Kabanata 60

992 48 0
                                    

Xandrus' POV





Muntikan na kaming mabingi nila Dad sa biglaang pagsigaw ni Jai. Nagsasanay kasi sila ni Haring Harold kung paano niya kontrolin ang kanyang kapangyarihan. Sabi ng Hari sa amin, taglay daw niya ang kapangyarihan ng isang Ave Fénix.

Parang lang siyang Jean Grey.

Pinagpatuloy ulit namin ang pagsasanay nang napahinto naman si Leonardo. "Tinignan niyo si Jai!"

Lumingon ulit ako sa pwesto nila ni Jai at doon nakita ko na umaapoy ang mga kamay niya at nagtapon pa ng fireball na bumagsak sa damuhan.

Parang siyang real-life Heatblast.


"Natuklasan na niya talaga ang tunay niyang kapangyarihan," sabi ni Dad.

Yung pagkapaso ko sa kamay niya sa Libraria.

Yung hindi siya giniginaw sa gitna ng paglalakbay namin sa Apache.

Yung pagdaing ng malaking ahas na muntik nang pumatay sa akin.

Lahat na iyon ay dahil sa kapangyarihan ni Jai.

"Ano na namang ginagawa niya?" tanong ulit ni Leonardo.

Tinignan namin si Jai na parang tumatalon na nakapikit. Di natagalan ay nakita namin na nawalan siya ng balanse at napaluhod kaya tumakbo na ako palapit sa kanya.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Jai na nadatnan kong nakahawak sa kanyang sentido.

"Nahihilo lang ako pero ayos pa naman ak--"

"Nahihilo ka kaya hindi ka maayos. Kamahalan, maaari po bang ihinto muna ang pagsasanay at ipagpatuloy na lang mamaya?"

"Sige. Ihatid mo na lang siya sa kanyang silid. Mukhang nahilo ata siya dahil sa paggamit ng kanyang kapangyarihan," sabi ng Hari kaya agad ko siyang binitbit ko na parang sanggol.

"Oy kaya ko namang maglakad! Kaya ibaba mo 'ko," sabi niya nang nakalayo na kami at papasok na sa palasyo.

"Ayoko hangga't hindi pa tayo nakakarating sa silid."

"Gusto mo bang gamitin ko sa'yo yung kapangyarihan ko?" pagbabanta pa niya.

"Gamitin mo, pero hindi pa rin kita ibaba."

Naglabas siya ng apoy sa kanyang kamay ngunit hindi ako nagpatinag. Diretso lang ang lakad ko papunta sa silid namin.

"Ah ayaw mo pala?" sabi niya at itinapat ang kanyang kamay na may apoy sa aking dibdib ngunit wala akong naramdaman.

"Laah, bakit nawala?" taka niyang sabi na tinawanan ko lang.

"Yun na yun?" sabi ko.

Naglabas ulit siya ng apoy sa kanyang kamay ngunit gano'n pa rin ang nangyari. Hindi tumalab sa akin ang apoy niya sa kin.

"Hayst, ba't gano'n?!" inis niyang sabi na tinawanan ko lang ulit.

Nakarating kami sa silid at ibinaba ko siya sa kama. Agad naman siyang umupo at napamewang habang madiin akong tinitignan.

"Anong meron sa'yo? Ba't ayaw tumalab ang kapangyarihan ko sa'yo?" sabi niya.

"Secret," tanging sabi ko.

"Psh, ewan ko sa'yo."

Tumabi naman ako sa kanya. "Ba't ka pala nahilo? Dahil ba 'yan sa kakatalon mo?"

"Hindi no. Sinusubukan ko kasing lumipad."

Natawa lang ako sa sinabi niya. Akalain mo, sinusubukan niya palang lumipad.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now