Tips for Case study haha

293 7 0
                                    

Isantabi muna natin ang nalalapit kong pagbagsak sa Auditing na sana naman ay hindi matuloy dahil ibinubuhos ko na ang lahat ng oras at talino ko kakaaral ng Audit of Shareholder's equity. (Nahihirapan pa ako sa compound financial instruments, stock rights, options, book walue per share. Medyo nalilito pa ako pero LABAN lang.)

11:30 na ng gabi at kakatapos ko lang mag aral.
Im happy that I FINALLY FINISHED MY CASE STUDY NOONG ISANG LINGGO PA HAHA.

meron ba kayo nun? Meron ba kayong mga case study?

Just a brief introduction, ang case study sa strategic management ay sobrang hirap lalo na kung baguhan ka pa lang. Dito ka lang naman kasi gagawa ng solutions para maayos ang problema ng kompanya. At hindi basta basta ang pag aaral nito dahil may certain steps to follow. Each case, determine the following,
1. timecontext
2. viewpoint
3. vmv statement
4. current operational plans
5. social responsibility applications
6. statement of the problem
7. Statement of objectives
8. SWOT analysis
9. Alternative courses of actions
10. Analysis of alternatives
11. Decision statement
12. Implementation programs
13. Proposed operational plans
14. Other problems and recommendations
15. Management lessons learned from the case

O di ba? Ang dami daig pa ang thesis at feasibility study namin. Malupit 'to, 4 na cases ang pinapasagutan individually sa intermediate pad at hand written with minimum of 10 pages!! Grabe! Sasabog na yung kalyo ko sa daliri. And what's more? Haha may dalawa pa kaming group case na idedefend namin sa adviser namin. Tinadtad kami sa tanong ni sir nung unang presentation namin. Gisang gisa kami dahil ang panget daw ng mga words na ginamit namin sa case. OUT OF THE CONTEXT daw! Pero tama naman yung strategy namin compared to other groups na may solutions pero di akma sa time context. Kaya sa time context pa lang ay mali na sila. For example, magpopromote o magaadvertise ka sa facebook ng taong 2001 pero hindi pwede dahil wala pang facebook ng 2001.

Napaka hazardous talaga ng case study sa time. Ito ang pinakadahilan ko kung bakit palyado ako sa Auditing at Tax. Kinain na nito ang lahat ng oras ko. Ayaw ko naman ito gawin ng tama eh. May maipasa lang okay na, kaso habang sinasagutan ko yung cases, nag eenjoy ako. Hindi ko nararamdaman yung pagod dahil kahit gaano kahirap, nagagawa ko iyon ng tama kasi doon ako masaya. (HUGOT!) sana ganito ako sa Auditing at TAX. Di ako sumusuko kahit na mahirap kasi gusto ko yung ginagawa ko kaya kahit abutin pa ako ng mahabang oras, laban lang.

So, ito na ang mga tips para makagawa kayo ng magandang case study

1. Magbasa ng mga articles sa internet about business. Kahit ano ay pwede nyong basahin. Mangalap lang kayo ng mga words na pwede nyong gamitin sa pagsagot ng case para magmukhang professional ang pagkakagawa.

2. After nun, magbasa na ng case. Wag kayong magconclude sa unang basa pa lang. Dont try to judge the case kung di nyo pa naiintindihan. Kung ay mga wirds na hindi maintindihan, basahin ulit. Wag mainis kapag di na gets. Kung kailangan ng dictionary, ilabas mo si mirriam o kaya si webster.

3. Kapag naintindihan mo na ang case, cite mo kaagad ang statement of the problems. Actually, mag daya akong ginagawa sa paggawa ng case. Hindi ko sinusunod ang procedure or step by step instruction ni sir.

Ganito ako magsagot ng case haha. :)

Viewpoint
Statement of the problem
Other problems and recommendations
Time context
Current operational plans
Proposed operational plans
Vmv statement
Social responsibility applications
SWOT analysis
Alternative courses of actions
Analysis of alternatives
Decision statement
Implementation programs
Management lessons learned from the case
Statement of objectives

So, ganito ko siya inayos kasi mas madali sakin na yung ganito. Hinuli ko yung statement of objectives kasi kukuhanin ko siya sa implementation programs ko.
Hahaha ang daya ko. Tapos nito, inaayos ko na lang sa gusto nilang pagkakasunod sunod.

4. Kapag di mo pa rin maintindihan ang case, kumuha ka ng laptop or ballpen at papel tapos ilista mo yung case facts.
Isummarize mo....
Isaisahin mo na ang laman....
at intindihin mo na....

Kapag di mo pa rin maintindihan, magtanong ka na sa kaklase mo dahil baka mali ka na ng pagkakaintindi. Mas magandang komunsulta sa kaklase kaysa sa magsarili. Pede nga na magpalitan kayo ng alternative courses of action tapos irephrase nyo na lang pero ganoon pa rin ang ideya.

5. Tapos, habang gumagawa ka na nga case, wag kang titigil na magsagot kasi baka amwala na yyng una mong naisip. Dapat tuloy tuloy ka lang. Wag kang mastress na baka abutin ka ng kalahating araw.

Sa maniwala ka at sa hindi, matatapos mo ang case ng isang upuan lang at tatlong oras. Kailangan mo lang talagang itatak sa utak mo na matatapos mo iyon ng mabilis. Minsan kasi sa sobrang pag iisip natin ng tama at perpektong sagot, nabibigay na natin ang lahat ng oras natin sa case.

Tandaan din na hindi lang case ang dapat na inaaral ng Accountancy student na tulad natin.

And to finish this, let me remind you that whatever decision you made for the case, it is always right. The question is CAN YOU PROVE THAT IT IS RIGHT?

Nagiging mahirap lang siya dahil naghahanap tayo ng ebidensya para maging tama ang sagot natin at hindi ang paghahanap ng sagot mismo. Kahit ano pa ang sagot mo basta sa tingin mo ay may tama ka, patunayan mo. Ipilit mong tama. Ipamukha mo sa kanilang tama ka kasi may ebidensya ka. Kapag sinabi nilang mali ka, edi sabihin mong kanya kanya lang tayo ng solusyon at walang tamang sagot!

Hahaha yun lang :D

Marami pa akong ikukwento about sa other subjects ko lalo na sa Auditing at Tax.
Sa mga naghahabol ng grades ng finals, kasay kaway naman. Abangan niyo ang updates ko. Para sa atin iyon.

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now