Kabanata 12

2.3K 122 4
                                    

Xandrus' POV


Nagising na ako bandang alas syete ng umaga, pero nakahiga pa rin ako sa kama ko. Sabado na ngayon kaya pagpapahinga na lang ang magagawa ko hanggang bukas. Ano naman kaya ang gagawin ko rito? Ayoko namang magmukmok dito sa kwarto.

Miss ko na magDOTA, kaso wala namang mga computer rito.

Miss ko na ring magbasketball sa bakuran namin, kaso iba rin yung mga laro nila rito.

Siguro, magbabasa na lang ako ng libro.

Bumangon na ako at inayos ang higaan, tsaka pumunta sa maliit na bookshelf sa sala para maghanap na mababasa ko.

Takte, ba't may mga libro ng algebra rito? Baka si Dad naglagay nito.

Speaking of Dad, puntahan ko nga siya doon sa office niya.

Pagkatapos kong maglinis sa silid ko ay pumunta na ako sa banyo para maligo. Nagsuot na lang ako ng puting long sleeves at pants tsaka sneakers. Humarap muna ako sa salamin para Inayos ko muna ang mukha at buhok ko tsaka ako umalis. Pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong isang box, kaparehas nung nakuha ko nung nakaraang araw. Kinuha ko ang box tsaka bumalik sa sala para buksan 'to. Pagbukas ko ay may biscuits na may heart sa gitna. Sino kaya nagbigay nito?

**

Papunta kami ngayon sa agahan.

"Salamat pala sa binigay mong kahon kahapon," sabi ko kay Jai.

Napahinto ako, gayon rin siya, bago siya humarap sa akin. "Kahon?"

"Yung kahon na naglalaman ng biskwit..."

"At sa tingin mo, ako ang nagbigay no'n?" sabi niya na nagpagulat sa akin.

**

Akala ko talaga si Jai yung nagbigay no'n sa'kin, pero hindi pala.

Hindi ko man kilala kung sino ang nagbibigay sa'kin nito, kakainin ko pa rin 'to.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong lumabas sa room ko.

Wala masyadong mga estudyante ang mga hallway ngayon. Kaya sigurado akong mahimbing ang mga tulog ngayon ng mga kaibigan ko.

Paglabas ko sa dorm namin ay nagtungo ako sa building kung saan makikita ang mga office. Ilang mga office ang nadaan ko bago ko nakita ang office ni Dad pero close ito.

"Wala dyan ang ama mo, hijo."

Paglingon ko ay nakita ko si Guro Hestia na kakalabas lang din ng kanyang office.

"Gano'n po ba, Guro? Eh, ano po sabi niya?"

"Pinuntahan lang niya yung ina mo ngayon. Siguro sa Lunes pa iyon uuwi."

Pinuntahan niya lang pala si Mom ngayon. Sana sinama niya na lang ako.

"Sige po, maraming salamat Guro Hestia," pagpapaalam ko kay Guro.

Isang ngiti niya lang ang kanyang binitawan tsaka ako lumisan sa building na 'yon.

Siguro pupunta na lang ako sa library. Sa pagkakaalam ko, nasa kabilang dako ito ng skwelahan. Naglakad ako patungo roon. Nadaan ko ang dorm namin, arena, field hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng isang malaking building na parang isang castle. Isang signage naman ang nasa ibabaw ng pintuan na nakalagay ay "Libraria". Paglapit ko ay may tumunog at umilaw malapit sa pintuan. "Ipakita ang medalya."

Medalya? Ahhh! Pucha, nakalimutan ko nga palang kailangan ng medalya kapag pumasok rito! Pucha naman oh! Babalik pa ako sa room ko para kunin 'yon!

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now