Kabanata 66

839 37 0
                                    

Xandrus' POV








Kasalukuyan naming nililibot ni Dad ang buong gusali ng dorm. Wala kaming makitang ni kahit isang anino ng isang estudyante rito.

Halos iniisa-isa na namin ang mga kwarto pero wala kaming madatnan kundi nagkalat na mga gamit nila sa mga silid.

"Xandrus!" rinig kong sigaw ni Dad sa baba.

Dali-dali akong bumaba sa ikatlong palapag at nakita ko si Dad na pinagtutulungan ng dalawang kawal sa may hagdanan.

Agad akong lumapit at winasiwas ang espada ko sa mga kalaban. Eksaktong naitapon ko ang espada ng isa kaya wala na siyang hawak na sandata.

Pinaulanan ko siya ng suntok saka sinipa ng kay lakas. Nasira ang rehas nang tumilapon siya saka siya bumagsak sa unang palapag.

Nakita ko namang napabagsak ni Dad ang isa. "Xandrus, kailangan na nating tumakas mula sa kanila," bigla niyang sabi.

"Bakit po?"

"Kanina ko pa sila sinusubukang patumbahin, ngunit ayaw nilang mamatay," sabi pa niya at napansin kong unti-unti na namang bumabangon ang pinatumba ni Dad. Tinignan ko rin yung nahulog sa unang palapag, at nakita ko rin hindi siya tinablan ng pagkahulog niya mula sa ikatlong palapag.

Bago pa man makasunod ang dalawa ay nakalabas na kami ni Dad sa dorm at pumunta sa kabilang gusali.

May napadaang mga kawal kaya nagtago muna kami sandali sa gilid ng gym.

"Mga kasama, may mga bisita raw doon sa parang! Sumugod na tayo doon!" sabi ng isang kawal na lumapit sa nga tagabantay ng main door ng gym.

Nagsipag-alisan silang lahat sa gate ng gym kaya lumapit kami agad ni Dad sa pintuan.

"Anong kayang tinatago nila rito?" tanong ni Dad.

Sinubukan naming buksan ang pinto pero ayaw bumukas. Hindi naman nakakandado pero ayaw talaga. Kumatok ako nang ilang beses pero walang sumasagot.

"Susubukan kong gumawa ng lagusan," sabi ni Dad saka iginalaw ang kanyang kamay sa pintuan pabilog.

Nakagawa ni Dad ng isang lagusan ngunit nakita kong parang nahihirapan siya habang pinapalaki ang lagusang ginagawa niya. Ilang saglit lang ay bigla na lang siya napaatras at parang hinihingal.

"Dad, anong nangyari?" sabi ko kay Dad nang lumapit ako sa kanya.

"Hindi ko kaya. Sobrang lakas ng pwersang nakalibot rito," sabi ni Dad.

Nakita ko naman ang lagusan na ginawa ni Dad at naging maliit na lamang 'to kumpara kanina ngunit may nakikita ako rito na parang may gumagalaw sa loob.

Lumapit ako sa parang butas na lagusan at nagulat ako sa nakita ko.

"Andito sila," sabi ko kay Dad nang makita ko ang hinanap naming mag estudyante at guro ng eskwelahan.

Nakikita ko sa loob na ang mga estudyante na tila takot at nagwawala habang sinusubukan silang pakalmahin ng mga guro.

Yung iba naman ay may natamong sugat na sinubukan ring gamutin ng mga kasama nila.

May naiiyak, may nag-aaway.

Nakikita ko naman mula sa mga mukha ng iba na parang umaasa silang may darating na tutulong sa kanila.

Wala silang alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon sa eskwelahan.

Nagulat ulit ako nang may sumulpot na lalaki sa butas. Hindi siya pamilyar sa akin.

"Xandrus," sabi niya.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga siya mamukhaan.

"Philip ang pangalan ko. 'Di na importante kung hindi mo 'ko makilala pero importante ang sasabihin ko sa'yo," sabi niya.

"Nanganganib man ang buhay ng lahat ng mga narito, mas nanganganib naman ang buhay ni Jai. Iligtas mo siya mula sa taong may kagagawan ng lahat ng ito.

Kapag nakuha na nila si Jai, tuluyan na nilang mapapasakamay ang lupain ng Pecularia pati na rin ang mundo niyo.

GAGAMITIN NILA ANG KAPANGYARIHAN NI JAI UPANG SAKUPIN ANG DALAWANG MUNDO AT MAGHAHARI NA ANG KASAMAAN."

Sa sinabi niya, nanindig ang balahibo ko. Yung pala ang pakay nila.

"Andito na siya sa eskwelahan. Nasa gusali siya ng mga Guro at hinanap rin ang salarin," dugtong niya na labis kong ipinagtaka dahil ang alam ko, nasa Hilagang Serentos siya ngayon.

Hindi ko alam kung sino siya pero kung totoo nga ang sinasabi niya, kailangan kong puntahan ngayon si Jai.

Lumingon ako kay Dad na mukhang nagtataka rin kung bakit may kausap ako sa loob.

"Dad, ikaw na muna ang bahala sa kanila. Hahanapin ko muna si Jai," sabi ko kay Dad saka tumakbo palayo sa gym bago pa man siya makapagsalita.

Mahalagang habilin sa amin ni Haring Harold bago pa kami sumugod ay huwag ilapit si Jai sa kapamahakan, dahil unang-una sa lahat, siya ang pakay ng mga kalaban.

Mabilis akong nagtungo sa entrance ng gusaling pinuntahan ni Jai. Bumungad sa akin ang nagkalat na mga kagamitan sa mga opisina ng mga Guro.

Hindi kaya may nangyari nang masama kay Jai rito?

Labis na pag-alala na ang namumuo sa loob ko. Hindi maaaring makuha na nila si Jai.

Naagaw naman ng atensyon ko ang ingay na umalingawngaw mula sa itaas. Sh*t, baka si Jai na 'yon.

Bago pa man ako makarating sa hagdan ay marinig akong yapak sa aking likuran. Lumingon ako para alamin kung sino iyon.

"Jai?"

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang kay higpit.

"Mabuti't ligtas. Kanina pa kita hinahanap," sabi niya habang yakap-yakap niya ako.

"Ikaw rin."

Kumalas siya sa yakapan namin. "Nasaan ung Ama mo?" tanong niya.

"Iniwan ko muna doon sa gym. Sinundan kita rito dahil may nagturo sa akin," sagot ko.

Bahagya siyang napaatras at bigla na lang umikot ang paningin ko. May nararamdaman ako sa loob ko na hindi ko maiintindihan.

"Jai, n-nahihilo ak-ko," sabi ko sa kanya at tila nawawalan na ako ng balanse.

Tumawa lamang siya na ikinapagtaka ko.

"Paning-paniwala ka naman, Pascua. Psh, kapag nagmamahal nga naman, nagiging tanga na saglit," sabi niya ngunit nag-iba na ang boses niya.

Hindi puwede.

"Flyndell..."

Huli ko nang napagtanto kong naloko na naman ako sa pagpapanggap ni Flyndell. Sinubukan kong labanan ang hilo ko ngunit natumba lang ako sa sahig at napasapo sa aking ulo. Tanging nakikita ko lang ay ang paligid na patuloy pa ring nagpaikot-ikot.

Huli ko nakita bago ako tuluyang pumikit ay ang mga paa ni Flyndell na unti-unting lumalapit sa akin.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora