Wag mong basahin kung wala ka pang grade na 3.5

197 5 0
                                    

I gave you a warning! Please,, please,, this is to save your own sanity.
Don't read this  unless you failed like hell or like me. (Hell=me, no difference)

Nag exam ako noong sabado sa Auditing. Aaminin kong hindi ako nag aral dahil ang sabi ng prof namin ay 1.00 na daw ang CP namin. Ganoon din naman ang ginawa ng mga kaklase ko, ang maging kampante dahil 1.00 na rin ang CP NILA.

But..

Something happened that I nearly died.
HINDI PALA UNO ANG CP NAMIN. IYONG ISANG QUIZ LANG ANG UNO AT DI NIYA TINAGGAL YUNG PANGALAWA, WHICH IS MABABA.

WALA AKONG ALAM KUNG NAGSASABI BA NG TOTOO ANG MGA KAKLASE KO NA UNO NA NGA KAMI SA CP O SADYANG BINAGO LANG NI SIR YUNG ANNOUNCEMENT!! Late kasi ako noong may announcement.

Pagtapos ng exam na iyon, 3.5 ako sa buong midterm. First time kong bumagsak sa isang grading period. At ang nakakainis pa nyan ay 4.00 lang ako sa exam dahil 11/25 yung score ko samantalang 15/25 is equivalent to 2.5. Alam mo ang pinaka hindi ko natanggap? Yung habang nagsasagot ako, binura ko yung 2 items na tama ko. Pinamali ko pa lalo. So dapat 13/25 ako. Siguro saktong 3.00 or 2.75 pa yun at saktong 3.00 pa ang grade ko.

So ang labas ay bumagsak ako dahil sa binura ko pa yung 2 sagot ko. Nasaan ang matalinong pagdedesisiyon ng equivalent range dun? Ang gusto bang sabihin ng prof namin ay bagsak ako dahil binura ko yung dalawang tamang sagot? Ang sakit naman yata ng ganun. Oo nandun na sa sitwasyon na ang TANGA at BOBO ko. Pero di ba nya naisip na nakakatrauma yung ginawa niya at baka magago ang mentality ng mga estudyante nya? Mga taksil! Mas maganda siguro kung ibagsak nya ako kasi wala talaga akong maisagot.

Natrauma ako guys. Gusto kong magwelga at magrally sa harap ng Mendiola! Una para akong natraydor ng mga kaklase ko!! Pangalawa, napaka unreasonable ng equivalent range na binigay ng prof. Namin.

Galit na ako sa lahat! Galit na ako sa mga kaklase kong nagongopya, galit na ako sa mga prof kong pinaglalaruan lang ang pag-asa ko, galit na ako sa mga kaibigan kong pinagmumukha akong joke, galit na ako sa lahat. Galit na ako sa mundo!! Galit na ako sa pangarap ko, galit na ako sa buhay ko, galit na ako sa kinabukasan ko, galit na ako sa dugong dumadaloy sa loob ng katawan ko. Parang meron ng ibang tao sa loob ng katawan ko na halos di ko na makilala ang sarili ko. Di ko na alam ang paniniwalaan ko. At galit ako sa diyos.

Pagtapos ng exam, dumiretso ako sa CR at umiyak ako. Namanhid lahat ng parte ng katawan ko at hindi ako makatayo. Pinilas ko yung test paper ko at hinawakan iyon. Paglabas ko ng CR, dumiretso ako ng school chapel. Gusto kong sigawan ang rebulto ng diyos doon at basagin ng pino tapos itapon ang pilas pilas kong test paper sa altar.

Bakit napaka UNFAIR ng mundo? Di ba niya alam na sobrang dami na ng pasakit na binibigay niya sa akin? Di ba niya alam na masisiraan na ako ng ulo sa mga trauma at hirap na binibigay nya sa akin? Nararamdamn niya ba ako? Sabi nya, siya ang bahala sa akin. Parte rin ba ng plano niya ang pagpapapunta sa akin sa Mental hospital?

Walang nakakaalam kung sino talaga ako at kung ano ang mga napagdaanan ko, simula ng bata pa lang ako. Siguro kung may nakakaalam man nun, siya lang yun. Kaya nasasaktan ako kasi siya na nga lang ang kinakapitan ko, hinahayaan niya pang mangyari sa akin ito.

Nagsimba ako kanina pero parang hangin na lang ang salitang lumalabas sa bibig ng pari, kaya umalis ako.

Maybe...

I was supposed to face the burden of life in every stand.
I was killing myself

Or...
I was born to fail forever.
.

I told you not to read this. :(

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now