lessons from 3.00

239 9 3
                                    

Tapos na ang Holy Week at nagpapractice na lang ako for Sampaguita Interlude.

Ito lang naman yung pagpapasa ng sampaguita ng mga graduating sa mga  susunod na graduates next year,  which is kami. Nakakalungkot isipin na yung mga kasabayan kong pumasok ng unibersidad ay mauunang gumraduate sa akin dahil 5 years ang course ko. Kahit na hindi ko sila close, nakakaramdam pa rin ako ng pang-iiwan. Normal lang siguro iyon sa aming magkakablock.

By the way, medyo na-refreshed na ang utak ko para makapagsulat ngayon. Tapos na ang holy week and it's April 3 today. Medyo magaan na ang pakiramdam ko after depression at pagkapit ko sa Auditing and Tax.

Gusto kong isulat dito para na rin sa kaalaman ninyo ang mga mahahalagang aral na natutunan ko sa kabila ng paghihirap na pinagdaanan ko ng buong 4th year.

1. This is the most dofficult part of college. Kapag wala sa kagustuhan mo ang ginagawa mo, walang mangyayari sayo kahit na anong sipag at oras ang ibuhos mo para marating ito. Kailangan mo munang gustuhin bago ka kumilos. Pwede ring habang kumikilos ka, unti unti mong nagugustuhan ang ginagawa mo. Take Auditing for example. Minsan aral ako ng aral samantalang ayaw ko naman sa inaaral ko. I DON'T KNOW THE TRUTH BEHIND WHY I NEED TO STUDY THIS? Remeber that once you have dicovered your intentions, it will be easier for you to move upon your dreams. Kailangan alam mo kung bakit mo iyon inaaral. May pinagaalayan ka ba nun or May gusto ka bang mangyari sa buhay mo? It's a matter of knowing your reasons before loving the means.

2. If you trust uncertainty, make sure that you have at least reduced its level. Kapag alam mong babagsak ka na, wag kang magpanic. Bawasan mo ang risk ng pagbagsak mo. So ano dapat ang gawin? Kalma lang. Aralin ang kaya pang aralin. Bangon lang.

3. Naniniwala ka bang hindi alam ng prof mo na nangongopya ka? Or ganito, nagdududa ka ba sa prof mo kung alam niya o hindi na nagkokopyahan kayo ng mga kaklase mo?kung hindi, SINASABI KO SAYO NA WAG MO NG ISIPIN IYON. DIRETSO KA LANG SA TAMA AT MABUTI. WAG MANGOPYA AT MAGHIRAP. Alam naman ng prof na nagkokopyahan, ang dapat mo lang gawin ay wag mangopya kasi sinusubukan ka lang niya kung kakagat ka sa mali.

4. Kapag blanko na ang utak mo dahil sa kakaisip ng habol mo na halos magpawis ka na ng dugo sa pressure, tawagan mo ang pinakapinagkakatiwalaan mong tao. Sa kanya mo lang ilabas ang lahat ng hinanakit mo. Malawak ang mundo, at ito lang ang sasabihin ko sa'yo, isa lang ang dapat na pagkatiwalaan mo. (Tinawaga  ko si papa ng malaman kong pabagsak na ako)

5. Wag kang maging masaya kapag nakapasa ka na. Pag naging masyado kang masaya, makakalimutan mo ang natutunan mo sa paghihirap na dinanas mo. Lalaki ang posibilidad na  maulit ulit ang mga pagkakamali mo. Maaaring abusuhin ka na naman ng ibang tao ng di mo namamalayan. Okay lang na di ka muna madaling magtiwala kasi nasaktan ka na. Wag mong ipilit na masaya ka kahit na umiiyak ka na sa pagkabalisa.

So far ito pa lang ang narerealize ko. Hayaan mo, may karugtong pa ito.

Goodnight :)
I'm Back future CPAs!!!!

Im going to make my one last year a year to remember. Im going to seize the chance !!!!

Rules Of Accountancy StudentsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang