Kabanata 13

2.1K 121 0
                                    

Jai's POV


Puno na ng pagtataka ang aking isipan dahil sa nangyari. Ang aking paningin ay palipat-lipat mula sa aking kamay patungo kay Alexandrus.

Jedrick Alexandrus Pascua, may kapangyarihan ka ba talaga?

Nang mahawakan niya ang aking kamay ay biglang nag-init ang katawan ko. Akala ko kung anong reaksyon iyon pero hindi. Literal na nag-init ako, at isa pa, napaso pa sa kamay na ngayo'y namumula na parang bang nakahawak ako ng mainit na takure.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit binabalot pa rin ng katahimikan ang Libraria dahil sa nangyari. Sinusubukan kong magsalita pero hindi ko magawa, at alam kong gayundin si Alexandrus na nakatitig lang sa akin ang kanyang kamay.

Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit agad akong napaatras ng isang hakbang mula sa kinatatayuan ko.

Kailangan ko na yata siyang tanungin kung sino ba talaga siya.

"Sino ka ba talaga, Alexandrus? Ba't naparito ka sa Pecularia?"

Iyon na lamang ang mga salitang lumabas sa aking bibig.

Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib ng bigla niyang itinaas ang kanyang kamay...










... at kinalmot ang batok niya.

"May malapit bang mesa rito?" tanong niya habang nakangisi. Shemay, nahawa na yata siya sa kalokohan ni Raphael. Grabe, akala ko maglalabas siya ng kanyang kapangyarihan, pero malay ko ba kung mayroon nga ba talaga siya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Nang makahanap kami ng mesa, agad ko siyang tinanong.

"Anong ginagawa mo rito sa Pecularia?"

"Takte, pwede bang chill ka lang muna? Tsaka wala naman akong ginagawang masama na parang bang mortal na kalaban niyo ako!"

"Teka, anong sabi mo, chill? Ano yan? Siguro galing yan sa ipinagbabawal ng mga mahikang pangberbal na libro no?"

"Anong pinagsasabi mo? Kaya nga tayo andito sa mesang ito para ipaintindi ko sa'yo kung bakit ako narito, di ba?"

Tumango na lamang ako bilang sagot. Inayos ko ang aking pagkakaupo.

"Do I really have to explain this?"

Napakunot na lang ang aking noo sa kanyang sinabing mga salita. Isa iyong banyagang lingwahe na hindi ko naiintindihan.

"Ah sensya. Eto na nga.

Andito ako para masagot ang mga katunangang noon pa ako binabagabag."

Sa pagkakataong iyon, nagiging seryoso na ang tono ng kanyang boses.

"Naaksidente ang nakakatandang kapatid kong babae ilang taon na ang nakakalipas. Ayon sa imbestigasyong isinagawa, nawalan daw ng preno ang kanyang sinasakyang kotse tsaka ito bumangga sa isang puno, at doon na sumabog ang kotse niya. Hindi na siya nakaabot ng buhay sa ospital..."

Sa mga narinig ko, parang naawa ako ng sandali kay Alexandrus. Ang hirap kaya na mawalan ng mahal sa buhay. Kitang-kita ko rin ang kalungkutan at pananabik sa kanyang mga mata, sapagkat nagbabadyang bumagsak ang kanyang mga luha.

"Ayon sa narinig ko kay Dad noon, hindi talaga aksidente ang nangyari."



"Kundi, inatake siya ng isang nilalang na hindi galing sa aming mundo."



"Mundo ninyo? Anong ibig mong sabihin?" tanging tanong ko dahil nalilito na ako sa kanya.

"Galing kami sa mortal na mundo, Jai. Siguro, si Dad na ang bahalang magpaliwanag nito sa inyo pero kailangan na kasing manatili muna ako rito, dahil noong nakaraang araw, inatake ako ng isang taga-Agresa sa mundo namin."

Teka, teka, sandali.

Ayon sa mga mahiwagang aklat rito, ang mortal na mundo ng mga tao ay nanatiling isang misteryo na lamang dahil ni isang walang sinumang ang nakakapagpatunay na mayroon talagang ganitong mundo bukod sa Titania.

Ang ibig sabihin nito, ang nasa harapan ko ay isang tao mula sa kabilang mundo?!

At...

Inatake siya ng isang taga-Agresa? Sa pagkakaalam ko, sila yung mga may kakayahang patigasin ang mga tao hanggang mamatay sa pamamagitan lang ang mga nanlilisik na tingin nila. Talagang napadelikado talaga kung makasalubong ka ng isa sa kanila. Bukod pa roon, paano sila nakatawid patungo sa kabilang mundo? Napaka-imposible naman nun!

"Mabuti't pinagaling ako ni Dad nung bumagsak na ako. Bukod pa roon, binisita ako ng kapatid ko sa isang panaginip at ang sabi niya, nandito raw ang sagot sa mga katanungan ko. Kaya ako naparito."

Yun pala ung rason kung bakit ang nandito siya rito, pero may isa pa akong tanong. Ba't nakapasok siya rito kung ang sabi ng mga mahiwagang aklat ay hindi nakakatagal ang ibang mga nilalang mula sa ibang mundo rito sa Titania dahil sa mahiwaga nitong harang? Hindi kaya may dugong Titania siya mula sa mga magulang niya? Pero ba't si Guro Markus lang ang nakikita ko rito sa eskwelehan, hindi yung asawa niya na nanay ni Alexandrus? Di kaya...

"Ano yung tinitingin mo jan?" tanong niya na nagpanumbalik sa aking malay.

"Ha? Ano--yung ano mo, nanay mo asan?"

"Nasa labas siya ngayon ng Titania dahil hindi siya maaaring tumagal sa mundong ito. Wala siyang dugong Titania kaya si Dad lang andito sa eskwelehan bukod sa akin. Nakahanap naman daw sila ng ligtas na lugar para hindi na sila gambalain pa ng ibang mga nilalang pero hindi pa rin mawala sa akin yung pag-aalal, lalo na't may nakakalabas na mula rito sa Titania."

Ang hirap isiksik sa utak ko ang lahat na narinig ko mula sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Nalutas na ang misteryo na inilathala sa mga aklat. Ipapaalam ko 'to sa kanil----

"Jai, sana manatili na lang itong isang sikreto. Wala pang nakakaalam na nanggaling ako sa mortal na mundo bukod sa'yo at sa ibang tagapamahala ng eskwelahang ito. Kapag nagkataon, baka may mangyari sa amin."

Aakma na sana niyang hawakan ang kamay ko nang bigla kong naalala ang nangyari kanina sa amin kaya nilayo ko 'to mula sa kanya.

"Bakit nga pala napaso ako kanina? May kapangyarihan ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at tangi niyang sagot ay iling.

"Wala talaga?"

"Wala nga eh. Baka ikaw!"

"Wala rin ako eh!"

"Hindi kaya..."

Nakita ko siyang ngumisi at alam kong iba ang iniisip nito.

"Ano?"

"Hindi kaya kinilig ka tas uminit ka kaya napaso tayo?"

Sa sinabi niyang iyon, napatawa na lamang siya.

Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko sa sinabi lalo na't naman itong katotohanan. Kanina lamang ang seryoso niya tapos ngayon nagbibiro na. Ako? Kinilig? Ew. Pumuti man ang mga uwak, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya.

"Asumero ka rin no? Woo, ang lamig! Anlakas ng simoy ng hangin mo! Woo!"

Hindi naman nakasagot si Alexandrus sa sinabi ko at nakatitig lang ito sa nakasabit sa leeg ko. Tinignan ko ang aking kwintas at parang wala lang naman ito.





"Jai, umilaw yung kwintas mo."

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now