pag 3 ka na sa midterm.

678 18 0
                                    


Naalala nyo yung chapter ko dito na "2.75 sa prelim and feeling mo 3.5 sa midterm?"

Hahaha.. may resulta na ako, kanina ko lang nalaman.

Aamin na ako, yung subject na ikinababagsakan ko ngayon ay Law.

At kanina nga lang ay nalaman kong hindi ako 3.5 sa midterm. 3.00 pala ako.

Wow di ba? Ang saya! Ang sarap magbigti!!! Like what I've said earlier, NAGREVIEW AKO, AT GINAWA KO NA LAHAT, TAPOS, PERIOD,.

haaayyy... Pause muna saglit. Alalahanin ko lang ang naramdaman ko at that very moment na nalaman kong 3.00 ako.

Isa lang naman ang naisip ko nung nalaman kong 3. 00 ang midterms ko.

"TRES ANG HABOL KO SA FINALS. KAPAG NAG 3.5 AKO NG FINALS, GOODBYE BSACCOUNTANCY NA AKO!!!"

yup. Tama kayo, ang NEGA ko! Sabi din sa akin ng mga kaibigan ko un. Ang highest sa midterm exam namin ay 3.00 tatlo yata sila. Then nasundan ng 3.5 (kasama ako) then may nakakwatro. 2.75 na ang CP ko, pero yung exam hinatak lang yun.

3.5 na exam??!!!! Di ako makapaniwala kasi binigay ko na lahat ng oras ko para mag aral ng law. Halos yung majors ko ay di ko na naaaral. Puro law na lang ang nasa isip ko.

Nung nalaman ko talaga na 3.0O ako at 3.00 din ang habol ko sa finals, pinanghinaan ako ng loob pero buti na lang pumunta kami ng Mcdo ng mga kaibigan ko at doon naglabas ng sama ng loob. Tumaba nga ako eh. Pareparehas kami na 3.00 ang habol.

Haaayyy..... habang naiisip ko yun ngayon, napapagod ako. Parang, NASAAN NA BA AKO NGAYON? ANO NABANG PINAGLALABAN KO? HANGGANG DUN NA LANG BA TALAGA ANG KAYA KO? ang dami ko ng tanong.

I tried to find inspirations, buti na lang umuwi ako ng province ng lunes kaya kahit depressed ako ngayong araw, ay saglit lang ako nalungkot kasi hanggang ngayon, ramdam ko pa rin na katabi at kasama ko ang pamilya ko.

Sabi ko sa sarili ko, malaimpiyerno na yata ang buhay ko. Nahihirapan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Di ko na din alam kung paano ako makakahabol. Paano makakabawi.

Hanggang sa nagPOP-OUT sa empty MIND ko na...

Bakit ako mag-aalala?

Bakit ako matatakot sa tres na hahabulin ko?

Bakit ako mawawalan ng pag-asa para bumawi?

Bakit ako magGIGIVE UP?

EH SA TOTOO LANG, MATAGAL NA AKONG LUMALABAN AT BUMABAWI PARA DI LANG MAKAKUHA NG TRES PARA MAKAACHIEVE NG MAS MATAAS.

MATAGAL NA AKONG HUMAHABOL AT TUMATAKBO PARA LAYUAN ANG TRES!

bakit ako matatakot ngayon na bumawi knowing that eversince na nag-aral ako ng law, ang objective ko ay makakuha ng mataas?

Bumabagsak man ako o hindi, lumalaban ako noon kaya bakit ako susuko ngayon?

NORMAL na lang dapat sa akin ito. Matagal ko na pala itong ginagawa. Matagal na pala akong naghihikahos sa pag-aaral kaya bakit ako maggigive up?

Ang naiba lang this time, may PRESSURE!

Kapag bumagsak na ako, tanggal na ako. Di tulad pag nag aaral ako sa prelim, okay lang na bumagsak ako dahil hindi pa ramdam. pabagsak na ako plus pressure, equals to giving up kaya mahirap magpatuloy. Kasi nagCOCONCLUDE na ako ng kalalagyan ko without even trying.

Guys, readers,

Kapag nakaharap kayo ng ganitong pagsubok lumaban kayo. Ibigay nyo lahat lahat. Kung naibigay nyo na ang 100% nyo, then give them 101%. wag tayong mawawalan ng pag-asa. Wag nyong papatayin ang nag-iisa nyong pag-asa. Kasi babagsak ka lang kapag PINATAY mo na yung pag-asa na yun ng di mo man lang ginamit.

Im suffering from depression this past few days.

Depressed ako. Mababaliw na yata ako.

Goodnight futureCPAs :)

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon