Kabanata 38

1.2K 62 0
                                    

Xandrus' POV


"Salamat naman. Napadali lang ang trabaho natin dahil nagpakita agad itong dalawa," sabi ng isang alagad na nasa gitna. Mukhang ito yung leader ng grupong ito.

"Balita ko, pareho silang walang kapangyarihan kaya madali lang 'to," sabi ng  katabi ng leader sa kanan.

"Wag na tayong magsayang ng oras pa, hulihin na natin!" sabi naman ng isa na siyang inunahan ang dalawa sa paglapit namin.

Nasa likod ko lang si Jai at handa kong saluin ang atake ng isang ito. Lumundag siya patungo sa amin. Nakita kong bumuwelo siya para tamaan niya ako ng kanyang kamao.

"Eto para sa'yo!" sabi niya ngunit nagulat kami sa sumunod na nangyari.

"Anong nangyayari?!" sabi ng susuntok na sana sa akin ngunit ngayon ay bigla siyang lumutang sa ere at pilit na kumakawala sa pwersang nakapalibot sa kanya.

Nilingon ko naman kung saan nanggaling ang pwersang iyon at nakita ko si Rafaela na nakataas ang pareho niyang kamay. Naglabas ito ng kulay pink na force sa kanyang mga palad.

"Jai! Xandrus! Umalis na kayo rito! Ako na ang bahala sa tatlong ito!" sigaw ni Rafaela sa amin.

"Putang*na ka! Ikaw pala ang may kagawa nito sa kanya! Bon, ikaw na bahala sa dalawa iyan!" sabi ng leader sa nagngangalang Bon sabay turo sa amin ni Jai.

Humakbang palapit sa amin yung Bon habang nagtungo yung leader nila kay Rafaela ngunit lumutang rin sila sa ere kagaya ng kasama nila.

Nagulat na lang ako nang may lumabas na light beam mula sa dalawang mata niya at tumawa sa amin ni Jai.

Mas lalo akong nagulat nang may narinig akong boses sa isip ko na mukhang kay Rafaela.

"Xandrus, Jai, ako na bahala rito sa kanila. Kung tatagal pa kayo rito, mas lalong malalagay kayo sa kapamahakan. Mas mabuting lumabas kayo ng Pecularia at maghanap ng mga angkan sa ibang lupain at humingi ng tulong. Yan lang ang natatanging magagawa natin dahil unti-unti na tayong nilulusob.

Wala nga kayong kakayahang lumaban sa kanila, ngunit gamitin niyo ang mga talino nyo upang kumbinsihin ang malalapitan niyong angkan! Pakiusap sundin nyo ang sinabi ko! Magtiwala kayo sa akin! Dali!" sabi ni Rafaela sa aking isip.

Nagkatinginan kami ni Jai na mukhang nakuha rin niya ang mensahe ni Rafaela. Tumingin kami kay Rafaela at tumango bilang sagot.

May tiwala ako kay Rafaela.

Hinawakan ko ang kamay ni Jai bago kami tumakbo paalis doon. Panay iwas kami sa nasasalubongan naming mga puno habang tumaktakbo.

Kailangan naming makahingi ng tulong mula sa ibang angkan sa ibang lupain. Sa pagkakaalam ko patungo kami ngayon sa hilaga ng Pecularia, ang lupain ng Dezpaza.

Walang tigil kaming tumatakbo hanggang napahinto kami. Nakita namin kung itsura ng force field na pumuprotekta sa lupain namg Pecularia.

Butas-butas.

"Nilusob na talaga tayo," sabi ni Jai.

Napansin kong lumulubog na ang araw at nagiging madilim na paligid, lalo na ang lugar sa labas ng force field.

"Yan na ba ang lupain ng Dezpaza?" tanong ko.

"Hindi ako sigurado dahil pa ako lumalagpas sa Pecularia," seryosong sagot ni Jai.

"Malalaman rin natin kung anong lupain yan 'pag lumagpas na tayo," dagdag niya.

Dahan-dahan kaming naglakad at nagtungo sa isang butas ng force field. Napabuntong-hininga muna kami bago tuluyang makalabas ng force field.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revisingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن