Kabanata 33

1.2K 79 0
                                    

Jai' POV






"Magandang umaga sa inyong lahat... mga magagaling kong mga kaklase!"

Sa tinig ni Miya na umalingawngaw sa silid-aralan ni Guro Demitrius, nagawa niyang maagaw ang atensyon ng lahat. Nararamdaman kong may masama siyang binabalak ngayon.


Hindi talaga maganda ang kutob ko.


"Oh Jasmiya, anong ganap? Ba't ganyan ang itsura mo? Parang kang naghahasik ng kadiliman dito ah," pagbibiro ni Emiere na ikatawa ng lahat pwera sa akin at mga kaibigan ko.

Nakangisi lang sa amin si Miya.

"Sana nga lang nagbibiro ka, Emiere. Sana nga lang..." sabi ni Miya na ikinatigil ng lahat sa pagtawa.

Nakakakilabot siya ngayon, lalo na't puro itim ang kanyang kasuotan, pati na ang bituin sa kamay. Hindi ko alam kung bakit ganito na siya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Emiere.

Nagtaka naman silang lahat sa sinabi ni Miya. Lumalakas na ang kabog ng aking puso dahil sa kaba.

"Siguro ngang totoo ung sinasabi mong maghahasik ako ng kadiliman..." sabi niya saka may lumabas na itim na usok mula sa kanyang mga kamay.

Ikinatakot ng mga kaklase ko ang mga usok na unti-unting kumakalat, lalo na rin ako. Lumapit rin sa akin ang tatlo. Hindi namin inaasahan ang ginagawa ni Miya.

"...pero wala ring mapapahamak kung susunod kayo sa'kin!"

Nanlisik ang kanyang paningin sa amin bago niya ikinumpas ang mga kamay na siyang nagpakalat nang lubusan ng itim na usok sa amin.

Nagsigawan naman ang lahat.

Napapikit ako sa nangyayari nang napansin kong mas lalong kumakapal ang usok at hindi ko na makita ang paligid namin. Parang namang bumabagyo sa loob ng silid namin dahil sa lakas ng hanging dulot ng ginagawa ni Miya. Napahigpit na lang ako nang kapit mga kaibigan ko dahil sa hanging humahampas sa amin, gayon din ang mga kaibigan ko.

Inumulat ko ang aking mga mata at nakita kong may isang berdeng harang ang pumuprotekta sa aming apat mula sa itim na usok.

"Anong nangyayari?!" sabi ko sa kanila.

"Ewan ko! Hindi ako ang may gawa nito!" sabi ni Raphael

"Hindi rin ako!" sabi ni Raphael.

"Mas lalong hindi ako!" sabi rin ni Leia.

Ilang segundo ang lumipas ay biglang humupa ang usok at hangin, at nagulat ako sa nakita namin.

Wala nang malay ang mga kaklase namin na nakahiga sa kung saan-saan, at tanging si Miya lang ang natirang nakatayo bukod sa aming apat.

"Aba, aba, aba!" sabi ni Miya sabay palakpak. "Akalain mo naman, buhay pa ang mga magagaling kong kaibigan."

Napansin siguro niyang may harang kami kaya hindi kami naapektuhan. Hindi ko siya natitiisin pa, kaya nagsalita na ako.

"Ano ba, Miya?! Ano bang gusto mo? Ba't kailangan pang humantong sa ganito ang lahat at idamay mo pa sila?!" sabi ko sa kanya.

"Alam mo kung bakit?" sabi niya saka ako tinaasan ng kilay.





"Dahil sa'yo..."





Hindi ko alam kung anong madadarama ko nang binigkas niya ang dalawang salitang iyon. Kaya ba nangyayari ang lahat na ito nang...

"Dahil sa'kin?" sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Oo, Jai! Oo, ikaw! Akala ko ba kaibigan talaga tayo? Pero bakit inaahas mo 'ko?" sabi niya na ikinataka ko na lang kasi wala akong alam sa pinagsasabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Ahas? Ako? Miya, alam kong kaibigan talaga kita pero hindi talaga kita naiintindi--"

"HINDING-HINDI MO TALAGA AKO NAIINTINDIHAN, MANG-AAGAW KA! INAGAW MO SA'KIN SI RICKY!" sabi niya sabay handa ulit magpalabas ng usok sa kanyang kamay.

