Ang Bilis Magturo ni Sir

449 10 2
                                    


Discuss si sir.

Discuss si sir

Discuss si sir



NGANGA AKO.


Aamin na ako. Kapag nagtuturo si prof, walang pumapasok sa utak ko lalo na pag Advance Accounting. Ang bilis bilis niya kasi magturo. Yung tipong inaabsorb ko pa lang yung nasa blackboard, iba na naman sinasabi niya.
Nakakatamad na tuloy makinig ay nakakababa ng kompiyansang makapag aral. Sasabihin mo sa sarili mong, BOBO BA AKO? MAPAG IIWANAN AKO NITO.

Sabi nila depende daw sa prof kung sisipagin mag aral ang estudyante, but I disagree.
Sa estudyante pa rin dapat ang sisi.

Natanong mo na ba kung nagrereklamo na rin ang prof mo dahil di ka nakikinig kapag naglelesson siya? Sa tingin mo nakakapili sila ng estudyanteng tuturuan nila? HELL NO! Di namimili ang prof ng tuturuan pero ginagawa nila ang makakaya nila para turuan tayo sa paraang kaya nila. Kaya tayo bilang estudyante, wala tayong karapatang magreklamo kung terror, tamad, or pamajor ang prof natin kasi simula pa lang, di natin sila pinili. Wala tayong qualification na isinet ayon sa kagustuhan natin para sundin nila. Kaya dapat lang na gawin din natin ang lahat ng ating makakaya para makinig sa kanila kahit anong label pa ang itawag niyo.

ang pakikipag interact sa klase ay proseso ng REACHING OUT. Reaching out has only one rule and one step.

"IF ONE PERSON DOESN'T LISTEN, MAKE HIM LISTEN. IF HE DOESN'T TALK, MAKE HIM TALK."

Simple lang di ba?
Kung ayaw niyang makinig, gumawa ka ng paraan para makinig siya. Kung ayaw niyang magsalita, gumawa ka ng paraan para magsalita siya.

Napansin mo ba na itong rule na'to ang ginagamit sa recitation?

Pag di ka nakikinig, di ba ikaw yung tinatawag ng prof? Ikaw kasi yung gusto niyang magsalita. REACHING OUT.

Kapag di siya nagsasalita, di ba ikaw yung nagtatanong sa prof. dahil kulang siya sa detalye ng lesson niya? REACHING OUT.

Balik tayo sa nauna, iapply natin sa prof. Kapag masyadong mabilis ang prof. Magturo at di tayo makasabay, di ba kailangan nagtatanong tayo? Ang kaso, di tayo nagtatanong kasi nahihiya tayong masabihan na bobo o slow ng mga kakase natin. Samantalang sa totoo lang, YOU ARE JUST REACHING OUT. Hindi ibig sabihing nagreach out tayo, bobo na tayo. REACHING OUT IS NORMAL!

Kaya sinasabi kong kasalanan natin kung di natin maintindihan ang lesson kahit gaano pa kabilis magturo ang prof.. Di kasi tayo nagrereach out sa kanya.




Rules Of Accountancy StudentsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora