Alam kong mataas makukuha ko dun eh, pero bakit bagsak pa rin ako?

402 14 5
                                    

Naitanong nyo na ba ito sa sarili nyo? Syempre yung mga super genius dyan hindi. Sa mga average na katulad ko, madalas actually palagi in my case.

Tax quiz kanina nag aral ako. Todo aral ako.
Tapos nakakuha pa rin ako ng failing grade. Napasukan na naman ako ng pressure na baka hindi ko mabawi sa midterm or finals yung grade ko. Palagi na lang akong pasang awa. Ang hina ng utak ko . Siguro kasi wala ako sa focus mag aral o baka ayaw ko ng commitment sa accounting kasi mahirap masaktan.

Magluluksa muna ako bago ako magbigay ng reasons kung bakit tayo bumabagsak kahit nag aral naman tayo.

---------------------------------PAGLULUKSA AT PAGMUMUKMOK------------------------

Minsan kahit sabihin ko sa sarili ko na okay lang bumagsak kasi sanay naman na ako, mahirap pa rin tanggapin na hanggang dito lang pala yung kaya ng best ko. Para akong preso na di makawala sa sitwasyon na'to. Nakakapagod, nakakabaliw at nakakapanghinang isipin na YUNG BEST MO BAGSAK! YUNG BEST MO LALO KA LANG SINIRA! Yung best mo walang pinatunguhan! Yung best mo ay diniktahan ng numerong nakasira sa iyong katatagan! Eh PAANO PA KAYA PAG NAKAHARAP MO NA YUNG MAS MAHIRAP? E di pakamatay na?

(Speaking of suicide, gusto ko na rin magpakamatay minsan. Gustong gusto ko ng tumalon mula sa rooftop na nagsilbing study area ko. Yes, sa taas po ako ng building nagrereview. Naglalabas ako ng table at study lamp sa taas at dun nagpupuyat mag aral. Pag nakakita kayo ng nag aaral sa rooftop ng isang building along Dapitan St. Sampaloc Manila malaki ang tyansa na ako yun. Mga 9:00 ng gabi hanggang 1:00 ng umaga ang sched ko dun. Hahaha. Kaway lang kayo pag nakita nyo ako)

Minsan maiisip mo na para dito ba talaga ako? Ako palagi yun sumasagi sa isip ko kasi nanay ko ang nagdesisyon na kuhanin ko ang accountancy. Makikita ko na lang sa mga kaklase ko na pag bumagsak sila, bangon agad sila kasi pangarap nila ang accountancy eh samantalang ako, pag bumagsak napapaisip na "SIGURO PAG AKO YUNG PUMILI NG COURSE KO, MAG EEXCEL TALAGA AKO". Tapos iiyak muna ako, iisipin ko muna yung hirap nila mama at papa para paabutin ako sa kung sino man ako ngayon. Iisipin ko na iniwan ko yung kapatid ko sa probinsya mag isa para mag aral dito sa Manila. Iisipin ko na di ko nanabibigyan ng oras ang mga taong nagmamahal sa akin. Iisipin ko na mahina talaga ako at wala na akong magagawa dun at Iisipin ko na mali ang buong buhay ko. Tapos magpupuyat ako kakatulala sa bintana at kakatunganga sa langit. Tapos bago ako matulog, maliligo ako sa CR hanggang sa abutin ako dun ng 2 oras na nakaupo sa floor tiles. Bago ako matulog, iuuntog ko yung ulo ko sa pader hanggang sa mawala yung mga iniisip ko. Kapag pagod na pagod na ako, saka pa lang ako matutulog. Normal pa ba ako? Kayo na ang humusga. Kinabukasan, magkakape lang ako at papasok sa school na mukhang wala akong problema. Nakangiti pa rin ako, nagpapanggap na gusto ko pang mabuhay.

Pag uwi ko galing ng school, makakakita ako ng mga taong kalye. Mas mahirap pa pala ang pinagdadaanan nila sa akin. Manghihingi sila ng pagkain kasi gutom na sila at kailangan nilang mabuhay samantalang ako bumagsak lang sa tax magpapakamatay na. Madami pa lang tao ang may gusto ng buhay ko kaya bakit ako mawawalan ng pag asa? Pagsakay ko naman ng jeep pauwi, nagkakatuwaan ang mga pasahero sa mga simpleng bagay. Sa simpleng pag abot lang ng bayad, nagkakangitian sila at nagpapasalamatan sa isa't isa. Ako kaya? Bakit hindi ko na magawang matuwa sa mga simpleng bagay?

--------------------------------------end of pagluluksa huhubells-------------------------------

Balik tayo sa tanong, bakit tayo bumabagsak kahit na nag aral tayo?

1. Napeperceive mo ang isang subject as sobrang hirap kaya todo prepare ka kahit na simple lang yun.
2. Wala kang focus sa inaaral mo
3. Natatakot kang mag aral kasi inaasahan mo ng babagsak ka kaya konting aral lang ang ginagawa mo.
4. Wala tayo sa concentration during exams kahit na sobrang nag-aral tayo
5. Yung inaral mo ay hindi pala kasama sa exam. Mangalap ng scope kung hanggang saan lang at type of exam kailangang alamin din.
6. Puyat ka kakaaral kaya kinabukasan, hindi na gumana ang utak mo
7. Madami kang iniisip during exams. Distracted ka sa mga pasulpot sulpot mong thoughts.
8. Stress ka kaya mabigat ang pakiramdam mo. May pressure na kailangan mong makasagot hanggang sa hindi ka makasagot. Pressure exceeds motivation.
9. Physically present ka pero mentally absent. Alam mo yun? Parang ako lang, nabubuhay sa ibang mundo bukod sa bawat oras ng mundong ginagalawan ko.
10. We don't believe in ourselves. No need to explain alam nyo na 'to.

Itong sampung ito ang dapat niyong pansinin kapag bumagsak kayo kahit nag aral kayo. Asan kayo ngayon dito? Then work from there gumawa ka ng sarili mong batas kung paano mo ito malalabanan. Sometimes you have to make your own rules.

Sa mga nagbasa nitong part na'to, goodluck satin hehe. Bagsak ako sa quiz sa tax kanina at syempre nagluluksa na naman ako. 1 and 1/2 year na lang makakalabas din ako sa sitwasyon na'to. Wag kayong mag alala kaya kong gamutin ang sarili kong mental disorder. May OCD at PTSD ako. At ang pinakamalala sa ngayon ay takot na ako sa tao.

Goodnight future CPAs.

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now