Feasibility Study Progress

518 7 0
                                    

Nararamdaman nyo ba yung stress na dala ng feasibility study?

-Gabi gabing paggawa ng FS paper.

-Meeting dito, meeting doon

-Negotiate dito, negotiate doon

-Cost-cutting para mapagkasya lang ang 1,000,000 na initial capital.
adjust sa cost, adjust sa unit price.

-Walang katapusang adjustment actually. Magkakainisan pa kasi may mga mahuhuling nagpapasa ng adjustment kaya magaadjust din yung napasahan ng adjustments.

-Inisan dahil yung iba tamad, wala sa focus, at ang hilig mampuna ng mali ng iba.

-Basagan at tapunan ng mga ideas kaya malalaman talaga kung sino ang mga di nag iisip.

-makakatanggap pa ng dumudugong manuscript pagkatapos maitama ng FS adviser.

-oras, efforts, sacrifice, determination and cooperation ang magiging puhunan kaya minsan may mga ibang mahahalang bagay ng nakakalimutang gawin.

-and most of all, defense defense, DEFENSE!!!

If nakakarelate kayo sakin as I have mentioned some points above, maghanda na kayo kasi iisaisahin natin yan.

Una, gabi gabing paggawa ng fs paper. Kung ganito ka, simulan mo ng magkaroon ng habit na gawin ang fs paper kapag may vacant hours kayo.

Second, meeting dito meeting doon. Magkaisa kayo kung saang bahay ang merong internet connection at dun kayo gumawa. Make a schedule.

Third, negotiate dito, negotiate doon.
Hatiin ang task ninyo. Hangga't maaari maglista na ng mga tanong or sadyain ninyo na pwedeng masagot. Para isang beses lang kayo pupunta.

Fourth, cost-cutting para mapagkasya ang 1,000,000. Wag kayo magcost cut! Magrequest kayo sa prof na taasan ang initial capital ninyo. Pag nagtanong ang panelist kung bakit ang baba ng cost ng fixed assets ninyo or kung bakit sobrang liit ng office and factory ninyo, di nyo pwedeng sabihin na nagtitipid kayo. Remember, quality is more preferred than minimization of cost.

Fifth, walang katapusang adjustment. (Eto matindi. Haha. Cause ng sisihan sa groupmembers) Kapag alam mo na kasing mali, dapat pinag aaralan na kaagad tapos idefend sa groupmates kung bakit tama. Pag mali ka pa rin, wag mo ng ipagpilitan kahit ilang oras o araw mo pa yang pinag aralan. Accept the hard truth na mali ka. As simple as that. Isipin mo na lang na ginawa mo yung best mo para maitama ang mali pero para sa ikabubuti ng FS paper nyo, matuto ka ding makinig sa kanila.

Sixth, conflicts. Tamad, wala sa focus at sisihan. Magkakadugtong lahat ng ito. Minsan kasi yung sisihan nakakadulot ng pagkawala sa focus lalo na kung ikaw yung sinisisi. Makakapag isip ba tayo kung kaharap natin yung nagpapamukha satin na mali tayo, bobo tayo, wala tayong naitama, wala tayong kwenta? Makakapag isip ka ba ng matino pag ganun? At dahil sa wala na tayong focus sa ginagawa natin, tatamarin na tayong magbigay ng ideas, magsuggest ng gagawin kasi yung self esteem natin bumababa. Nawawalan tayo ng tiwala sa sarili natin na hindi natin kaya. Kaya sa halip na magsipag tayo, tinatamad na tayo. Para saan pa kasi di ba? Wala ng nagtitiwala satin. Solution? KAHIT PAGMUKHAIN KANG BOBO SA HARAP NG IBANG TAO LALONG LALO NA SA SARILI MO, WAG KANG TITIGIL NA GAWIN ANG LAHAT PARA SA IKAGAGANDA NG MANUSCRIPT NYO. Ano ngayon kung sirang sira na ang paniniwala nila sa kakayahan mo? Ano ngayon kung mas wala kang alam? As long as alam mong ginagawa mo ang best mo dahil may pinaglalaanan ka ng paghihirap mo, NORMAL kang tao. Alam mo naman yun sa sarili mo kahit ano pang sabihin nila di ba?

Seventh, basagan at tapunan ng mga ideas. Simple lang, wag ka masyadong mag isip ng ideas na itatapon mo or ideas na babasagin mo. Tahimik ka lang, chill lang. Listen. Listen. Listen to them. Hayaan mo silang magbanggaan tapos kuha ka ng ideas nila at sang ayunan mo kapag medyo may TAMA naman.

Eighth, madugong manuscript. Yung red ballpen ni sir naubos na yata sa pagchecheck. Karamihan grammar and format ang chinecheck nya. Kaya ayun back to basic ako. Magbasa lang ng grammar book , okay na.

Ninth, nakakalimutan na ang ibang mahahalagang bagay aside from fs.
Matindi din ito. Yung oras sa family nauubos. Nawawala na yung pakielam sa pamilya. Di nyo mapapansin yun pero yung kawalan nyo sa pamilya nyo, yun yung masakit sa part nila. Okay lang yun. Bawi ka na lang sa susunod. Di ka naman forever na gagawa ng fs di ba? Maiintindihan ka naman nila lalo na kung nakikita nilang gabi gabi kang nagpupuyat.

Tenth, DEFENSE. Kahit next week pa kami magdedefense, ramdam ko kanina yung panggigisa sa akin ni prof. Pero okay lang nasagot ko naman siya. Natutunan ko na kapag magdedefense ka, kailangang limitahan mo yung mga sasabihin mo hanggang doon sa kaya mong ipaliwanag. Wag kang magsasabi ng words or amounts na wala kang basehan. Why? Kasi in FS, we are chasing uncertainties. However, we can't reduce uncertainties. We can only chase uncertainties by making it more realistic. Sabi nga ng prof namin sa finman., kapag yung target sales niyo sa isang taon ay mukhang imposibleng maabot, hatiin niyo per month at makikita nyong realistic din sya. (Parang si crush, napakauncertain na maging kayo pero kapag inisa isa mong ginawang realistic ang mga goals mo at mas nakilala mo ang sarili mo, may mukha ka ng maihaharap sa kanya. Binasag mo na yung uncertainty na baka hindi ka niya mapansin. Hahhaha)

These are some points of value that I have realized after conducting my feasibility study. Gusto kong ishare lahat ito para makatulong. Patapos na naming gawin at umaasa ako na sana masama kami as candidate sa best feasibility study. Secret goal ko yun as a secret admirer niya haha. Alam kong mapipili as candidate yung group ng crush ko kaya ginagawa ko din lahat para matalo siya hahaha evil laugh. But honestly, pag nanalo talaga kami magpapakilala na ako sa kanya. Icocongratulate nya ako, can you imagine that? Hahaha sarap mangarap. Defense na lang ang pinaghahandaan namin ngayon. And thanks God dahil hindi pa rin ako sumusuko..

Kaya kayo, wag kayong sumuko. PUSH PA MORE! Kaya natin 'to. Para 'to sa mga taong nagmamahal sa atin at sa mga taong kulang ang pagmamahal sa atin haha cornybells.. But true.

So yun lang.
Goodnight future CPAs.
Fight lang kaya natin 'to!!!! Ibigay na ang todo!!!

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now