Not a rule just a message part 2

244 7 1
                                    

(P.S. Wag mong basahin ito kapag masaya ka. Kapag galit ka sa mundo, basahin mo na ito. Wala na akong pakielam sa opinyon ninyo tungkol sa sinasabi ko dahil galit ako ngayon)

December 10, 2015
Nanalo kami sa best feasibility study kanina pero hindi ako masaya. Di ko magawang maging masaya para sa group dahil di ako nakasagot ng tama. Nung nandoon ako sa harap, wala ng salitang lumalabas sa bibig ko. Hangin na lang at blankong ideya. May narinig pa ako sa audience na iiyak na daw ako. Pero alam mo yung masakit? Yun yung nandoon ka sa harap ng maraming tao. Lahat sila nakatingin sa akin, naghihintay ng pagkakamali ko tapos bigla na lang kukuhanin ng kagroup ko yung microphone sakin para siya ang sumagot sa tanong na hindi ko masagot. Alam ko na palpak ako palagi. Sablay sa lahat ng bagay. But at that moment sa halip na maramdaman kong tama lang na inagaw na niya sa akin yung mic, mas nanliit ako sa sarili ko. Naramdaman ko na hindi pala sila naniniwala na minsan siguro kakayanin ko rin. Sobrang walang kwenta ang tingin nila sa akin. Ang sakit na walang naniniwala sa kakayahan ko. Masakit na yung mga bagay na gusto mong sabihin ay hindi mo masabi dahil alam mong mali iyon sa mata nila. Ang sakit manahimik na halos gusto ko ng makawala sa katawan ko at lumipad sa hangin. I don't know what is my purpose anymore. di ko na din alam kung ano ba ang gusto kong maabot.

Napapagod na ako sa araw araw na pagpasok ng parang wala naman ako sa school. Nakakapagod matuto, nakakapagod lumaki, nakakapagod tumanda, nakakapagod maging ako.

Minsan kahit sabihin kong okay lang ako, hindi pa rin ako okay. Kahit sabihin kong magiging maayos ako, hindi pa rin ako maayos. Kapag nagmahal ako, walang bumabalik ang labas pa nga ay pang iiwan sa akin sa ere. Sabi ko, nag iinvest ako sa lifetime friends ko, pero sa bandang huli iiwanan rin naman nila ako.Iiwanan ka nila ng hindi nila alam na nasasaktan ka. Kapag maayos na sila at kapag masaya na sila, okay na. kahit hindi ka masaya, hindi nila mararamdaman ang sakit na nararamdaman mo.

Naisip ko na mas madali yata kung dumistansya na ako sa lahat ng tao. Tingnan ko na lang sila mula sa malayo at maging pader na lang. Mas maganda siguro kung magbasa na lang ako ng libro at mag earphone kapag pumasok sa school. Mas maganda kung wala na akong pakielam sa lahat ng tao at magfocus na lang sa sarili ko. Hinding hindi ko na rin kakausapin ang lahat ng tao ng may halong emosyon. Magiging robot na lang ako na walang nagkokontrol sa akin. Di ko na gagalingan sa lahat ng bagay at magsasakit sakitan na lang ako para matuluyan na akong mamatay, kapag napagod na akong magsakit sakitan. Hindi ako magpapakunsulta sa psychiatrist at magbabaliw baliwan na lang ako. Pupunta ako sa malayong lugar ng naglalakad at bubuhayin ko na lang ang sarili ko. Kahit mahirap!! Hindi na ako magpapakita kila mama at papa at sa dalawa kong kapati dahil ako ang pinahamahinang tao na nakilala ko sa buong buhay ko dito sa mundo.

Minsan tinatanong ko ang diyos kung bakit niya ako pinapahirapan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nabubuhay pa ako sa ganitong mundo. Nagagalit na ako sa kanya, gusto ko ng sumigaw sa loob ng simbahan. Pero... Wala eh, wala ng ibang makakatulong sa akin kundi siya kaya hindi ko na lang gagawin. Masama pa rin ako di ba?? Sobrang sama ko talaga.

Masama ako, tinatago ko lang sa lahat. Kaya ayun nagbubunga naman yung kasamaan ko, sa akin din bumabalik. Mas madaling tanggapin na kasalanan ko lahat kasi masama ako kaysa sa isiping kasalanan ng iba kasi masama sila. Pasensya na at masama talaga ako.

Para sa mga taong alam-nyo-na-kung-sino-kayo,,

Alam mo bang isang unan na ang iniiyak ko ngayong araw? Alam mo bang ang dami kong laslas sa katawan ngayon at nilakad ko mula Quiapo hanggang Dangwa dahil lang sa di ko na alam ang gagawin ko sa punyeta kong buhay?! Alam mo bang isang araw na akong hindi kumakain ngayon at papagalitan na naman ako ng nanay ko dahil hindi pa ako nakakaluto? Alam mo bang walang rumerespeto sa nararamdaman ko? Alam mo bang ang dami ng tsismis na kumakalat tungkol sa akin? Alam mo bang sinabi ko na sa crush ko kung sino ako tapos nung nandun ako sa harap ng panelists, hindi man lang siya lumingon sa akin? Alam mo bang nahihirapan na ako, nasasaktan na ako, sobrang hirap na, napapagod na ako at alam mo bang sa lahat ng sinabi ko, gusto ko ng sumuko?

Malamang hindi mo alam kasi binasa mo lang kung ano ang makakatulong sayo. Malamang nandyan ka lang rin pag kailangan mo ako katulad ng iba. Malamang kapag hindi na kita kaharap, iba na ang sinasabi mo. Malamang nahihirapan ka na rin na basahin iyong sinasabi ko. Malamang maiisip mong mahina akong tao at wala akong kwenta. Malamang hindi mo iyon papansinin kasi kaibigan mo lang ako kapag may kailangan ka. Malamang kaaawaan mo lang ako kagaya ng pagkaawa ko sa sarili ko.

Wag mo akong lingunin kung naaawa ka. Hindi ko kailangan ng awa mo. Hindi ko kailangan ng lait mo. Hindi ko kailangan ng taong katulad mo na didiktahan ako mula sa puso't pag-iisip ko. Sayong sayo na yang pagkukunwari nyong pagmamahal dahil makakaya ko rin ng wala kayo!! Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko!!

Hayaan nyo isang araw makikita nyo ako na naglaho na lang kusa. Hayaan niyo at magiging malayo din kayo sa akin. Hayaan niyo dahil didistansiya na ako. Ayoko na sa tao. Ayoko na kayong isama sa katotohanang nakikita ko.

(Guys, nilabasan ko lang ito ng galit ko. Wag kayong mathreaten, kailangan ko lang kasi talaga ng mapaglalabasan nito. Mababaliw ako kapag hindi ko ito nasabi.)

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon