin niya pala sa harap pa ng Kaiser mo! Yieeee kiligin ka na po!" pang-aasar pa ni Leia.

"Naku, ewan ko sa inyo!" sabi ko at dali-daling nagtungo sa Agahan. Shemay naman oh! Sa sinabi ni Raphael kay Kaiser, parang wala na akong mahaharap na mga tao! Kainis!

Pagdating ko doon ay nakita ko agad ang naglalandian sa pwesto namin. Ang aga-aga ha! Nagsusubuan pa ng ubas na inihain sa mesa.

Pumunta na agad ako sa pwesto ko at umupo. Hindi pa ako magawang batiin ng dalawa dahil abala pa sa paglalandi, kaya marahan akong umubo.

"Magandang umaga," bati ko sa kanila.

"Magandang umaga rin," sabi ni Jasmiya.

Habang nag-aantay ako ay napansin akong may marka sa kamay ni Miya. Pamilyar sa akin ang markang iyon.

Itim na bituin.

"Uy, Miya, ano 'yang na kamay mo?" sabi ko na ikinagulat niya. Bigla niyang tinago ang mga kamay niya.

"Ah wala 'to, an-no lang, ah naglalaro ng tinta sa kamay kanina hehe," sabi ni Miya.

Dumating na rin ang ibang mga estudyante, kasama ang mga magaling kong kaibigan at nagsipagkainan na rin. Nanatili akong tahimik dahil sa oras na umiimik ako, wala silang ibang gawin kung hindi asarin ako.

"Kaiser! Yiee, Kaiser!" bulong ni Leia sa akin sabay siko sa tagiliran ko.

Sinubukan kong dedmahin ang pangungulit niya nang may kumalabit sa likuran ko.

"Ano ba--"

"Ah, Jai..."

Lumingon ako sa kung sinong kumakalabit sa akin at napagtanto ko na si Kaiser iyon.

"Jai, gusto lang kasi kitang kausapin pagkatapos ng Agahan. Pwede ba?" tanong niya sa akin.

Nakatingin naman ang mga estudyante sa akin, lalo na ang mga kaibigan ko.

Isang tango lang ang sinagot ko.

Yung mga kaibigan ko naman ay nagsipagtilian habang yung ibang mga estudyante naman ay nagsisipagtsismisan na.

Pagkatapos ng Agahan ay lumabas na ako ng Silid-Kainan. At sa inaasahan nga naman ay nag-aantay sa akin si Kaiser.

Naalaala ko naman ang nangyari kanina sa dormitoryo kaya nag-iinit ang mga pisngi ko. Nakayuko akong lumapit sa kanya dahil sa kahihiyang nararamdaman ko.

"Ano pala yung pag-uusapan natin?" sabi ko nang bahagyang nakayuko.

"Oy, 'wag ka nang mahiya jan," sabi niya sabay hawak ng baba ko at pinaangat.

"Alam ko naman 'yon dati pa," dagdag niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, noon pa pala kumalat 'tong tsismis na 'to.

"Alam mo na pala. Bakit hindi mo pa ako nilayuan? Bakit hindi ka nandir--"

"Kaibigan naman kita, 'di ba? Kaya walang rason na lalayuan kita," sabi niya na ikinangiti ko.

Noon ko pa 'to kilala si Kaiser at naging kaibigan lang mula kahapon, pero parang nahuhulog na ata ang loob ko sa kanya. Hindi ko inaasahan ang kabaitang ipapakita niya sa akin.

"Salamat, Kaiser," tanging nasabi ko.

"Sya nga pala, tutal magkatabi naman ang mga Hilaga at Silangan sa arena, pwede bang makatabi kita mamaya sa Duelo?"

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now