Ano? 'YAN LANG BA ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAGKAKAGANYAN? SHEMAY NAMAN OH!

"Miya, kailanman hindi ko inagaw sa'yo si Xandrus. AT KAILANMAN HINDING-HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA KANYA," sabi ko.

"HINDI YAN TOTOO! KITANG-KITA NG DALAWA KONG MGA MATA NA LUMABAS KA SA SILID NI RICKY! AHAS KA!" dagdag niya.

Nagsimula nang tumulo ang mga namumuong luha sa aking mata. Ganito ba ako naging masama kay Jasmiya?

Mahigit isang taon na kaming magkaibigan kasama sina Raphael, Leia, at Rafaela. Itunuring ko na rin siyang kapatid, at ganun rin ang turing sa akin. Ipinadama niya sa akin kung anong pakiramdam na magkaroon ng isang kapatid, lalo na't nalaman nilang isa lamang akong sanggol na nakita sa labas ng eskwelahang ito.

Naging mabait na ako sa kanila, lalo na kay Jasmiya....

...pero ba't ngayon naging masama na ako sa paningin niya?

Ngayon, pinagbibintangan niya akong inagaw ko sa kanya si Xandrus. Shemay, Xandrus na naman!

Kahapon, sinigawan niya nga ako tapos heto namang Miya, pinag-iisipan na may ibang nangyari sa amin. Nabubuwiset na talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko.




"Meow!




Natigil ang aming usapan nang nakarinig kami ng isang ingay ng pusa. Hindi ko namalayang nasa paanan ko ito.

"Ryubi!" sabi ko sabay kuha sa kanya at kinakarga. "Mabuti't buhay ka pa!"

"Meow!"

Niyakap ko aking pusa. Ngayon naman ay nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa presensya ni Ryubi.

"Hindi mo namang sinabing may pusa ka pala, Jai," sabi ni Leia.

"Isang nakakatuwang kaganapan naman ang nakikita ko sa inyo ng pusa mo, pero mas matutuwa pa kayo sa mga magaganap ngayon!" singit naman ni Miya.

"Pwede ba Jasmiya, itigil mo 'to dahil wala naman itong kahahatungan!" singit ni Raphael. Nagulat ako nang naglabas na siya ng asul na pwersa sa kanyang kanang kamay.

"Wala nga pero kayo! Ihahatid ko na kayo sa inyong huling hantungan!" sabi ni Miya na mas ikinatakot ko.

Gumalaw naman bigla si Ryubi na hawak ko, kaya nabitawan ko siya. Hindi ko naman inaasahan na tatakbo pala ito palapit kay Jasmiya at lumundag sa kanya.

"Ang susi!" sabi naman ni Miya nang may nakuhang susi si Ryubi mula sa kanyang bewang.

"Uunahin na kitang pusang ka!"

Nakita kong ikukumpas na niya ang kanyang mga kamay kay Ryubi na tumatakbo palabas ng silid, kaya napatakbo ako.

Tila bumabagal ang mga pangyayaring iyon.

Narinig ko ang mga sigaw ng mga kaibigan ko.

Palapit nang palapit naman ang itim na usok kay Ryubi.



Hindi maaari. Kakaibang usok ang pinalabas niya. Nakita ko na iyon sa isang libro noon.

Iyon ang usok ng kamatayan.

Hindi ko alam na kayang magpalabas ang katulad ni Miya ng ganitong uri ng kapangyarihan.



Gayunpaman, tila hindi ko na magawang umatras pa dahil sa tumatakbo ako palapit kay Ryubi. Siya lang ang kaisa-isa kong alaga na nagpapasaya sa akin kaya ayokong mapahamak siya kahit isang pusa lang siya.

Oo, isang pusa nga lang ngunit iba ang kasiyahan na naidudulot niya sa akin no'ng panahong pinagsakluban ako ng langit at lupa. Kaya kailangan ko siyang iligtas kahit anong mangyayari.

"Ryubi!"




Isang berdeng liwanag ang sumulpot sa harap ko na siyang sumilaw sa aking paningin.

At sa liwanag na iyon ay naaninag ko ang mukha ng aking nakakabatang kaibigan.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now