Kabanata 43

1K 65 0
                                    

Jai's POV

Inaamin ko.



Inaamin kong inakala ko talaga na mamamatay na ako no'ng nadulas ako sa batuhan at napunta sa malalim na parte ng talon. Buti na lang niligtas ako ni Xandrus.

Inaamin ko rin na may namumuo na rin akong nararamdaman para kay Xandrus. No'ng nagising ako mula sa pagkakalunod, mukha niya ang unang sumalubong sa akin.

Iba yung reaksyon niya no'ng nakita niya ang akong nagising. Parang siyang nabuhayan rin. At no'ng niyakap niya ako, parang lumakas yung tibok ng puso ko. Ayokong mararamdaman niya yun kaya pinitik ko na lang ang tainga niya para kumalas kami sa yakap.

Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok ang isip ko no'ng hinalikan ko siya sa pisngi. Nagtatampo eh, siya pa naman ang nagligtas sa akin.

Nag-anyos na kami ng gamit bago kami magpatuloy sa misyon namin. Nasa gitna rin ng katahimikan ni Xandrus. Panay-iwas ko naman sa kanya.

EH KASI KUMAKABOG NANG MALAKAS YUNG PUSO KO 'PAG LUMALAPIT AKO SA KANYA. SHEMAY.

Napansin kong nawawala ang kwintas ko. Hinanap ko sa mga bulsa ko pero wala. Huli kong nakita no'ng nasa talon kami.

Shemay, baka nawala 'yun sa ilalim ng talon.

"Xandrus, babalik ako sa talon. May hahanapin lang ako," sabi ko sa kanya saka nagtungo sa talon.

Pagdating ko ay agad kong hinanap sa tabi ng lawa ang kwintas ko. Ayokong lumangoy ulit sa lawa. Malakas naman ang kutob ko na andito lang yun sa lupa.

Nagtungo ako sa huling tagpuan namin ni Xandrus no'ng niligtas niya ako at doon nakita ko agad ang kwintas ko na kumikislap pa.

Susuotin ko sana ang kwintas ko nang may narinig akong umahon sa lawa.



Nanlaki ang mga mata ko nang may lumabas na isang malaking ahas mula sa lawa at nakatingin ito sa akin. Nakatayo ito at lagpas sa talon ang taas nito.



"Jai, nakita mo na ba-- sh*t! Takbo, Jai!" sigaw bigla na Xandrus na kakarating lang. Agad naman akong napatakbo nang susunggaban sana ako ng ahas.

SHEMAY! BUTI HINDI KAMI INATAKE NG AHAS NA YUN HABANG NALILIGO KAMI!

"HISSSSSSSSS"

Tumakbo kami palayo ni Xandrus sa talon at bumalik sa tinulugan namin saka agad na kinuha ang mga gamit.

"Sh*t sinundan tayo ng ahas!" sabi ni Xandrus na ikinalingon namin sa likuran namin.

Shemay! Sinundan nga kami ng ahas! AT NAMUMULA PA ANG MGA MATA NITO HABANG GUMAGAPANG PALAPIT SA AMIN!

"TARA NA XANDRUS!"

Tumakbo kami ulit palayo sa ahas!

"JAI TUMAWID NA TAYO SA APACHE!" sigaw ni Xandrus.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumakbo sa hangganan ng Tareen ngunit tumalbog lang siya pabalik at natumba sa harap ko.

"Argh!"

"Xandrus! Tayo ka 'jan! Anjan na ang ahas!" sabi ko sa kanya at inaalayan siyang tumayo.

Nagulat ako nang may pumulupot sa akin na makaliskis na bagay. Shemay, nahuli ako ng ahas!

"Xandrus!" tawag ko kay Xandrus na nagulat rin sa pagdating sa ahas.

SHEMAY ANG HIGPIT NG PAGKAKALUPOT NG BUNTOT NG AHAS SA AKIN! HINDI AKO MAKAWALA!

Tinutok naman ako ng ahas sa bibig niya. Waaaaaah! Ang tutulis ng mga pangil niya! Tsaka ang haba ng dila niya!

Naku, kung alam lang ng ahas nito, hindi siya mabubusog sa akin!

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now