Kabanata 29

1.2K 67 2
                                    

Jai's POV





Nagtataka ako dahil nasa pintuan ko si Raphael at nakatingin sa labas. Alas 4 y media pa ng madaling araw, ginagambala na ako ng lalaking ito. Nakasuot pa ito ng damit pantulog.

"Raphael, anong ginagawa mo rit--"

"Jan ka lang, kukunin ko lang ang pusa mo," sabi niya at lumabas ng silid ko. Bumalik siyang bitbit si Ryubi.

"Oy, baka mapagalitan tayo niyan!" sabi ko nang papasok siya ulit sa silid ko.

"Usap tayo," sabi niya at mukhang seryoso siya ngayon.










"ANO?!"

"Ssh, 'wag kang maingay!"

Napasinghap na lang ako matapos niyang sabihin ang lahat na naganap kanina, habang natutulog ako rito sa kama ko.

Sinabihan ako ni Raphael na may kahon ng biskwit sa harapan ng pintuan ko na nanggaling kay Miya bilang panghihingi niya ng kapatawaran sa akin ngunit eto namang patay-gutom ay kumuha ng ilang piraso at nalaman na may lason ang mga ito.

"Bakit naman iyon gagawin?" tanong ko sa kanya.

"Tanga ka ba? Edi papatayin ka!" sabi niya sa akin.

"Naalala mo ba no'ng nanghalian tayo sa silid ko dahil binukulan kita no'ng umaga iyon? 'Di ba naghanda si Miya ng mga inumin? Napansin namin ni Leia na may itim na likido sa ilalim ng baso niyo ni Alexandrus kaya agad kong sinabihan si Leia na painumin ka ng isang gamot para mawala ang lason sa katawan mo. Uminom naman kaming tatlo para sa kasiguraduhan," dugtong niya.

Naalala ko nga iyon. Sinabi pa nga ako ni Leia na uminom ng isang gamot sa silid niya. Hindi naman ako nagulat dahil alam ko namang nanggaling si Leia sa isang pamilya ng mga manggagamot.

"Si Xandrus, pinainom niyo ba?" tanong ko.

"Sa kasamaang palad, hindi na namin nagawa dahil iniiwasan na rin kami niya at ni Miya," sagot niya.

"At sa tingin ko, yung epekto ng panglalason ni Miya kay Alexandrus, ay ang pagkontrol sa kanya," dugtong niya na ikinagulat ko.

Naalala ko yung away namin kahapon sa silid niya.

Alam kong may napansin akong kakaiba sa kanya pero hindi ko lang maaalala.

Isip.

Isip.

Yung mga nanlilisik nyang mga tingin.

Yung mga mata niya.

May itim na usok.

"Nasa isang peligro ngayon si Xandrus," tanging nasabi ko.

"Alam ko pero huwag muna nating ipaalam sa lahat. Baka magpapanik lahat ang mga taga-rito, at tsaka wala pa tayong matibay na ebidensya," sabi niya.

"Yung kahon ng mga biskwit! Asan na?"

"Yun nga ang problema eh. Kinuha ng isang estranghero ang kahong iyon nang pumasok ako sa kwarto mo. Akala ko kasi nakuha mo na ang kahon kaya pinuntahan agad kita rito sa loob pero ang naabutan ko lang ay isang hindi pamilyar na lalaki na naglalagay ng gamot sa bibig mo habang natutulog ka. Hindi na siya nagpapakilala pa sa akin at kinuha na ang kahon kahit sinabihan ko na siyang may lason iyon," pagpapaliwanag niya.

Teka, sino naman 'yon?

"Sabi niya raw, kaibigan mo siya."

May hinala na ako sa isip ko pero hindi pa rin klaro.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingWhere stories live. Discover now