Your preparation for CPA board as an undergrad

402 9 0
                                    

Bago umalis ng Manila pauwi ng probinsya, naisip isip kong meron pala kaming exam sa first meeting namin next year. Wow di ba? Pabaon na naman? Di ko talaga maintindihan ang mga prof kung bakit nagpapagawa sila ng mga assignments sa bakasyon! Yung tipong pahinga ko yun eh! Bakit? Why? Are you trying to kill me? Buti na lang malawak ang pang unawa kong pumapasok ako sa mundo ng matatanda and thiiissss.. This is a training ground. Ang hirap matutunan ng di ko kinasanayan.

Tapos noong naisip kong may exam kami, nagbalot agad ako ng mga books and reviewer. Syempre daladala ko sila Ocampo at Valencia baka masingko na naman ako sa tax at auditing. Meron pa palang pabalot na cases sa strategic management. O di ba? Ang bonnga ng mga prof namin. Isang maleta na nga halos ang bitbit ko na puro libro ang laman but no, I'm not a nerd, just determined lang :D

Siguro naghahanda na nga ako para sa CPA board although sa 2017 pa ako kukuha nun. Kasi naman di ko na mapigilan ang mga prof ko na wag akong ipressure kaya eto ako ngayon, inuunahan yung pressure. Sabi ko sa mga kaklase ko magreview na kami sa bakasyon, pero ayaw nila kasi magtatrabaho daw sila sa KPMG for OJT. Susubukan ko din magtrabaho pero pag hindi natuloy, mag eenroll ako sa review school. (RESA siguro ako hehe. Yung mga magreresa dyan sa bakasyon hello po mga ate at kuya :))

Balik sa topic haha. Paano na nga ba ako magsisimula maghanda para sa CPA board habang nasa undergrad pa lang ako??

1. Mag ipon na ng mga visual aids.
Nagsusulat ako sa manila paper ng mga summary, notes,Reminders, important details and figures na makakatulong sa akin na maalala yung complicated topics na hindi ko maintindihan. Tapos dinidikit ko sa pader kapag naintindihan ko na, tinatabi ko na at pinapalitan ng bago kapag tapon ko ng i-quiz.

2. Searching the internet
Madaming reviewer sa net na free lang yung iba kaya iniipon ko na rin iyon at nilalagay sa hard drive. Haha. Search for blogsites madami din kayong mga estudyanteng makikilala at makakatulong sa inyo dun.

3. 2-Month review per subject
Meron na akong rule na kailangan sa dalawang buwan, may isang subject na akong nareview. Yung mga mahirap yun syempre. Finacc 1 for January and February, finacc 2 for March and April.

Tapos... To be emotionally ready naman sa CPA board exam as an undergrad, ito ang mga kailangan natin.

1. To be happy to attain concentrated mind and to have focus.

Paano tayo makakapagfocus? Simple lang, kailangan masaya ka. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin bago ka mag aral. Ikondisyon mo ang utak mo. Isaksak mo na kaagad sa utak mo na kakayanin mo kahit hindi mo na kaya. Kailangan positive ka palagi kahit bagsak bagsak ka na sa mga quiz mo at ilang araw ka ng depressed kasi di ka na makabawi sa grades o kaya ay palagi ka na lang pasang awa (Ako ito). Mahirap! Alam kong mahirap kasi kahit ako, di ko rin magawang maging masaya sa kabila ng depression. Hindi naman kasi tayo bagay na walang nararamdaman o kaya robot na walang kapaguran at kaya rin tayo nasasaktan kasi tao lang tayo. Sabi ng kaibigan ko, ang pagiging masaya daw ay sarili nating desisyon. Kung pipiliin nating maging masaya, edi maging masaya tayo. Enjoyin na lang daw ang kalungkutan kaysa sa magmukmok at mag self-destruct na parang namamatay na star. Mahirap di ba? Mahirap kasi talaga!!! Ang kulit ko no? Hahaha ang hirap at nakakapagod.

Positive? Isang salita na kailangan natin para makapag focus sa accounting. Isang salita na mahirap makuha sa sitwasyon ng katulad ko na down na down na. Sabi sa the secret: Law of Attraction ni Rhonda Byrnes, ( may video ito kung ayaw niyong basahin yung book) na-aattract daw natin kung ano ang naiisip natin. Hindi na natin kailangang malaman kung paano tayo makakarating sa gusto nating puntahan kasi universe na daw ang bahala doon, kailangan lang natin magtiwala sa universe at gustuhin ng gustuhin ang pangarap natin. Nothing is concidental daw lahat ng pangyayari sa buhay mo produkto lang ng kung ano ang hinihingi mo sa universe. Kaya kung depressed ako, o kaya ikaw o kaya tayo, edi depressed lang tayo! Haha kung iniisip naman natin na hindi tayo depressed o kaya iniisip lang natin na di tayo papasa, edi isipin mo lang napapasa ka, okay ka na. Imaginin mo na lang kung ano ang mangyayari sayo once na CPA ka na. Papasok ka sa opisina, magrereport ka sa mga management, malaki ang sweldo mo, matutulungan mo ang nanay at tatay mo, mapag aaral mo mga kapatid mo, mapapatunayan mong matatag ka. Isipin mo lang na once na CPA ka na, hindi ka na magjejeeep kasi may kotse ka na, magkakaroon ka ng asawa, ng anak, tapos ibubuhos mo sa kanila ang buong buhay mo kasi mahal mo sila. Every christmas na kayo may family reunion sa family mo at ng asawa mo, may family bonding kayo at kukuhanan mo sila ng litrato na ilalagay sa album at doon makikita mo kung paano sila lalaki dahil sa pagmamahal mo. Just think of positive thoughts!! Do what makes you happy!!! Then the universe will give you positive mind in able for you to gain focus.

2. Isipin mong easy lang solusyonan ang mga problema mo.
Kunwari, problema nyo ang pag aaral ng auditing kasi alam mong kahit anong gawin mong pag aaral babagsak ka pa rin kaya hindi ka na mag aaral. Eh nagkataong pag-aaral lang ang tanging solusyon para makapasa ka, anong gagawin mo? Edi mag-aral pa rin! Eh paano ka makakapag aral kung nahihirapan kang tanggapin na magiging okay na ang resulta this time? Matuto kang magtiwala sa salitang pagbabago kaya ka nga gumagawa ng new year's resolution di ba?

3. Love yourself
Kung puro na lang kapakanan ng iba ang inaatupag mo pati sarili mo ay naisasakripisyo mo, paano na ang pangarap mo? Syempre, magtira ka rin ng para sayo.

Soo. Siguro madami pang ways na hindi ko alam for cpa preparation. For the mean time, ito muna ang gagawin ko. Try niyo na rin po :)

#goodnight

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now