Cheating

966 27 9
                                    


Yup :D cheating ang topic natin. Dami  makakarelate nyan haha.

Di ko na maalala kung kailan ako nagsimulang mag cheat. Pero tandang tanda ko pa kung kailan ako huling nagcheat haha.

Sabi ng mga teacher, wag daw tayo magcheat, pero bakit? Pero bakit pag alam natin na nahuhuli tayong mag cheat, di nila tayo binabawalan?

Want to know why?

Kasi, alam ng mga teacher natin na kahit bawalan nila tayong mangopya, mangongopya pa rin tayo kasi nga wala tayong masagot at gusto natin makasagot ng tama. Kaya hinahayaan na lang nila na marealize natin na mali tayo! Maling mali ang ginagawa natin.

Paano? Simple lang, magbibigay sila ng madaling quiz or hindi muna nila tayo pahihirapan sa recitation. Yung tipo ng quiz na ibibigay nila ay madaling pagcomparan ng sagot para madali tayong makakopya. Then after that, bibigyan nila tayo ng mataas na grade. Tapos tayo, tatanga tanga. HANGANG HANGA SA MATAAS NA GRADE NA DI NAMAN NATIN PINAGHIRAPAN!

However, pahihirapan na nila tayo sa susunod. Magbibigay sila ng quiz na di madaling pagcomparan. Mas magiging strict na sila. Tipong one seat apart. Hanggang sa di na tayo makakopya at ma-ZERO na natin.

See?

Sa ganitong sitwasyon, marerealise natin na di pala tayo magaling. Naiparealize satin ng mga teachers natin na mas maganda pa rin kung nag aral tayo at di tayo nangongopya. Para kahit anong ibato sating quiz, masasagot natin kasi alam natin.

Hayaan na natin kung mangopya ang mga kaklase natin. Basta tayo wag natin gagawin.

Ako kahit wala akong masagot dahil sa di ako nag-aral, di talaga ako mangongopya kahit na ikabagsak ko pa. So what kung bumagsak ako di ba? Deserve ko naman yun. Kaysa naman sa marealize ko na di ko deserve yung grades ko. Mas masakit kaya yun.

Kahit tanungin nyo pa mga kaibigan ko, di talaga ako nangongopya. Kahit na gustong gusto kong mangopya at halos lahat ng katabi ko ay nagooffer na ng sagot, di pa rin ako pumapalag. (Minsan nga, naiinis na sila sakin kasi napakaARROGANTE ko daw, MAPRIDE atsaka WALANG PINAKIKINGGAN) pero sa totoo lang, di talaga nila ako maintindihan. Ang mahalaga kasi sakin ay ang kontento ako sa ginagawa ko .

I want my grades to reflect my performance.  Ayokong sa bandang huli, sasabihin ko na GRADES LANG YAN, IT DOESN'T DEFINE ME. It defines me a lot and always. Siguro kaya di ito nakikita ng maraming tao kasi aminado sila and for a lot of reasons, may ginawa silang mali para magmatch ang performance nila sa grades nila. Pwedeng nangopya sila or some other emotional reasons.  Grades wont define you as a WHOLE. Yup tama sila dun.  But at least pinapakita ng grades kung ano yung dapat mong gawin. It's either you continue what you've done or move-on and find other ways.

So yun lang.

Medyo maikli ba? Haha madami pa akong kwentong cheating sa susunod.  

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now