usapang library

743 20 3
                                    

Kanina nasa library ako. Syempre tahimik.Madaming mga feeling smart dun, madaming matatalino naman talaga, at tulad ko, madaming mga tatanga tanga at slow mag-isip. Pero hindi ito ang pinupunto ko.

Paano nga ba mag-aral sa library? Or sa madaling salita,

Bakit kailangang mag aral sa library at gaano kaeffective mag-aral sa libary???

In my personal experience.

Lumaki ako sa library nung high school ako. Palagi akong nagtatago sa library kasi wala akong kaibigan. Tumagal lang naman yun nung first year high school ako at di na nasundan pa. Wala akong choice, wala akong kaibigan eh. Ayoko naman na makita ako ng mga kaklase kong palaging mag-isa na naglalakad kaya ayun, library ang taguan ko. (Sounds like a fiction story)

Later on, nitong nag college na ako, naging isang parang tambayan ko na ang library.

1. Dito ko tinatapos ang mga projects and assts. ko. (Like researches, and mga problems sa cost accounting at auditing)

Mas madali kasing makatapos pag nasa library. Walang istorbo, bawal ang maingay at walang mga nagkalat na estudyanteng pandisplay lang.

2. Sa library ako pumupunta pag wala akong klase. Kahit sabihing isang araw kaming walang klase at yung mga kaklase ko ay di papasok sa school, PAPASOK PA RIN AKO!! mas matutuwa pa ako, kasi makakapag-aral ako ng maayos.dederetso ako sa library.

3. Pumupunta ako sa library kasi feeling ko, kasama ko sila papa at mama at dalawa kong kapatid habang nag-aaral ako. LIBRARY IS HOME pag mag-isa lang ako. Nakakatuwa nga kasi may sarili akong lamesa sa library. Palagi namang walang nakaupo dun kaya dun ako pumupwesto palagi.

4. Pumupunta ako sa library para hanapin ang mga nakakalitong tanong ng prof. Namin. Minsan pa nga, nagpapaxerox ako ng book para lang may kopya akong maaral pag uwi ko ng bahay.

ALL IN ALL, masaya ako dahil may library.

Effective ang pagpunta ko dun dahil medyo may nalalalaman akong knowledge na hindi tinuturo ng prof. Namin. Epekto? Minsan advance na ako sa iba.

So, ano naman ang masamang epekto ng pag-aaral sa library ng mag-isa?

1. Mapagkakamalan kang grade conscious when in fact, all you want is to learn.

2. Mapagkakamalan kang malandi kapag tumitingin ka sa mga boys or girls sa loob.

3. Your social skills will decrease.

4. At higit sa lahat, pag nagbasa ka ng mga books sa library, minsan sa nasosobrahan na ang lalim ng pagkakaintindi mo, kaya pag nag exam, nalilito ka na at nagooveranalyze ka. Samantalang minsan BASIC lang yung mga tanong.

Bottomline?

Nakadepende pa rin ang epektibo ng pag aaral sa library sa mga estudyanteng tulad natin. Kung DESIDIDO tayong mag aral, papasok ang pinag-aaralan natin sa nakakaIMBIYERNA nating utak. Pero pag pumupunta tayo sa library na wala tayong GOAL sa pag-aaral, wala tayong INAASSUME na matapos, then WALA din tayong MAPAPALA.

So if I were you, SUBUKAN mo ng mag-aral sa library. :) WITH PURPOSE.

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon